C H A P T E R 6

1.5K 57 7
                                    

C H A P T E R  6

Background information:

•Archie Mondragon, 19
The heir of Mondragon Finance Corporation
Studying at Arqueilla University

•Copper Montenegro, 24
Vice President of Fumi Incorporated
The owner of Montenegro Isla Resort

•Hashii Patterson, 28
CEO of Aboitz Power Company

•Jared Toshiba, 23
Acting President of Toshiba Satellite Inc.

•Kaizhee Trevor, 26
Vice president of Picazo Trevor (PiVorLaw)
Professional Attorney

•Raquel Havier, 28
Acting CEO of Vitro E

•Khalix Trevor, 22
The owner of Digital Enterprise
The CEO of Prime Whyxz Company

". . . Lahat sila ay Socialite!" kinikilig niyang pagkwento.

Si Bria ang pinaka-the-best na tsismosa sa buong mundo. Hindi ko inaasahang alam niya ang lahat nang mahahalagang inpormasyon tungkol kina Khalix, maging ang mga baho nila Archie ay naisiwalat niya.

"Si Hashii anak yan ng may-ari ng Arqueilla University. . . at alam mo ba Bff, 13 years na siyang nag-aaral ng college. Biruin mo? Anak pa siya ng may-ari ng University pero hindi siya makagraduate?!" natatawang bulong niya sa akin.

Napapitlag kaming pareho ng may kung sinong tumapik sa aking likuran. Dagling bumaba si Bria at hindi maipinta ang takot sa kaniyang mukha. Possessive na yumakap sa akin si Khalix at tinaasan niya ng kilay si Bria.

"Hashii she's gossiping about you." walang pag-aalinlangang sumbong ni Khalix at inginuso ang kaibigan ko.

Magsasalita pa sana kaming dalawa ni Bria ng magkakasabay na nagtawanan silang lima at nagsifist bomb, maliban ang dalawang seryosong kasama nila.

Lumapit si Khalix sa kanila, ngayon, sila naman ang may pinagbubulungan. Naiintriga ako sa pinag-uusapan nila dahil panay ang sulyap sila sa akin.

Naningkit ang mga mata ko nang nanunudyong sumulyap sa akin si Archie, sumunod namang sumulyap si Hashii at may ngising nakapaskil sa kaniyang labi.

"And I love her." baritonong boses ni Khalix na siyang dahilan ng kantyawan nilang magkakaibigan.

Tinignan ako ni Copper. "She looks familiar. . . naging chix ko yata?" tanong nito at nakatanggap siya pagbatok kina Khalix at Archie.

Nawala ang atensyon ko sa kanila ng muling tumabi sa akin si Bria, pinanlakihan niya ako ng mata at may kung anong tinuturo dahil humahaba ang kaniyang nguso.

Tinampal ko ang bibig niya. "Bria?"

"Tignan mo kasi si Sir Raquel kung makatitig sayo wagas. Eh todo snob nga yan sayo sa office." aniya.

Napalakas yata ang pagkakasabi niya dahil lahat sila ay napalingon kay Raquel. Mabilis din namang umiwas si Raquel at tumingin sa may pintuan.

Kinurot ko ito. "Shstt!"

"Dude baka naligaw na diyan sa labas si Veron, ba't hindi mo pa kasi sinamahan." sabi ni Jared.

Nagkatinginan kami ni Raquel, kahit pala ang mga kaibigan niya ay walang alam sa naging relasyon naming dalawa.

Sabagay nung araw na ikinasal kami, si Popshie lang ang nag-iisang kasama namin sa simbahan. Hindi ko pinayagang sumama si Mama dahil nanganganib ang buhay niya at si Sir Arnold ay rinegaluhan kami ng isang mansyon subalit hindi rin siya dumalo.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now