CHAPTER 14

3 0 0
                                    

CHAPTER 14 - JEALOUSY

Pareho kayong mahalaga.

Pareho kayong mahalaga.

Pareho kayong mahalaga.

Pareho kayong mahalaga.

"Aaaaaahhhhhhh!!!!" sigaw ko sa ilalim ng unan ko. My gosh! Hindi na mawala-wala sa isip ko ang sinabing iyon ni Renz.

Ilang araw na simula noong mapasugod si Renz sa ospital para tingnan ang lagay ni nanang pero hanggang ngayon ay halos palagi siyang wala sa shop. Kung hindi naman, palagi siyang abala sa cellphone niya.

"Seff, aalis muna ako ha. Magkikita lang kami ni Renz." ani Cleah sa labas ng kwarto ko. Halos mapabalikwas ako sa sinabi niya.

"Bakit?" tanong ko na ngayon ay kaharap na siya sa may pintuan.

"Hindi ko rin alam eh. Nakikipagkita siya." hindi ko alam kung bakit nagdududa ako sa ngiti niya.

"Hindi ako puwedeng sumama?" tanong ko. Sa puntong ito ay kung saan-saan na lumilipad ang isip ko. Bakit si Cleah lang? Bakit hindi ako kasama? Magde-date ba sila? Hindi kaya aamin na siya? Waaaaaah!

Nagkibit-balikat lang siya at isinensyas ang dalawang kamay niya na hindi niya alam. Ano 'yon?

Pinanood ko siyang lumabas ng bahay hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga mata ko. Parang dinudurog ang puso ko sa bagay na hindi naman ako sigurado kung ano. Hays.

Biglang tumunog ang cellphone ko at sa pag-aakalang si Renz ito ay agad kong sinagot ito.

"Hi." huh? Ibang boses. Hindi kay Renz ito. Pero bakit parang pamilyar? Iniangat ko ang cellphone ko at tiningnan ang number sa screen. Unregistered.

"Who's this?" kunot-noo kong tanong.

"Your future husband." kung pupuwede lang humiwalay ang kilay ko sa mukha ko ay baka nangyari na. Anong pinagsasasabi nitong mokong na ito?

"Puwede ba? Wala ako sa mood makipaglokohan kung sino ka man!" singhal ko sa kanya. Kapag ganitong naiinis ako dahil hindi ako inaya ni Renz ay huwag niya akong maloko-loko.

"Ito naman. Hindi mo ba ako namiss?"

"At bakit naman kita mamimiss? Sino ka ba, ha?" narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Excuse me, miss beautiful. Hindi ako sinuka." parang narinig ko na 'to ah?

"Ikaw?!" bulalas ko nang maalala ang lalaking sumagot sa tawag ko noon kay Choy.

"Finally! You remembered." sa hula ko ay napakalapad ng ngiti niya. "Sabi ko na at hindi mo makakalimutan ang kagwapuhan ko." mayabang na dagdag niya.

"Excuse me?" naiirita kong angal. "Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko at binabaan na siya. Paano niya nalaman ang number ko? Naisip ko si Choy.

Sa inis ko ay agad ko siyang tinawagan.

"Hello!" sigaw na bungad ko sa kanya.

"Hey! Why are you shouting at me?" garalgal niyang tanong. Mukhang nagising ko ata siya.

"Bakit mo ibinigay ang number ko do'n sa presko mong kaibigan, ha?" nanggagalaiti kong tanong sa kanya.

"Wait, what? Ibinigay?" naguguluhan naman niyang tanong.

"So you mean," hindi niya alam! Lalo akong nainis. Napakapakialamero talaga ng isang 'yon!

"That stupid bastard." rinig kong bulong niya pa.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now