CHAPTER 4

4 0 0
                                    

CHAPTER 4 - CONDITIONS

"Pa, sige na po. Please?" para akong batang nagmamakaawa sa kanya para lang payagan niya.

"Ano bang gagawin mo ro'n? Baka naman guluhin mo lang si Cleah." kahit hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nagbabasa siya ng dyaryo ay alam kong nakakunot ang noo niya. "Besides, what is she doing there?"

"New career, pa. You know, for a change." masiglang sagot ko. Sinisikap na makakita siya ng magandang dahilan para pasamahin ako sa kaibigan ko.

"Payagan mo na ang anak mo, Joseph. Nasa tamang edad na 'yan." yes. Tama ka diyan, mama!

"Carolina, masyadong malayo 'yon." ibinaba niya nang bahagya ang dyaryong binabasa para tingnan si mama. Ako pa ata ang magiging dahilan nang pagtatalo nila.

"Nandoon naman si Cleah." pinili ko ang manahimik na lang muna at hinayaan silang mag-usap, or should I say, magtalo. "Kilala naman natin ang batang iyon, napakabait. I think she can help our darling get out of her comfort zone." hindi ko naiwasan ang mapangiti nang kindatan ako ni mama sa gilid nang hindi nakikita ni papa.

"Fine, fine, fine." ani papa na siyang ikinagulat ko. Namin ni mama actually. Ang galing talaga ni mama! Yes! Cijz! Here I come. "Only if she can do my conditions." wait, what? Conditions?

Biglang bumagsak ang balikat ko. Akala ko ayos na, hindi pa pala. Hays.

Binigyan niya ako ng tatlong kondisyon na technically, dalawa lang dahil binitin niya ang pangatlo. Una, gusto niyang gumawa kami ni Choy ng sample advertisement tungkol sa isa sa business namin. Sabi pa niya, kami na raw ang bahalang mamili kung ano. Gusto kong umangal pero hindi ko ginawa. Naisip kong kapag nagreklamo ako ay walang pagsunod sa Quezon na mangyayari. Pangalawa, pinagagawa niya kami ng business proposal. Ang dami-dami na naming business ay gusto niya pang dagdagan? Isa pa, wala ata akong alam sa mga gusto niya. Parang puro pabor kay Choy ang mga ipinagagawa niya at pinahihirapan ako, pero dahil matalino ako, may naisip ako. Mwahaha. Hindi mo ako maiisahan, papa.

Nagpadala ako ng email kay Choy tungkol sa mga pinapagawa ni papa. Sana lang ay makicooperate ang isang 'yon.

"Hoy, Choyen Azher Salamanca! Bakit ba ang tagal mong sumagot, ha?" reklamo ko sa kanya nang sagutin niya ang video call.

"Sorry, nakaduty ako." Oh, I see. Kaya pala. Ang aga naman niyang magtrabaho samantalang ako, magsisimula pa lang ang araw ko dahil kakagising ko pa lang. Masyado akong excited kaya ito agad ang naisip kong gawin pero bahala siya. Kailangan na naming makapag-umpisa. Ilang araw na ang lumipas simula nang mag email ako sa kanya pero ang mokong, hindi pa sumasagot hanggang ngayon kaya tinawagan ko na.

"Have you seen the email I sent you?" mataray kong tanong. Kita ko sa background niya ang mga taong kasama niya. Buti nakakasagot ng calls 'to kahit nasa trabaho?

"Not yet." tipid na sagot niya na sa ibang direksyon nakatingin. Mukhang may binabasa siya sa monitor. Baka 'yong email ko na.

"Care to check it?" ani ko na abala rin sa panonood sa kanya. Ang gwapo lang din talaga niya eh. Kung hindi ko siguro nalaman na kapatid ko siya, malamang nagkacrush na ako sa kanya. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa niya kaya hindi niya alam na tinititigan ko na siya.

"I'll check it once I get home." what? Pag-uwi pa niya? Aish!

"What time?" naiinip kong tanong. Bakit kinakabahan ako? Pakiramdam ko ay hindi ako makakasunod agad. Inip na inip na ako. Please lang.

"No definite time. Baka mag OT ako." ang aga na niyang pumasok tapos OT pa?

"What?!" napalakas ata ang sigaw ko dahil napatingin siya bigla sa akin habang hawak-hawak ang headset niya at kunot na kunot ang noo. Hahahaha! Ang cute!

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now