C H A P T E R 28

832 29 0
                                    

C H A P T E R 2 8

Ayesha Madrigal PoV,

Nagising ako sa isang masamang panaginip, hinihingal at pinagpapawisan akong bumangon. Napasapo ako sa aking dibdib at mahinang umiyak.

Hinaplos ko ang aking tiyan. "Hindi sasama sa ibang babae si Daddy, diba Baby?. . . mahal niya tayo kaya pipiliin niya tayong dalawa. . ."

Lumabas ako ng kwarto, alas diyes na ng gabi at dagsa parin ang mga bumibisita para sa lamay ni Claire. Si Mama ang nagrequest na bigyan ito ng maayos na lamay, kaya dito sa bahay ang lamay ng mas mapagtuunan nila ng pansin.

"Miss." lahat ng nadaraanan kong tauhan nila Papa ay yumuyuko sa harapan ko. Hindi pa din ako sanay sa ganito, kaya madalas sinusuway ko sina Quiro.

Tumigil ako at hinarap silang lahat. Nasa dalawang linya silang nagbabantay sa harap ng kwarto ko, ang iba ay nasa likuran, talagang sinisigurado nila ang seguridad ko.

"Magpahinga muna kayong lahat. . . diyan lang ako sa baba. . ." utos ko.

Nagkatinginan silang lahat. "Pero Miss."

"3 hours break time. . . huwag kayong mag alala, hindi magagalit si Papa tsaka hindi kayo nangangalay na gabing nakatayo?. . ." sabi ko.

"Minsan, pero sanay na po kami." sagot nila.

Hinaplos ko ang aking tiyan. "3 hours lang. . . gawin niyo na lahat ng gusto niyo, babalik din ako mamaya kapag inaantok na ulit ako."

Yumuko silang lahat. "Maraming salamat, Miss Ayesha. . ." magkakasabay silang sumaludo.

Inalalayan nila ako sa pagbaba sa hagdan. Sa pagtapak ko palang sa harap nilang lahat, ay naitutok na ng mga reporters ang bawat camera sa akin.

Napuno ng sikat na mga artista at modelo ang buong sala, habang nakahiwalay ang mga reporters sa kanila.

Lumapit sa akin si Archie. "Gising na ang mahal na prinsesa!" sigaw niya at nagsipalakpakan ang mga gunggong niyang kaibigan.

"Archie!" pagsuway sa kaniya ni Tita Arabella.

Umiling ako at tinapik ang kamay niya sa balikat ko. Masama parin ang loob ko sa kanilang lahat, hindi nila ako hinayaang masilayan si Khalix kahit sa huling pagkakataon niyang nandito sa Pilipinas.

"Oy sorry na. . . galit ka pa rin ba?" pagkakausap niya sa akin ngunit inignora ko lang siya at tumabi kina Popshie.

"Ikaw, bubwit!" duro sa kaniya ni Popshie. "Tantanan mo ang junakis ko, kundi hihilahin ko yang putotoy mo. . ." pananakot ni Popshie sa kaniya.

"Mommy oh!" pagsumbong ni Archie.

Piningot naman siya ni Tita Arabella. "Manahimik ka ngang bata ka!. . ."

"Aray!!!. . . Daddy help!" sigaw ni Archie.

Dumating sina Papa, as usual kasama niya ang bestfriend niyang si Mr. Kin. Tumayo sina Uncle Logan at pumunta sa gawi nila. Nagsitayuhan ulit ang ilang reporters at siguradong sila ang pakay ng mga ito.

"Mr. Leo Madrigal, ano po ang masasabi niyo na nakatakas ang kapatid niyo sa krimeng ginawa niya kay Ms. Aira Madrigal." tanong ng reporter.

Inagaw ni Mr. Kin ang mikropono. "Irithel, you can't run to us. . ." nakangising sinabi nito.

"Do you want to play hide and seek?" tumitig ito sa camera. "Go hide yourself and we will find you . . ." aniya at malademonyong tumawa ito.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now