C H A P T E R 12

1.4K 49 1
                                    

C H A P T E R  1 2

Napabalikwas ako ng bangon ng mapansin si Kaizhee na nakasandal sa may pinto. Ilang beses akong kumurap baka namamalikmata lang ako ngunit hindi, dahil ngumisi pa siya.

Napasapo ako sa aking dibdib. "K-kaizhee. . . anong ginagawa mo diyan?"

"Goodmorning." sagot niya at basta nalang umalis.

Napabuga ako ng hangin, kung hindi siya masungit, para siyang ewan pero minsan talaga ang creepy niya. Kanina pa ba siyang nandun? hayst nakasinghot yata ng katol.

"Nakita niyo si Kaizhee?" tanong ko sa mga tauhan ni Capt. Dwayne ng makalabas ako ng kwarto.

Nagkatinginan silang lima. "Miss, Kaizhee Trevor isn't allowed to enter here." sagot ng isa.

Kumunot ang noo ko. Kung hindi siya pwedeng makapasok dito, eh bakit nakita ko lang siya kanina?

"Sure kayo? Kwan kasi. . . Uh nakita ko siya sa kwarto ko kanina pero umalis din naman." sabi ko.

"Call Capt. Jack and report about this." utos ng isa sa mga kasama niya. "Xian check the CCTV." dagdag niya.

Naalarma ang mga tagapagbantay. Ang ilan sa kanila ay hinahanap na ito, panay rin ang lingon ng iba sa paligid.

Nagtataka lang ako kung bakit kailangan pa nilang ireport si Kaizhee? Kahit malaki ang atraso ng lalakeng yun sa akin, ay hindi naman dapat pang pagbawalan siyang makapasok dito.

Isa pa, nalulungkot ako para sa kaniya. Hiwalay na sila ni Steffany dahil ang totoong gusto pala ni Steffany ay si Khalix, at kaya niya lang sinagot si Kaizhee ay para lang makalapit ito kay Khalix.

Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming babaeng may galit sa akin simula ng naging kami ni Khalix, nangunguna na yung dalawang demonyitang Claire at Steffany.

"Goodmorning Miss." bungad ni Quiro sa akin.

Tumaas ang kilay ko sa mga nakamaskarang kasama niya, hindi ako sigurado kung babae ang ilan sa kanila. Ganyan din ang suot ni Khalix nung gabing nakilala ko siya, pero bakit ba nagsusuot pa sila ng mga ganyan

Ngumiti ako. "Goodmorning. . ."

"Quiro." agaw atensyon ko sa kaniya.

"Capt. Quiro." pagtatama sa akin ng isang babaeng nakamaskara.

Tumikhim si Quiro. "Raina, ta shi Sir Leo xiansheng de nu er." pagkausap niya dun sa babae.

"Zhenzheng de?" [ translate: For real? ]

"Shi de" sagot ni Quiro.

Kahit nakamaskara silang anim, ay kita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata sa akin. Kahit hindi ko maintindihan ay nadawit na naman ang pangalan ng Uncle ni Khalix, Si Sir Leo yung nagbigay ng Hope Diamond sa akin.

Ano bang meron sa akin? Lahat nalang nagugulat kapag nakikilala nila ako. Nung una, si Khalix sumunod sina Archie tapos si Quiro pati ba naman sila?

Tumayo ang babae at yumuko sa harap ko. "I'm sorry Miss." sabi niya.

"Huh?"

Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng makita si Khalix kasama niya sina Archie at Copper. Patakbo akong lumapit kay Copper, kinuha ko si Cobalt sa kaniya.

"Love!"

Umirap ako. "Ano?"

"Where's my kiss?"  pagnguso niya.

Hinalikan ko muna ang ulo ni Cobalt bago ko siya hinarap. Ngumuso ako at aakmang hahalik sa kaniya ng lumayo siya sa akin.

Tumaas ang kilay ko. "Ayaw mo?"

"Love. . . you know how much I love you but"

Masama ko siyang tinignan. "But?"

"Dude yung payo ni Mommy, laging pagbigyan ang taong buntis." pagtulak ni Archie sa kaniya.

"Arf! Arf!" tahol ni Cobalt.

Humagikgik ako at hinalikan ito. "Ang kyut kyut mo talaga Cobalt." lumingon ako kay Khalix. "Huwag kang tatabi sa akin mamaya ha" pag irap ko.

Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi niya. Ayaw niya ng kiss? Edi huwag, subukan niya lang tumabi at magrequest mamayang gabi, pipigain ko yung betlog niya.

"Love!"

Natanaw ko ang kabuuan ng hacienda nila Khalix. Malayo dito ang siyudad, sariwa ang hangin at napakapayapa. Masarap mamuhay sa ganitong lugar, lalo na kapag kasama mo ang taong mahal mo.

"Love. . . p-pansinin mo n-naman ako."

"Cobalt come to Papa!" sabi ni Copper.

Tumahol lang ang tuta at siniksik ang sarili sa akin. Nakangising sumulyap ako kay Copper, anong akala niya makukuha niya si Cobalt sa akin? No way!

"Tooo! Cobalt!" sabi rin ni Archie.

Napailing ako. "Akin lang si Cobalt, sainyo na yang epal na Khalix" sabi ko.

"Hey!" angal ni Khalix.

Lumabas ako ng mansyon. Namamanghang lumapit ako sa mga lalakeng may buhat buhat na mga bagong aning mga prutas.

"Fvck!"

"Baka mapano ang pamangkin ko Aye!" sigaw ni Archie.

Sinalubong ko ang mga tao, ibinaba nila ang mga karga karga nilang mga prutas. Natatakam ako sa mga Dragon Fruit at Guyabano.

"Gusto niyo po Senyorita?" tanong ng matandang babae.

Napatingin ako sa aking likod at magkabilang gilid, wala akong kasama bukod sa humahabol na mga epal.

Itinuro ko ang sarili ko. "Ako po ba ang kinakausap niyo?" nahihiyang tanong ko.

"Opo Senyorita."

Senyorita, feeling ko tuloy para akong prinsesa.

"Ahh pwede po bang humingi niyang dragon fruit at guyabano?. . . kahit tikim lang po." sabi ko.

Biglang yumuko ang mga ito. "Senyorito Khalix. . . Senyorito Copper. . . Senyorito Archie" magkakasabay nilang sinabi.

Tinadyakan ko ang paa ni Khalix ng kinuha niya si Cobalt at ibinigay ito kay Copper. Pero nawala ang inis ko ng kumuha ito ng guyabano.

"Are you craving on this?" masuyong tanong niya.

Pinasadahan ko ng tingin ang hawak niya. "Oum"

Aakmang kukunin ko iyon ng inilayo niya. Masama ko siyang tinitigan, tinawanan ako ng mga tao dito at nangunguna sina Archie at Copper.

"In one condition, Love."

"Ano?" naiinis kong tanong.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Let's sleep together. . ." sensual niyang kinagat ang tenga ko.

Nahihiyang umiwas ako ng tingin ng magsitikhim ang mga tao. Umatras ako ng konti palayo sa kaniya ng maramdaman ang pag iinit mula sa kaniyang katawan.

"Deal?"

Bumaling ang tingin ko sa dalawang klaseng prutas na gusto ko. Para akong inaakit ng mga ito, kung pagbibigyan ko ang gusto niya hindi naman ako lugi, hindi ba?.

Kinuha ko ang kamay niya at shinake hands ito. "Deal, Mr. Trevor." pormal kong sinabi at mabilis kumuha ng  Dragon fruit at Guyabano.





Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now