C H A P T E R 63

228 16 0
                                    

C H A P T E R  6 3

Umi-echo sa buong paligid ang galit na galit na boses ni Kaizhee. Sunod-sunod ang putok na maririnig dito sa gusali, marahil ay nawawala na siya sa galit.

"Dude bakit ako na naman?"

Binatukan siya ni Khalix. "Just take off your shirt." aniya.

"Noong nanganak si Ayesha, ako yung pinaghubad ni Raquel. . .hanggang ngayon ba naman?" reklamo niya.

Walang nagawa si Archie, konting tela lang ang sinira ni Khalix sa damit niya at agad din nitong binalik. Napapikit ako sa sobrang sakit ng tinalian ni Khalix ang braso ko para pigilan ang pagdudugo.

"Papatayin kita Khalix!"

"Dude wala na akong bala!" sigaw ni Copper, maging si James ay wala naring bala ang hawak niya baril.

Dumating sina Kyle at Jared, marami silang mga hawak na baril. Kaya pala bigla silang nawala dahil namulot sila ng mga baril sa mga namatay na kalaban.

"Tili ng tili." iling iling na sinabi ni Jared sa kasama niya.

Nagpamewang si Kyle. "I thought he was already dead!" asik niya.

"Sino ba namang hindi mabubuhay eh nanghahawak ka ng tit!. Malamang mabubuhay yun!" asik ni Jared sa kaniya.

Pinanlakihan siya ng mga mata. "Your mouth!" aniya at hiyang-hiya nang mapalingon sa akin.

"Matalino yang si Aye, imposibleng hindi niya gets kung ano ka." sabat ni Copper.

Umiwas ako ng tingin kay Kyle. Ilang taon ko siyang hinahangaan, since College ata nung nagkagusto ako sa kaniya dahil sa mga penikula niya. Crush ko siya, si Bria naman ay Crush si James. Hindi ako makapaniwala sa naiisip, kung totoo man ay tanggap ko siya pero ano yung kissing scene nila ni Glenda?

"But is it true that you got pregnant Khalix secretary?" biglaang tanong ni James sa kaniya.

"Ms. Feng? Nope." sagot nito.

Ngumiti si James. "That's good. Actually I heard Capt. Jack, he's planning to kill you  because he thinks you got his girlfriend pregnant."sabi nito.

"Wtf!?"

Nawala ang magandang usapan nila ng nacorner nila kami. Sinubukan naming dumaan sa kabila subalit naroon sina Veronica at ang asawa niya, may kasama silang maraming tauhan at nandoon din ang batang si Rogue.

Sa bandang dinaanan namin kanina ay magkasama si Kaizhee at Giselle. Hindi maipinta sa mukha nito ang takot habang hawak siya sa bewang ni Kaizhee.

"Babe." sabi ni Kaizhee at naglakad palapit sa amin.

Pinaputukan siya ni Hashii pero tuloy tuloy lang ang paglakad nito. Malakas na sinipa ni James ang isang pintuan, nang bumukas ito ay nakipagbarilan sila sa mga kalaban.

"Where's the drone!!!"

Malawak ang loob ng silid na ito, parang isang mini museum ang loob sa dami ng mga nakasabit na paintings. Nakaiwas si Khalix nang sumulpot sa harapan namin yung drone.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now