C H A P T E R 47

774 38 10
                                    

C H A P T E R  4 7

"Wrong timing, Miss."

Natawa ako ng maimagine ang mukha nito. Nasira ko na naman ang sexlife niya, siya kasi yung lalakeng hindi gumagawa ng milagro sa gabi. . . madalas umaga ito nakikipaglabing-labing sa iba't ibang babae, at ang weird kasi sa umaga ba talaga nila ginagawa?

"Bangon na, kailangan mong umuwi sa probinsya." natatawang sinabi ko, napairap ako ng marinig ang ungol sa kabilang linya.

"What I'm going to do ugh fvck!"

Napatingin ako sa katabi ko. "Charita Fuentes." sabi ko.

"Ugh fvck!"

Umirap ako. "Ihatid mo sila ng maayos dito, nagkakaintindihan ba tayo?"

Nagsalubong ang kilay ko ng makitang napakaraming supporters ni Giselle ang pinapaalis ng mga pulis dito sa presinto. Ang iba sa kanila ay nageeskandalo, nagwawala at sumisigaw.

"Sir baka masaktan si Ms. Madrigal." sabi ni Chario.

"Hindi porque tutulungan ka ng babaeng yan, ay magpapadala kana. Alam mong mas malaki ang kikitain natin, mamaya." sabi nung Escalona.

Hindi nakapagsalita si Chario. Nang mapansin ako ng mga tao, hinila niya ako patakbo papasok sa presinto. Rinig ko ang pagwawala ng mga supporters ni Giselle.

"Sikat yan ah."

"Sigurado kayong ikukulong natin yan?"

Tumikhim si Chario. "Sir huwag muna."

"Anong kaso niya, Fuentes?" tanong nung Chief at pinasadahan ako ng tingin.

"Attempted murder at Kidnapping, Sir." sagot nito.

Anong klaseng pag-iimbento na naman ba ang ginawa ng babaeng yun para lang maipakulong ako.

Maya't maya lang ay dumating sina Giselle, as usual kasama niya yung dalawa; sina Irene at Elaiza.

"Mabuti naman at nahuli kana nila." bungad niya at sinabayan iyon ng paghikbi.

Kumurba ang kilay ko ng makitang marami siyang pasa sa mukha na batid kong hindi totoo. Paanong magkakapasa yan, eh alagang alaga niya ang mukha niya.

"Then?"

"Hayop ka! muntikan mo na akong mapatay!" sigaw nito.

Nahuli ko ang kamay ng bruha ng aakma siyang sasampal sa akin, pinilipit ko ang braso niya hanggang sa ngumiwi siya sa sakit.

Inawat ako ng mga pulis, natawa ako ng parang batang umiyak si Giselle. Ang overacting naman niya ngayon?

"See? She hurt me!" iyak niya.

Kumulo ang dugo ko ng mapansing may mga reporters sa gilid at kinukuhanan ako. Lumapit doon si Giselle ang pinakita niya ang namumula niyang braso sa harap ng camera.

"Babe, did you see this? She hurt me! S-sinaktan niya ako! Yan ba ang ipagpapalit mo sa akin?" umiiyak niyang sinabi.

Kahit kailan talaga, salot sa buhay ko ang bruhang ito. Ano bang nagustuhan ni Khalix sa kaniya? panay kasinungalingan at kaartehan lang naman ang alam ng babaeng to.

"Dapat ikulong na natin yan!"

Tumango-tango si Giselle. "Hindi siya makakatakas sa ginawa niya sa akin."

Naglakad ako palapit sa kanila, napangisi ako ng magsi-atrasan sila. Taas noo ko silang pinasadahan ng tingin, ngumiti ako ng nakakaloko ng makita ang inis at takot sa mga mata niya.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now