CHAPTER 8

3 0 0
                                    

CHAPTER 8 - HIS OTHER SIDE

"So, anong plano?" tanong ko kay Renz.

"Sa ngayon, wala. Normal lang. Kung may chance, pagseselosin si Luk." simpleng sagot niya sa akin habang abala sa kotse na inaayos nila.

Nandito lang ako ngayon sa may gilid at pinapanood sila. Sabi niya, nagpapa upgrade daw iyong may-ari nitong sasakyan at gustong pataasan ang gulong.

"Kailangan ba 'yon?"

"Oo. Para malaman natin kung talaga bang seryoso siya kay Cleah." minsan hindi ko lang din talaga maiwasang isipin na baka may gusto siya sa kaibigan ko eh.

"Okay." tipid kong sagot at nanahimik na lang.

Kung ako ang tatanungin, mukhang seryoso naman iyong isa na 'yon sa kaibigan ko pero dahil sa past trauma ni Cleah kay Zack, na excite ako sa ideya na subukan si Luk. Iyon ang naging suggestion ni Renz para malaman namin ang totoong nararamdaman niya kay Cleah, ang i-provoke at pagselosin siya. Ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko ay kung bakit pakiramdam ko ay nagseselos ako. Mali, Seffie. Mali.

Pinili kong manatili na lang sa loob ng opisina at asikasuhin ang orders na kung anu-ano sa shop. Paminsan ay sumasagot din ako ng tawag kapag may inquiries ang customers. More on papers ang hawak ko kaya hindi naman nakakapagod. Nagpresinta na rin akong maglinis-linis dahil hindi naman kabigatan ang ginagawa ko. Ako na rin ang naging in-charged sa pag-order ng pagkain pero syempre, si Renz ang bahala sa pambayad.

Malakas ang auto shop na ito at hindi na ako nagtaka kung bakit. Sobrang accommodating kasi ng staffs namin at talagang good communicator sila sa customers. No wonder, binabalik-balikan sila dahil bukod sa pulido silang trumabaho, maayos din silang makitungo.

Mabilis lumipas ang mga araw ko at naging abala ako sa auto shop. Hindi ko inakala na makakatagal ako dahil bago sa akin ang lahat doon. Mabuti na lang at nandyan si Renz para umalalay kahit madalas niya akong kinukulit.

Wala si Cijz pag-uwi ko. Baka nag-overtime sa trabaho kaya naisipan kong magluto na para pag uwi niya ay makakain agad siya.

Ang totoo ay naaawa na ako sa kaibigan kong iyon. Ang dami na kasi niyang iniisip ay dumagdag pa ang kapatid niyang naglayas.

Nasaan na kaya 'yon? Anong oras na ah.

Naiinip akong lumabas sa bahay para makalanghap naman nang sariwang hangin kahit papaano. Hindi man lang naisip ni Cleah na magtext. Siguro ay talagang ganoon kagulo ang isip niya.

"Cleah, anong nangyari?" bulalas ko nang tumambad sa akin si Renz na karga-karga ang lola niyang si Nanang Cely. Walang malay!

Kita ko ang pagkataranta sa mga mukha niya. Anong nangyari?

"Renz, sasamahan na kita." sabi ni Cijz na alam kong sobrang nag-aalala na rin.

"Pagod ka Cleah. Ayos lang." talagang naisip niya pa ang iba sa ganitong sitwasyon? Hays. Renz.

"Ako na lang! Hindi ako pagod. Nakapahinga na ako." sabat ko sa kanila. Wala akong pakialam kahit magulat si Renz. Bahala na! Hindi siya kumibo kaya tumakbo na agad ako papuntang sasakyan.

Sa likod ako umupo kasama si nanang. Sobrang bilis nang pagmamaneho ni Renz. Nakakahilo. Gustuhin ko man siyang sawayin at paalalahanan na magdahan-dahan ay alam kong hindi puwede dahil buhay ang nakasalalay.

Nang makarating kami sa ospital ay agad na dinala ang lola niya emergency room. Naiwan kaming tulala.

Parang dinudurog ang puso kong makita siyang balisa, walang bakas ng kahit na anong kapilyuhan sa mukha. Ibang katauhan niya ang kasama ko ngayon at sobrang naninibago ako.

