C H A P T E R 44

758 35 5
                                    

CHAPTER 44

Dumadagundong ang malakas na ingay ng mga grupo ng estudyante at maraming talanding babae sa buong paligid. Naiiling nalang akong pinapanood silang magwala at tumitiling sumisigaw sa gitna ng court.

"The game will starts in 15 minutes." anunsyo ni Bria, siya ngayon ang magiging announcer at sina Capt. Andrew at Capt. Thomas ang referees.

Paano ba naman kasi, nauwi sa isang laro at pustahan ang pamimilit nila Archie na sumama sa kanila si Khalix, todo tanggi naman kasi ito kaya ang bagsak ay isang mainit-init na laban ang magaganap.

Halos mga kabataan ang pumuno sa mga bleachers, dumating rin sina Elaiza, Irene at Giselle. . . at nakabuntot sa kanila ang mga reporters.

Ang sandamakmak na tauhan ng mga Captain's ay nakabantay sa labas at sinisecured ang paligid. Gusto ko pa sanang ipakaladkad yung tatlong mga bruha kaso kawawa naman si Copper crush pala ng tarantadong yun si Atty. Irene Reyes.

"Tita Pretty! Kalan!"

Tinanggal ng anak ko ang pagkakahawak ko sa kaniya at patakbong sinalubong ng yakap yung bubwit.

"Nagsimula na ba?" tanong ni Rabiya.

Ngumiti ako at umiling. "10 minutes pa."

"Tata!" pagbungisngis ng bunsong anak niyang si Ysmael.

"Hello Baby Mael!" sabi ko at nanggigil kong pinisil ang magkabilang pisngi nito.

"Tat-Ta!"

Magkakasabay na dumating sina Tita Ara at Tito Richie, Uncle Logan, sina Tito Kherro at Tita Alu at si Papa Kin. Nasa Rome ngayon sina Papa at Mama para sa isang convention, at isinama nila ang kapatid ko at si Popshie para mamasyal.

"What happen?" kuryos na tanong ni Papa Kin, at pinasadahan ang mga nagkakagulong babae.

Bumeso ako sa kaniya. "Ayaw paawat sina Archie. . . kanina pa po nilang pinipilit na sumama sa kanila ang anak niyo po kaso ayaw naman ni Khalix hanggang sa nagpustahan nalang sila." pagkwento ko.

"Ano yung prize, Iha?" tanong ni Tita Alu.

Liningon ko ang pwesto ni Khalix. "Uhm Tita. . . ano uh Stag party ni Khalix. . . kapag natalo daw ito uhm. . . pakakasalan niya si Giselle, next week."

"What?"

Napatalon ako sa pagkagulat ng sumulpot sa harapan namin si Aunt Kana. Pinagdikit ko ang aking hita ng maningig ako sa takot, napansin ko ang pag-atras ni Papa Kin sa gilid ko.

"Kin, explained this to me! Would you let your son lose in this game?!" parang mangangain na ito ng tao sa paraan ng pagtingin niya.

Nanlaki ang mata ko nang iniharap niya ako kay Aunt Kana. Sa sobrang nerbyos at takot ko ay nagpigil ako ng hininga at hindi sinasadyang maapakan si Papa Kin.

"A-aunt Kana. . ."

Masama niya akong tinignan bago liningon ang kapatid. "Hindi ikaw ang kinakausap ko Ayesha. . ." aniya.

"N-no A-ate." nauutal na sagot ni Papa Kin.

"At ikaw naman Ayesha, hahayaan mong pakasalan ng pamangkin ko yung babaeng iyon?" taas kilay nitong tanong, agad akong umiling.

Parang may bumara sa aking lalamunan at hindi ako makapagsalita. Umayos ako ng tindig ng panlakihan niya ako ng tingin, pakiramdam ko kinakatay ako ng buhay sa pamamaraan ng pagtingin ni Aunt Kana.

"That's good."

Liningon niya si Tito Richie. "R-chi, kamusta ang Auntie?" tanong niya.

"She's fine, Ate." mahinang sagot ni Tito Richie.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now