C H A P T E R 20

932 35 1
                                    

C H A P T E R  2 0

Ayesha Madrigal PoV,

"Kalin Riguel?"

Tumango ako. "Yup, Kalin Riguel Madrigal Trevor."

Nagpasama ako kay Raquel kaninang umaga sa check up ko sa kaibigan ni Mama sa probinsya. Kakauwi lang namin kanina, dumiretso na siya sa Vitro E at kay Bria ako ngayon nagpasama para mamili ng mga gagamitin ni Baby Kalin Riguel kapag nakapanganak na ako.

"Eh anong say ni Boss Khalix?"

Tinampal ko ang kamay niya ng mapansing naglalagay na naman siya ng mga hindi importanteng gamit ng bata sa cart. Nakanguso niyang binalik iyon, at inagaw sa akin ang cart at nakipag unahang pumila sa cashier.

"Bria, dito oh" nguso ko sa panghuling nakapila.

Inismiran niya ako. "Buntis ka, dapat priority ka nila. . . " Sumingit ito. "Excuse us, buntis yung bff ko kaya kami muna ang mauuna!" sabi niya sa mga nakipila.

Nakapila kami sa isang fastfood chain ng makatanggap ako ng text mula kay Attorney Irene Reyes. Nakalimutan kong nakipagpalit pala kaninang umaga si Khalix ng phone bago kami pumunta ni Raquel sa kaibigan ni Mama.

Atty. Irene

     -Within three years, annulled na ang kasal ni Raquel at Ayesha. But Khal, you still have a time para magbago ng isip. . ."

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa babaeng ito. Ang kapal talaga ng mukha niya, three years? Eh sa pagkakaalam ko ay mas mabilis ang proseso. Bakit kailangan pang paabutin ng ganoong katagal?

Napasapo ako sa aking dibdib, para akong biglang kinabahan ng hindi ko alam. Nagkatinginan kami ni Bria, feeling ko may hindi magandang mangyayari.

"Bff" tawag pansin ko ng nag-order ito ng pagkain.

Liningon niya ako. "Ayos ka lang? Huwag mong sabihing manganganak kana?" biro nito.

"Naghihintay sa akin si Khalix. . . baka nasa Mansyon na siya ni Raquel." wala sa sarili kong nasabi.

Gustong-gusto ko nang umuwi. Baka sobrang namimiss na ako ni Khalix, magtatampo na naman yun kapag ginabi ako ng uwi.

"5:57 pm palang Bff, kain muna tayo."

Umiling ako. "Itake out mo na lang. . ."

"Excited ka na namang mapatungan. . ." iling iling niyang sinabi at itinake out ang lahat ng inorder niya.

Hindi ako mapakali sa paghihintay sa driver ko, kaya nakisabay nalang ako kay Bria. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit na kami sa subdivision.

"Bilisan mo Bria!" naiinip kong sinabi.

"Masyado na tayong mabilis Bff, baka maaksidente tayo kung makipagkarerahan ako diyan sa mga rider." sabi niya.

Bumuga ako ng hangin, nagtext na ako kay Khalix na malapit na kami pero wala siyang reply. Sinusubukan ko naring tawagan siya ngunit walang sumasagot.

"Baka nakatulog?"

Umiling ako. "Kinakabahan talaga ako Bff."

"Bff matanong ko lang, bakit kay Sir Raquel ka nagpasama sa check up imbes na kay Boss Khalix?" tanong niya.

Ngumuso ako. "May meeting sila kanina nung Atty. Reyes. Tsaka Ninang ni Raquel yung kaibigan ni Mama kaya sa kaniya nalang ako nagpasama. . . kaysa ipagpilitan ko pa yung gusto ko kay Khalix."

"Pansin ko, ang bait na ni Sir Raquel. . ." sabi niya.

Tumango ako. "Babaero nga lang."

Dali dali akong bumaba, hindi ko namalayang nabitbit ko rin ang mga pinamili namin. Nakabukas ang pinto, wala sina Manang Silva ngayon kasi lahat sila nagde-day off kada linggo.

