C H A P T E R 21

930 39 1
                                    

C H A P T E R  2 1

"Ma, ayoko na ang sakit po."

Yumakap ako sa kaniya at humagulgol ng iyak. Nakaya ko naman noon kay Raquel, pero bakit ngayon napakahina ko?

"Anak, alalahanin mo ang batang nasa sinapupunan mo. . . huwag kang padalos dalos ng desisyon, baka sa huli ikaw ang magsisisi."

Pakiramdam ko, sising sisi akong nagmahal at nagtiwala ulit. Wala siyang pinagkaiba kay Raquel, pareho silang mga manloloko.

"Ma, dito nalang po ako sa inyo ni Papa. . . ayoko nang bumalik sa gagong yun. . ." humihikbing sumiksik ako sa kaniyang leeg.

Hinaplos niya ang aking tiyan. "Pinakinggan mo na ba siya?. . ."

Hindi ako sumagot at umiyak nalang. Ano pa ba ang sasabihin niyang kasinungalingan kung kitang kita ko ang totoong ginawa nila? Narinig ko kung paano niya sabihang mahal niya sa Claire, gaya kung paano niya sabihin ang katagang iyon sa akin.

"Mare naghanap ng ibang puke yang Khalix na yan. . . tama lang ang ginawa ng junakis mong hiwalayan yun." pagpanig sa desisyon ko ni Popshie.

Napabuntong hininga si Papa. "Sweetie, I don't think Khalix would be able to cheat you. . ." usal niya at tumabi sa akin.

"Pa, kung nakita mo lang sana yung ginawa nila. . . magbabago ang tingin mo kay Khalix."

Hinalikan niya ako sa pisngi. "I'm sorry. . . Aira is still obsessed on your boyfriend, I will talk to her later."

"Dapat lang. . ." pag irap ni Popshie.

Sila Quiro ang kumuha ng lahat ng mga gamit ko sa bahay nila Khalix. Hawak ko parin ang cellphone niya, maraming beses nang nagnotif ang account niya galing sa mga desperadong reporters.

Napahagulgol ako ng iyak ng makitang nagkalat na rin sa Social media, ang tungkol sa relasyon nila Khalix at Claire na sinabihang "Comeback" para sa kanilang dalawa.

"Tang ina neto!" 

Ilang beses akong napamura at nanggigigil na sinagot ang tawag ni Attorney Irene. Masyado na siyang pakilamera, hindi ba ito ang gusto niyang mangyari ang maghiwalay kami ni Khalix. Tapos text siya ng text na concern siya sa relasyon namin.

"Hello?. . . Aye-" agad kong pinutol ang sasabihin niya.

"Masaya naba kayo ngayon?. . . wala na kami ni Khalix kaya sabihan mo yang malanding Claire na yan na i-comfort na yung gagong bestfriend mo!" sigaw ko at pinatay ang tawag.

Nag angat ako ng tingin ng humahangos na dumating sina Raquel, Jared, Copper, Hashii at Archie. Malungkot akong ngumiti sa kanila, muling nagsilaglagan ang luha ko ng yinakap ako ni Archie.

"Sorry sa ginawa ng pinsan ko, Aye." bulong niya.

"Ang sakit Archie, dinurog ako ni Khalix. . ."

Si Jared ang nagpunas ng luha ko. "Hindi parin kami makapaniwalang nagawa ka niyang lokohin. . ."

"Khalix was a good man. Ikaw lang yung babaeng sobrang minahal niya at balak ka pa nga niyang pakasalan. . . maybe totoo yung sinasabi niyang he was drug?" pahayag ni Copper.

Nagkatinginan kami ni Raquel, kita ko ang pagsisi sa kaniyang mukha. Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng dumating si Elaiza kasama niya si Atty. Irene Reyes.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now