C H A P T E R 54

518 26 3
                                    

C H A P T E R 5 4

"Bwisit na batang iyon!"

Kung buhay pa talaga si Arnold, iisipin ko talagang anak niya si Rogue. Paano ba naman kasi, carbon copy na nga hindi pa nagmintis sa ugali.

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ang hile-hilerang mga kotse sa tapat mismo ng simbahan. Una kong nakita si Liam na humahangos na pumasok sa loob, kasama niya ang maraming mga pulis.

Nagtataka ako ng madatnan kong pinoposasan nila si Elaiza. Umaangal rin sina Kaizhee at Sir Kenzo sa hindi ko malamang dahilan.

"Believe me, I didn't help her! I swear Dad! I swear. . ." halos maiyak na ito.

Tumikhim ako. "Anong nangyayari?"

"May malaki tayong problema, Aye." sagot ni Copper at nananatili parin silang nakaluhod kasama sina Khalix.

"Huh?" tanong ko.

"It's all about Giselle." sagot ni Khalix.

Nanliit ang aking mga matang pinagkatitigan siya. Paano na naman naging problema ang babaeng iyon, eh nakakulong na nga.

"Sweetie. . . nakatakas si Giselle." problemadong saad ni Papa.

Nabigla ako sa narinig, imposibleng makatakas siya sa kulungan. Maraming mga tauhan namin ang nagmamanman at nakabantay sa selda ni Giselle.

"Paano?"

Sinulyapan ko si Elaiza. "Kasabwat kana naman niya?" galit kong tanong.

"I swear to God, I didn't help her!" agap niyang sagot.

"Kailan pa siya nakatakas?"

"Kaninang umaga, Madam." sagot ng mga pulis.

Nanghihinang napaupo ako, paanong makakatakas ang bruhang yun? Kanina lang umaga ay nireport pa sa akin ng tauhan kong muntikan na siyang mapaaway dahil sa pagiging maarte niya tapos mababalitaan kong nakatakas siya?

"Hindi siya makakatakas ng walang tumulong sa kaniya!" pagalit kong bulyaw.

Nagvibrate ang cellphone ko, mabilis ko iyong sinilip at isang uknown number ang nakalagay. Nangunot ang noo ko, nang isang teddy bear emoji lang ang laman ng message nito.

Tumabi sa akin si Papa. "Sweetie, posibleng kilala natin ang mga tumulong sa kaniya. They use different tactics para makalaya si Giselle." aniya at hinalikan ako sa noo.

"What do you mean, Papa?" kuryos kong tanong at tiningala ito.

"Miss, gumamit sila ng mga poisonous gases. Nitrous oxide at halothane gas ang dahilan kaya nakatulog ang mga pulis kaya walang nakapansin sa pagtakas niya." sagot ng tauhan ni Quiro.

"Yung iba, dead on the spot dahil sa nalanghap nilang Nitrogen Dioxide and worst yung mga tauhan natin they died by eating a gummy bear, sinusuri pa kung anong klaseng chemical poison ang dahilan sa pagkamatay nila." paliwanag ni Capt. Callius sa mga nangyari.

Umawang ang bibig ko, halos lahat kami ay hindi makapaniwala sa sinalaysay ng mga tauhan namin. Anong klaseng tactics ang ginamit nila para lang mapalaya ang bruhang iyon?

Napilitan kaming lumabas at hintayin ang mga tauhan namin na nanggaling sa kulungan. Wala pang klarong dahilan at suspect kung paano nakatakas si Giselle at sino ang tumulong sa kaniya.

"Hindi kaya chemical engineer ang tumulong kay Giselle? Mga dangerous chemical gases ang ginamit eh." sabi ni Jared.

Inignora ko si Khalix nang tumabi ito at yumakap sa akin. Naiinis parin ako sa ginawa niyang pagsisinungaling kanina.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now