"Bff wait!" sabi ko ng mauna siyang makapasok.

Liningon niya ako. "Shshs!"

Nakapamewang niya akong hinarap. "Sinong pipiliin mo, Si Kyle Swest o si Boss Khalix?" tanong niya.

"Kyle Swest" mabilis kong sagot.

Nauna siyang pumasok sa loob. "Gaga ka talaga, bakit hindi si Khali- Ay putang ina!" sigaw niya at napatigil ito.

Tatawa pa sana ako ng mapatigil din, nanlamig ako sa nakikita at hindi sinasadyang mabitawan ko ang mga pinamili namin.

"K-khalix?"

Umiling ako at hindi pinaniniwalaan ang aking nakikita, hindi niya ako kayang lokohin at saktan. Alam kong, hindi niya ako ipagpapalit kay Claire dahil mahal niya ako at magkakaroon kami isang masayang pamilya.

"I love you" aniya ni Khalix.

Tumulo ang aking luha sa narinig. "Ang bababoy niyo!" sigaw ko at ibinato sa kanila ang mga dala ko.

Nakita kong may hawak na tubig si Bria, ibinuhos niya iyon kina Khalix at Claire. Napasapo ako sa aking dibdib nang nagkahiwalay silang dalawa.

"Putang ina ka Boss Khalix! Akala ko ba matino ka!?" sigaw ni Bria.

"Don't hurt my boyfriend!" sigaw ni Claire.

Nanghina ako sa narinig. Ibig bang sabihin hanggang ngayon may relasyon parin silang dalawa? Pero ang sabi ni Khalix, hiwalay na sila dahil nagkaroon ng relasyon si Raquel at Claire habang sila parin.

"Fvck Claire?!"

Mabilis niyang kinuha ang shorts niya sa lapag, na kay Claire ang polo niya. Masama kong nilingon si Claire, hindi matanggal ang ngiti sa kaniyang labi habang nasa akin rin pala ang kaniyang tingin.

Linapitan ko siya at hinila ang kaniyang buhok. "Ang landi landi mong babae ka!" sigaw ko.

Tinulak ko si Khalix ng pilit niya akong pinipigilan. Tinulungan ako ni Bria, sa pagsampal at pagsabunot sa kaniya. Umilag ako at lumayo ako sa kaniya ng panay ang pagsipa ni Claire.

"My hair! Babe help me!" tili ni Claire.

Hinarap ko si Khalix. "Napakagago mo!"

"Love let me explain. . ." sabi niya.

Umiling ako. "Hindi pala ako updated. Hiwalay na pala tayo o ako lang ang nag-a-assume na boyfriend kita?" sarkastikong pagtawa ko.

"I thought. . . It was you" naguguluhang sinabi niya.

Hinila ni Bria palabas si Claire. Nanginginig ako sa sobrang galit, ang kapal ng pagmumukha niya. . ."I thought, It was you?" tang-inang rason yan at inaakala niyang ako si Claire?

Malakas ko itong sinampal. "Gago!"

"Ngayon ka pa talaga nagloko?. . .o baka ngayon ko lang kayo nabisto?" mahina akong humikbi at umiwas ng tingin sa kaniya.

"I don't know what happen. All I know It was really you" rinig kong sinabi niya.

"Huling huli kana sa akto, dine-deny mo pa?"

Lumuhod siya sa harapan ko. "I swear to God-"

"Khalix! Hindi ako bingi at bulag, sinabi mong mahal mo siya. . . kitang kita ko ang paghalik mo sa kaniya. . . Please lang wag mo nang ideny."

Tumulo ang luha niya. "Love I really don't know. . . I think I was drug" pagyuko niya.

"Khalix minahal mo ba talaga ako? O tama si Raquel na gusto mo lang makaganti sa kaniya dahil sa ginawa niya sayo noon" gumagaralgal kong tanong.

Nag angat siya ng tingin sa akin. "M-mahal kita, Love"

"Pero linoko mo ako."

"Love. . . believe me I really thought it was you." paninindigan niya.

"Sobrang sakit dito oh." turo ko sa aking puso.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now