C H A P T E R 36

908 35 6
                                    

C H A P T E R  3 6

Mapait akong ngumiti habang kaharap ko ang bagong dating na mga papeles. Hindi ko pa nga natatapos ang naunang binigay sa akin ni Quiro, heto may idinagdag na naman ang lokong to.

"Grabe wala bang exemption? Lahat talaga ako ang gagawa ng mga ito?. . ."

Kung siguro hindi ko napansin ang pagtangkang pagcorrupt ni Mr. Alfonso. . . siguro natapos ko na yung mga naunang papeles. Kinailangan pa kasing ako ang humarap sa korte para maipakulong ang matandang yun.

Tinampal niya ang noo ko. "Just do your job."

"Wow! Kung makapagsabi akala mo naman hindi ako nagtatrabaho ng maayos ah. . . lumayas ka nga dito. Shoo!" pagtaboy ko.

Mabuti nalang at may mga kalaro si Kalin sa hacienda nila Papa Kin. Andun daw kasi yung asawa at anak ni James Thompson, kaya may nagbabantay sa anak ko. . . si Papa Kin rin kasi ay may importanteng nilakad sa Spain kaya hindi niya sinama ang apo niya.

"Gutom kana baby ko?"

Hinaplos ko ang aking tiyan ng makaramdam ng pagkagutom. Napatingin ako sa orasan, alas nuebe y media na ng gabi. . . ganito naman lagi, palagi akong nag-oovertime.

"Manong heto bumili kayo ng kape at mga pagkain diyan. . . pakibigyan narin po yung mga nagtatrabaho pa diyan sa loob." sabi ko.

Ako muna ang nagbantay. Kumunot ang noo ko nang mapansing may nakahood na lalake sa may parking lot, hindi ako sigurado kung nakatingin siya sa akin dahil madilim ang pwesto niya.

Kinilabutan ako. "Sino kaya yun?"

"Miss CEO, salamat po. . ." sabi nila Manong Guard ng makabalik.

Ngumiti ako. "Pakibigay nalang po ha. . ."

Muling lumingon ako sa pwestong iyon, wala na yung lalake. Kaya nagmadali akong pumasok sa may fastfood chain. Ngayon lang, na madami ang tao rito. . . gabi-gabi kasing tumatambay ako dito kapag ang boring sa office.

"Excuse me. . ." sabi ko sa mga dalagitang nakasuot pa ng uniporme. May hawak silang banner, pero hindi ko na inabalang tignan pa kung ano ang nakasulat dun.

"Andito na sila!" tili nila.

Kibit balikat akong pumunta sa may gilid, ang daming tao. Bakit ba dito pa naisipang pumunta ang mga sikat na yun? Tss, nakakaabala kaya sila.

Ang bagal pa ng usad ng pila. Mapipilitan akong itake out nalang ang kakainin ko. Habang tumatagal, dumarami kasi yung mga tao at nagsusulputan narin ang mga reporters.

"Oh my gosh!!!!!" kinikilig nilang sigaw.

Napairap ako. "Tss."

"Dude pasama. . . hindi kami makapunta diyan!"

"Hoy huwag niyo nga kaming istorbohin!"

"Takte yung bebeko! Naiipit na!"

Nanayo ang balahibo ko, pamilyar ang boses na yun. Si Archie?. . . imposibleng nandito na sila ni Bria? Kung nandito sila ni Bria, ibig sabihin nandito narin sina Khalix at Giselle?

Nagkagulo ang ilan ng sapilitan silang palayasin ng mga nakablack suit. Nakahinga ako ng maluwag ng bumilis ang pag-usad ng pila. Nakisingit narin ako sa kakilala ko at nangingiting nakahawak sa nagugutom kong tiyan.

"W-what is your o-order, S-sir?"

Ngumiwi ako. "Para namang nakakita ng gwapo."

"Halah Miss CEO, gwapo talaga." bulong ng nasa likuran ko.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now