C H A P T E R 33

849 30 7
                                    

C H A P T E R  3 3

Hindi pwede. . . hindi pwedeng wala na sina Bff at si bebeko. Hindi ko mapigilang umiyak habang iniisip na totoo ang sinasabi nila. . . paanong patay na ang boyfriend ko kung nangako pa siyang magdedate kami?

"Archie. . ." humihikbing bulong ko.

Napahawak ako sa aking dibdib ng nanikip ang puso ko. Hindi ko matatanggap na iniwan na ako nila Bff, marami pa kaming pangarap na hindi natutupad. Paano nalang yung future ni Baby Kalin, at kinuha nalang basta basta ng demonyong Arnold na'to.

"Kung buhay kayo. . . buhay ang asawa ko." biglaang sinabi ni Sir Arnold.

Umigting ang panga ni Boss Kin, tumayo siya at kinuha ang bakal sa tauhan niya. Napaiwas ako ng tingin ng inihampas niya iyon at malakas na tumama sa katawan ni Sir Arnold.

"She's already died, Moron!" galit niyang hinampas muli ng bakal dahilan ng pagkasuka ng dugo ni Sir Arnold.

"B-buhay a-ang asawa ko!. . . T-tinago mo siya sa akin! Ilabas niyo siya!" pagwawala ni Sir Arnold, pilit nitong kumakawala sa kadenang nasa magkabilang paa at kamay niya.

Lumingon sa pwesto namin si Boss Kin. "Rabiya, don't stress yourself, you need to take your rest. . . James take your wife out of here." sabi niya.

"Papa, gusto kong makitang patayin niyo siya." sabi ng katabi ko.

Nanlilisik na tumingin si Sir Arnold. "Papa?"

"Hmmm?" pang aasar ni Boss Kin.

"I'm their father."

Ngumisi si Boss Kin. "They are my daughters."

Namutla ito at napatigil. Hinugot niya ang kutsilyong nakatarak sa kaniyang ulo at nahila si Raina. Napahawak ako kay Rabiya ng itinutok ni Sir Arnold ang kutsilyo sa leeg ni Raina.

"Raina. . ."

Kalmado lang sina Raquisha at Rashana, habang kami ni Rabiya ay pareho nang nanlalamig ang kamay sa takot, lalo nang idiniin ni Sir Arnold ang kutsilyo.

"Ilabas niyo si Calista!" sigaw ni Sir Arnold.

Nakangiting nakatingin si Raina kay Boss Kin. "Papa. . . calm down hmmm. . ."

"How can I calm down, your neck is bleeding." sabi ni Boss Kin.

Tumikhim si Capt. Quiro. "Now."

Tumango si Raina, kasabay ng malakas niyang pagsiko kay Sir Arnold kung kaya't nakawala siya. Ganun nalang ang pagkabigla ko ng inagaw ni Jack ang kutsilyo at siya ang sumaksak sa dibdib ni Sir Arnold.

"Feel the pain, Arnold!"

Ngumisi lang ito at malakas na tumawa habang tinatanggal niya ang kutsilyong nasa kaniyang dibdib.  Nakakatakot siya, parang hindi siya nasasaktan sa mga tinamo niya.

"Jack. . . Let him kill himself." pagpigil sa kaniya ni Tito Leo ng aakmang lalapitan niya muli ito.

Hindi ko magawang maawa kay Sir Arnold, kulang pa yan sa ginawa niyang pagpatay kina Bff. Sana masunog ang kaluluwa niya sa impyerno.

"K-kin."

"Yes Arnold?"

"Tinuring kitang kaibigan. . . pero anong ginawa mo? Trinaydor mo ako!" sigaw niya at ibinato ang kutsilyo papunta sa direksyon ni Boss Kin.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now