Ilang sandali lang at inilipat na sa ICU ang lola niya. Kita kong hindi na siya mapakali sa pag-aalala. Wala sa sariling tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nilapitan siya. Sinubukan kong palakasin ang loob niya sa pamamagitan ng pagtapik at paghimas sa balikat niya pero laking gulat ko nang humagulgol siya at umiyak.

Shocks! Anong gagawin ko? Pakiramdam ko anumang oras ay maiiyak na rin ako pero hindi puwede. Kailangang matatag ako.

"Sige lang, Renz." tanging nasabi ko at hinayaan siyang ilabas lahat nang nararamdaman niya sa pag-iyak.

Ang totoo ay ito ang pa lang unang pagkakataon na makakita ako nang umiiyak na lalaki. Tuloy ay hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil sa nakikita kong malambot na pagkatao niya.

Inaya ko siyang maupo habang naghihintay. Sumandal ako sa upuan habang siya naman ay nakayuko na para bang nagdarasal. Inaantok na ako pero sinisikap kong huwag ipahalata sa kanya. Ginusto mo 'yan, Seffie. Panindigan mo.

Habang tumatagal ay alam kong mas tumitindi ang kaba sa dibdib nitong kasama ko. Sino ba namang hindi?

Nakakabingi ang katahimikan. Bukod sa tunog ng mga makinarya ay kabog ng dibdib ko ang naririnig ko.

"Here." sabi niya nang imulat ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Shocks. Nakakahiya.

"Salamat." sagot ko at tinanggap ang kapeng iniaalok niya. "Sorry, nakatulog pala ako."

"Okay lang. Pasensya na, nagpapahinga ka na dapat kanina pa."

"Hindi. Ayos lang. Ano ka ba?" gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagtulog ko. Tuloy ay ako pa ang inalala niya.

Hindi na siya kumibo. Nakakapanibago. Hindi talaga ako sanay. "May lumabas na bang doctor?" nag-aalangan kong tanong. Kung bakit ba naman kasi nakatulog ako. Hindi ko tuloy nabantayan. Ni hindi ko man lang rin namalayang umalis siya para bumili ng kape.

"Wala pa."

Muling namutawi ang katahimikan sa pagilan naming dalawa pero sa pagkakataong ito ay sinabi ko sa sarili kong hindi na ako matutulog. Ayokong dumagdag pa sa mga alalahanin at asikasuhin niya.

Sabay kaming napatayo nang iluwa ng pintuan ang isang doctor.

"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" tanong nito. Agad namang lumapit si Renz. "She's fine now."

Nakahinga ako nang maluwag pagkarinig sa sinabing iyon ng doktor. Alam kong ganoon rin si Renz. Hindi ko na naintindihan ang iba pa nilang pinag-usapan. Hinintay naming mailipat si nanang sa isang solo na kwarto at nakita ko kung paano siya asikasuhin ng apo.

"Pinakaba mo ako, la." bulong niya rito pero may sapat na lakas para marinig ko. Kinakausap niya ito kahit mahimbing ang tulog nito.

Hawak niya ang kanang kamay nito at hinihimas-himas ito. "Magpagaling ka agad, la. Ayokong nakikita kang ganyan."

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa lola niya. Naisip ko tuloy kung ganiyan rin kaya siya sa girlfriend niya.

Naglayag ang isip ko sa imahinasyong nabuo sa utak ko habang pinagmamasdan ko siya kaya laking gulat ko nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Shocks! Huli na naman ba ako?

Nakita kong bahagya niyang tinapik ang kamay ng lola niya bago tumayo at lumapit sa akin.

"Tara na?"

"Ha?"

"Uwi na tayo."

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Ihahatid na kita."

"Bakit?" puwede na ba? Safe na bang umalis? Okay na bang iwan namin ang lola niya?

"She'll be fine soon. Sa ngayon, magpahinga ka na muna." hindi ako nakakibo. "Come on, Seffie."

"Pero kasi."

"Wala ng pero pero. Tara na. Kung gusto mo, sumama ka na lang sa akin kapag dumalaw ako kay lola. But for now, you go rest."

Hindi na ako nakapalag. Nag-aalangan man ay nagpatianod na lang ako sa kanya. Wala siyang tulog. Wala ring kain. Sana ay nagpahinga na lang muna siya rito kahit konti. Bakit nag-aya agad siya? Tsk!

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now