CHAPTER 1

31 0 0
                                    

CHAPTER 1 - PERFECTLY IMPERFECT

Sabi nila, swerte ka kapag kumpleto ang pamilya mo. May nanay, may tatay; buo. Siguro nga oo, masaya kapag buo pero napagtanto ko sa paglipas ng panahon na hindi lahat nang kumpleto at buong pamilya, masaya. Na hindi pala sapat iyong nandyan sila lalo na kung hindi mo naman parehong maramdaman ang oras at pagmamahal nila.

"Seffie, anak, are you ready?" rinig kong tanong ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Yes po, ma." pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Kahit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ay heto ako, inaayos ang sarili ko para harapin ang pinakamalupit na katotohanan sa buhay ko.

Kinuha ko ang bag ko at muling pinagmasdan ang kabuuan ko sa malaking salamin kung saan nagmistula akong nasa isang picture frame. Suot ang isang plain black maxi dress na nagsusumigaw sa damdamin ko ngayon — malungkot, ay lumutang ang hubog ng aking pangangatawan. Hindi ko na alintana kung magmumukha ba akong nagluluksa sa suot kong ito dahil kahit hindi ay parang ganoon din naman talaga ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako sa buong buhay ko at sa nalaman ko ay parang pinatay ang buong pagkatao ko.

"There she is." ani mama kay papa na mukhang kanina pa hindi mapakali. "You look pretty, my dear." papuri niya sa akin na inasahan ko na rin dahil palagi siyang ganiyan sa akin. Tuloy ay lumaki akong may mataas na pagpapahalaga sa pisikal kong anyo at kasama na roon ang pananamit. Binigyan ko lang siya nang tipid na ngiti bilang tugon.

"Okay, then. Let's go." nanguna si papa sa paglabas at pinagbuksan kami ng pinto at inalalayang makasakay si mama sa kotse.

"How are you feeling?" rinig ko pang bulong niya sa akin bago tuluyang sumakay sa front seat katabi ni papa. Hindi ako nakasagot agad hanggang sa tuluyan na siyang makasakay. Naisip kong mabuti na rin iyon dahil sa palagay ko ay hindi ito ang tamang oras para magsabi nang totoo.

Kulang-kulang siyam na oras ang byahe namin papuntang Manila para katagpuin ang... Hay. What should I call them? Tita? Brother? Nevermind. Patago kong sinapo ang ulo ko at pumikit. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. In my 28 years of existence, I thought I was an only child. Now, here we are, about to meet my half brother together with his mom. Naisip ko kung anong nararamdaman ni mama. Ayos lang kaya siya? Ayos lang ba ito sa kanya?

Balot nang katahimikan ang buong byahe namin. Tanging tugtog mula sa stereo ng sasakyan lang ang nagpapanatiling buhay sa mala takbo ng karong byahe namin kahit ang totoo ay mabilis naman ang pagmamaneho. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

Para akong nabuhayan nang mabasa ang pangalan ng malapit kong kaibigan na si Cleah.

From: Cijz

Seff, I'm leaving. For good.

Huh? Dali-dali akong nagtipa sa cellphone ko.

To: Cijz

At saan ka naman pupunta, aber?

*sent*

Mangingibang bansa kaya 'to? Bigla akong nalungkot sa naisip ko. Si Cleah lang ang nag-iisa kong kaibigan na nakakakilala sa buong pagkatao ko simula high school. Kung aalis siya, sino na ang tatakbuhan ko tuwing pakiramdam ko ay gusto kong magpalamon na lang sa lupa matakasan lang ang mga problema ko?

From: Cijz

Somewhere over the rainbow.

Parang baliw naman, oh.

To: Cijz

Walang rainbow kasi wala namang ulan. Hindi ka aalis. Hahaha.

*sent*

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now