C H A P T E R 53

629 33 4
                                    

C H A P T E R  5 3

Kalahating oras nang nakahilerang nakaluhod sa harapan ang limang tukmol, yan ang parusa sa ginawa nilang paglilihim.

Malapit nang sumapit ang gabi, iilan nalang kaming nandito sa simbahan. Sina Tito Richie at Tita Arabella ay lumipad papunta sa Greece para sunduin at tulungan sa problema ni Archie.

"Stop na Attorney!" pagtili ni Yna.

Kanina pang paikot ikot ang tatlo sa kakatakbo dahil hinahabol sila ni Kaizhee. Hindi ko maiwasang magulat dahil marunong palang makisama at magpasaya ng mga bata si Kaizhee, kung titignan kasi ito napakasungit ng dating.

"Kuya taympers muna!" hinihingal na sinabi ni Aileen.

Magkakatabi itong umupo sa kabilang pwesto. Napangiti ako ng binigyan ni Kaizhee ng tig-iisang tubig ang tatlo. Hindi ko pinansin ang mga bulong-bulong ng mga tukmol sa harapan.

"Do you know a kid named Rogue?" tanong ni Kaizhee sa tatlong bubwit.

Biglang bumusangot ang anak ko sa sinabi ni Kaizhee samantalang bumungisngis naman sa pagtawa si Yna na tila kinikilig ito.

"He is our classmate, why Kuya?" balik na tanong ni Aileen.

"Attorney second crush ko yun!" hagikhik ng bubwit.

Nanlaki ang mga mata ni Kaizhee. "Yshianna Marie Thompson?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Ang haba no? Ewan ko ba kay Lord Heusson kung ano-ano pinapangalan sa akin. . ." reklamo niya.

"Fvck!"

Ang haba nga naman ng pangalan ng bubwit, iilan lang ang nakakaalam sa totoong pangalan niya. Madalas kasi nitong gamit ay 'Yna Thompson' , at ito rin ang ginagamit niyang pangalan sa School.

"Ayos kalang Attorney?" pansin sa kaniya ni Yna.

Pilit itong ngumiti. "Yeah. . . Uh do you want to be friends with Rogue?"

Napapadyak sa inis ang anak ko, samantalang ngiting-ngiti ang bubwit sa naging reaksyon ni Kalin sa tinanong ni Kaizhee.

"He is boring. . ." saad ni Aileen.

"And also a weirdo!" pairap na dagdag ni Kalin at nag-apir silang dalawa ng kapatid ko.

Napatayo ako ng mapansing umigting ang panga ni Kaizhee at bahagyang kumuyom ang kamao nito habang nakatingin sa anak ko.

Nanayo ang balahibo ko ng magkatinginan kaming dalawa, agad siyang ngumiti sa akin bago nawala ang nakakatakot niyang awra.

"He is a goodboy, Kalin. Please be friends with him or else. . .just kidding!"

Hindi ako natutuwa sa sinabi niya, parang iba ang dating nun sa akin. Sino ba ang Rogue na iyon, at tila yata pinipilit ni Kaizhee na kaibiganin ng tatlong bubwit ang batang iyon.

"Hmmp he is an asshole!" galit na saad ng anak ko.

"Kalin Riguel!" suway ko at pinanlakihan siya ng mga mata.

Dagli itong tumakbo papunta sa akin. "Sorry Mimi!" pagyakap niya sa akin.

Magkasabay na dumating si Elaiza at ang mga tauhan ni Aunt Kana. May kasama itong lalake na kahawig ni Kaizhee, at panigurado akong siya ang tatay nila.

"Kuya where's Ate Bella?" malalim ang boses niya, at tila mas nakakatakot pa siya kumpara kina Papa Kin at Aunt Kana.

"They followed Archie at Greece." sagot ni Papa Kin at binuhat ang apo.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now