C H A P T E R 42

881 35 5
                                    

C H A P T E R 4 2

Isang bomba na sumabog ang isyu patungkol sa dating naging buhay namin ni Khalix, naging magkabilaan ang isyu laban sa akin at nababahala narin ako para sa anak ko dahil idinadawit narin nila ito patungkol sa paninira sa akin nila Giselle.

Nahati ang reaksyon ng mga tao, marami ang may galit sa akin dahil sa pag-aagaw ko daw kay Khalix mula kay Giselle. Ang ilan, ay mas pabor pang sustentuhan nalang daw ni Khalix ang anak ko kaysa kami ang piliin niya.

"Huwag mo na kasing pansinin yang mga comments, tignan mo yang sarili mo. . . kakaligo mo lang kanina, mukha ka nang haggard." sabi ni Popshie.

Ngumuso ako at liningon siya. "Nakakagigil po kasi. . . ang ha-harsh ng mga comments nila, eh di naman nila knows everything eh!" conyong pahayag ko.

Nakatanggap ako ng pagbatok mula kina Captain Raquisha at Quiro. Napangiwi akong dumaing, at sinamaan sila ng tingin.

"Ano ba?!"

"You need to go. . ."

Padabog akong tumayo at nagpamewang sa harapan nila. Kanina ko pang napapansin na gustong gusto nila akong paalisin. . .eh gusto ko ngang late na pumasok.

"Maya na. . . makichika muna ako kay Popshie."

"Aunt Kana is calling."

Pagkarinig ko palang sa pangalang binanggit ni Capt. Raquisha ay dagli ko nang kinuha ang purse ko.

Tumakbo ako palabas ng bahay, nahagip ko ng tingin si Capt. Jack na sasakay palang sa kaniyang kotse. . . binilisan ko ang pagtakbo at walang pasabeng sumakay sa passenger seat.

"Sa Vitro E!" hinihingal kong sinabi.

"Next week, Madame Kana will-" tinakpan ko ang bibig nito at hindi ko pinakinggan ang ano mang sasabihin niya.

Nakakapressure! Aunt Kana, Tita Kana, Ma'am Kana, Madame Kana. . . gosh mababaliw na yata ako kapag naririnig ko ang pangalang yun.

Kung gaano ikinatapang ni Papa Kin, ay triple kay Aunt Kana. Isang salita niya lang, kayang-kaya ka niyang pasunurin ang sino man. Ang hirap kasing humindi sa kaniya. . .

Bakit ba kasi pinagpipilitan niya na magkakabalikan pa kami ni Khalix? Late ba siya sa balita? Engagement na nga yung pamangkin niya kay Giselle, eh nirereto pa sa akin. Bakit bang botong-boto iyon sa akin.

"Maganda umaga Miss CEO!"

"Goodmorning too, Glenda Havier." tukso ko.

Napawi ang matamis niyang ngiti. . . tumikhim rin ang nasa likuran ko. Nangunot ang noo ko, hindi manlang nagpaalam si Capt. Jack kay Glenda na aalis siya.

Madalas din kasing tambay sa Vitro E ito para lang landiin ang sekretarya ko, kaya nakapagtatakang hindi niya pinansin si Glenda. . . may lq bang nagaganap ng hindi ko alam?

"Glenda, nag-away ba kayo?" kuryos kong tanong.

Marahan siyang tumango, at hindi nagsalita. Sa sobrang daming isyung kinakaharap ko, hindi ko namamalayang lumulubog na pala ang Glendson Ship ko.

Kainis talaga ang mga lalake, hindi marunong manuyo. . . kasi naman, kasing taas ng ulap yung pride!

"Sina Manong Guard?"

Napalingon siya sa paligid. "Ay baka nag-iikot po?!"

Sopistikada akong naglakad, huminto rin ako saglit ng mapansing tahimik ang paligid. Wala manlang akong marinig kahit tsismis. . . sumulyap ako sa bawat cubicle, tumaas ang kilay ko dahil walang katao-tao roon.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now