CHAPTER 21

2 1 0
                                    

CHAPTER 21 - WHY NOT?

"Come on, bro! Bakit ba ayaw mong ligawan ko?" rinig ang pagkadismaya sa boses niya habang kausap ang kapatid ko. Ang aga naman ata niyang pumunta?

Linggo ngayon at walang pasok si Choy kaya siguro nandito na naman ang isang 'to.

Walang lakas akong bumangon sa kama ko kahit tinatamad pa talaga ako. Nagising na rin naman ako, ano pang magagawa ko?

"Maghanap ka na lang ng iba." mariin namang sagot ng kapatid ko. Wala ba silang planong hinaan ang boses nila?

"Ayoko! Siya ang gusto ko!" pagmamatigas ni Kallum. Para akong nakikinig sa radyo serye umagang-umaga.

"Hindi ka niya gusto." grabe naman. Minsan itong kapatid ko, ang sakit din magsalita eh.

"So? Then I will make her fall." wow. Determined. Ako ba ang pinag-uusapan nila?

"Hinaan mo ang boses mo!" mahina pero halatang may gigil nang ani Choy.

"Hihinaan ko kapag pinayagan mo ako!"

"Stop acting like a kid, bro."

"And so are you."

"No, I'm not. Kapag nagising si Seffie, palalayasin kita rito. Makita mo."

Itinali ko ang buhok kong gulo-gulo nang silipin ito sa salamin at tsaka lumabas. "Sino bang pinagtatalunan niyo?" pupungas-pungas at humihikab na tanong ko. Pareho silang seryoso nang tingnan ako.

Pero kahit bahagya pang pikit ang mata ko ay malinaw na malinaw sa mga ito kung gaano katalim ang tingin ng kapatid ko sa kaibigan niya. Alam kong alam niyang si Kallum ang dahilan kung bakit nagising ako.

"Kumain na kayo?" pag-iiba ko sa usapan para mawala ang kung anumang tensyong namamagitan sa kanila.

Biglang tumayo si Kallum at pumunta sa kusina.

"Here. I brought you breakfast." aniya. Nang ilipat ko ang paningin ko kay Choy ay nakita ko itong iiling-iling. "Have a seat."

Sinunod ko ang sinabi niya at pinanood siyang ihain ang sinasabi niyang dala niya. "Wow." usal ko.

Ang daming ulam. Nakabalandra sa harapan ko ngayon ang sandamakmak na ulam. Tocino, hotdog, longganisa, itlog at tinapa. Ang bango!

"Luto mo?" namamanghang tanong ko na siyang nagpahagalpak sa kapatid ko. "Bakit?" pagtataka ko.

Habang abala siya sa pagtawa ay hindi naman maipinta ang mukha ng kaibigan niya.

"Hindi marunong magluto 'yan."

"Manahimik ka, Choyen Azher Salamanca! I can learn kung gugustuhin."

"Oo nga naman." pagsang-ayon ko sa kanya na sa palagay ko ay siyang nagpabalik sa mood niya.

Tinapunan niya nang mayabang na tingin ang kapatid ko habang tataas-taas pa ang isang kilay niya.

Hahaha. My gosh. Mababaliw ata ako sa dalawang ito.

Sabay-sabay kaming kumain. Natawa pa ako noong akala ko ay hindi makakakain si Choy dahil ayaw siyang bigyan ni Kallum. Ang sabi niya ay para raw iyon sa akin at hindi siya kasama sa kakain. Gusto ko silang tuktukan dahil ang gulo nila pero mautak ang kapatid ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa pero sigurado akong black mailing ang nangyari. Hahahaha!

"So, ano nga pala 'yong pinagtatalunan niyo kanina?" pagbabalik ko sa pinag-uusapan nila na siyang gumising sa akin kanina dahil mukhang okay naman na sila ngayon at kalmado na.

Nagkatinginan sila. Ito na naman iyong tinginan na para bang may kuryenteng nananalaytay sa pagitan nila.

"Seffie," pagsisimula ni Kallum. "Gusto kitang—"

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon