C H A P T E R 17

1K 43 3
                                    

C H A P T E R  1 7

Ayesha Madrigal PoV,

Kanina pa akong naiinis sa tagal ng pakikipag usap ni Raquel sa nurse. Pabebe pa kasi itong nurse, halata na ngang hindi siya type ni Raquel pinapahaba pa ang usapan.

"Ah Sir anong name nga po ulit, naglag kasi yung server. . ." palusot ng Nurse.

Lumapit ako sa kanila. "Ate Agatha Fuentes Madrigal po yung name ng Mama ko. . ."

Hindi ako nito pinansin. Kay Raquel parin ang atensyon niya, kaya lalong akong nainis. Pumasok ako sa pwesto niya, at inagaw ang keyboard. Tinype ko agad ang pangalan ni Mama, Ward room 3 ang lumabas.

"Ate hanggang tingin kana lang diyan kay Raquel, tignan mo nga oh hindi ka nga magawang tignan landiin ka pa kaya?" sabi ko at padabog na umalis.

Kumunot ang noo ko sa mga nagsisipasukang sofa at bagong biling aircon. Gagawin na ba nilang Private Hospital itong public? Gumiginhawa na yata ang gobyerno at may pa-aircon narin.

"Wait for me. . . are you jealous on nurse?!" tanong ni Raquel habang nakasunod sa akin.

Hindi ko nga alam kung bakit sa kaniya ako nagpasama pauwi dito sa amin. Si Khalix kasi, feeling ko mas mahalaga sa kaniya yung oras nila ng bestfriend niyang attorney kaysa sa akin.

Selfish ba ako? Ginagawa lang naman ni Khalix iyon para ma-annulled yung kasal namin ni Raquel pero bakit feeling ko nawawalan na siya ng oras sa akin?

Kinurot ko siya ng maabutan niya ako sa paglakad. Ngayon ko lang ulit narinig ang baritonong pagtawa niya. Parang kailan lang, puro Veronica ang laging bukambibig netong gagong to.

"Never akong magseselos sa matabang nurse na yun! Hindi nga siya naka-1/4 sa ganda ko, pagseselosan ko yun?" 

Pumalakpak ito. "That's my Wife!"

"On the way yung process, remember?" pag irap ko.

Tumili ako ng ginulo niya ang buhok ko. Napasimangot ako ng tinawanan lang ako neto. Tumingkayad ako at hinila siya sa batok, ginulo ko rin ang ayos ng buhok niya at malakas na tumawa ng magmukha siyang mangkukulam.

"Panget!"

Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang buhok. Tumigil ako sa pagtawa ng magkatitigan kaming dalawa, nauna siyang umiwas.

"I wish I could bring back the past, so I could correct all my mistakes and fight for us. . ." sabi niya.

Nakatitig lang ako sa kaniyang mukha. "Kahit huwag na. . . hindi tayo matututo kung hindi mangyayari ang lahat ng ito." sabi ko.

Hinawakan ko siya sa kamay. "Promise mo sa akin. Kapag nahanap mo na yung taong para sayo. . . huwag mo na siyang saktan at lokohin pa ha."

"I can't promise. "

Mahinang natawa ako. "Sabagay Cheater is always a cheater, pero dapat stick to one puke kana Raquel. . ." biro ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Love!"

Bumitaw ako kay Raquel. Taas kilay akong lumingon, hindi ako assumera pero boses iyon ni Khalix. Akala ko ba may bestfriends-meet up sila nung Attorney?

"Love!"

Hindi siya makalapit sa amin, dahil sa mga babaeng nagpapapictures sa kaniya. Pinagkakaguluhan narin ito, kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang siya.

"Fvck! Let me go! My girlfriend needs me!" bulyaw ni Khalix sa kanila.

"Wait Love!"

Bored ko siyang tinignan. "Uh? Akala ko ba my meeting kayo ni Attorney Irene Reyes?. . . Kausapin mo nalang si Raquel pakiusapan mong pirmahan yung annulment kaysa nagsosolo date kayo nung Attorney. "

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now