C H A P T E R 43

781 36 5
                                    

C H A P T E R  4 3

Hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa aking labi. . . mabilis lang iyon ngunit naging dahilan ng pagwawala ng aking puso.

"B-babawi ako sa'yo, Love." aniya.

Napalabi ako at umiling. "Hayst, mga pangakong napako. . . sa anak nalang natin, sa kaniya ka dapat bumawi." sabi ko at tinalikuran siya.

Hinapit niya ako at ipinahirap sa kaniya. Puno ng intensidad at pagmamahal niya akong tinitigan sa mata at marahang hinaplos ang aking pisngi.

"Khalix."

Napapikit ako at sinalubong ang kaniyang labi. Idiniin niya ang sarili sa akin, mapusok niya akong kinagat dahilan ng pagkawala ng mumunting ungol mula sa akin.

"Ugh. . . K-khalix." impit kong ungol.

"M-mahal na mahal kita, Ayesha. . ." sinserong aniya.

Napamulat ako at sumalubong ang kayumanggi niyang mga mata. Nangunot ang noo ko ng makarinig kami ng palakpak, at magkasabay na nagbaba ng tingin.

"I can't wait to have a little sister." ngising sinabi ng anak namin. Nakaupo ito sa sahig at ngumuguya ng gummies habang pinapanood kaming dalawa.

Naitulak ko siya ng matauhan ako. "S-sorry, na carried away lang. . ." bulong ko.

Napatikhim ako at seryosong tumindig, ngunit nang marinig ko ang baritonong pagtawa ng niya ay tila nanghina ang aking tuhod.

"L-let's go, a-anak."

Nakagat ko ang aking labi ng mapasulyap sa kaniya, nahuli ko ang pagkindat niya sa akin habang hawak niya ang kaniyang labi.

Namumulang umiwas ako ng tingin. "Kalin, let's go!"

"I'm already here, Mimi!" sigaw ng anak ko.

Hiyang hiya akong pumasok sa loob, nakasunod lang naman ito sa akin. Patago kong sinampal ang aking pisngi. . .talagang napakarupok ko! konting landi lang, bigay na agad!

"Kalin huwag mo akong matingnan-tignan ng ganyan!" pagalit kong sinuway ito ng mapang-asar siyang ginaya yung pagkindat at pagtingin ni Khalix kanina.

"Okie Mimi." nangingising aniya.

Palihim kong sinulyapan si Khalix sa pwesto niya, dalawang bunduking papeles ang naghihintay sa kaniya samantalang sa akin, ay kailangan ko lang icheck ang mga files sa laptop.

Khalix is now the new Vice President of Vitro E, nagkapalit sila ng pwesto ni Quiro dahil sa utos ni Aunt Kana. Hindi ko nga alam kung anong nasa kukote ng gagong to, at hinayaang pababain siya sa pwesto. . . as if namang mas maganda at hindi stressful ang trabaho niya sa Prime Whyxz kaysa dito.

At about sa isyu? Wala rin siyang ginagawa bukod sa pagpost ng pagpost ng mga stolen photos namin ng anak niya sa Ig, kaya hindi matigil-tigil ang panggugulo at paninira sa akin ng mga supporters ni Giselle.

"Love, can I answer this call?"

Nagkibit balikat kong itinutuloy ang pagbabasa at hindi siya pinansin. Kita ko sa peripheral vision kong nakaharap siya sa akin.

"Uhm son, can I take this call?" aniya.

"Id caller?" tanong ni Kalin.

"Your Mamita. . ."

Napalunok ako at hindi siya sinusulyapan. "Sagutin mo na." sabi ko kay Khalix.

"Thank you, Love."

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now