CHAPTER 47

1 0 0
                                    

CHAPTER 47 - AGAINST THE ODDS

Inuna kong puntahan si papa para tingnan ang lagay niya. Tanging si mommy ang nadatnan namin ni mama. Siguradong nakay Kallum si Choy. Nang masigurong maayos siya ay agad akong dumiretso sa isa pang ICU nasaan sila para tingnan naman ang lagay ni Kallum.

"Seffie, iha." bungad sa akin ng mommy niya.

"Kumusta po?" tanong ko. Nangangapa base sa itsura nila. Nakita ko si Choy na nakaupo at nakatungo sa pinagsakop niyang mga palad. Nakatulog na kaya siya?

"Hindi pa siya nagigising."

Natapon ang paningin ko kay Tito Marcus at kay Kuya Rull. Kahapon pa sila walang kibo sa akin.

"Tito, kuya, may dala po akong almusal." sabi ko habang iniaalok ito sa kanila.

"Hindi ako nagugutom." walang emosyong sabi ni tito. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Galit ba siya?

"Salamat, Seffie." kinuha ni Kuya Rull ang dala ko. "Gusto mong makita si Kazy?" tanong niya sa akin na siyang agad nagpatango sa akin. Gusto ko, kuya. Gustong-gusto!

Ihinatid niya ako sa loob ng kwarto kung nasaan si Kallum at iniwan rin.

Parang nadudurog ang puso kong makita siyang nakaratay at kung anu-anong aparato ang nakakabit sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit at hinawakan ang kamay niya.

"Hi." sabi ko sa kanya. "Gising ka na please." hindi ko inasahan ang pagtakas ng luha sa mata ko na agad ko rin namang pinunasan. Bahagya pa akong natawa sa sarili ko.

Puwede na ata akong mag-artista.

"I'm sorry, sweetie." marahan kong hinimas ang kamay niya. "Sorry kung natagalan ako. Sorry kung ngayon ko lang nagpagtanto ang totoong nararamdaman ko para sa 'yo. I'm really really sorry."

Pinagmasdan ko siyang mahimbing na natutulog. "Kahit may nga sugat at galos ka, gwapo ka pa rin. Paano mo nagagawa iyan?" natawa ako sa sarili kong biro. "Please, gumising ka na."

Nanatili siyang walang tinag hanggang sa lumabas ako. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako nabulag sa sakit ko sa nakaraan. Tama si Dianne. Hindi ko nga talaga alam ang halaga ng taong pinakawan ko. Tama rin si Cleah, siya nga ang nagpuno ng pagmamahal sa puso ko. Tama si Renz, hindi na siya ang mahal ko. At tama si Choy, mahal nga talaga ako ni Kallum. Tama nga sila. Tama silang lahat pero hindi ako nakinig agad.

Babawi ako, Kallum. Pangako, babawi ako sa 'yo.

Muli kong naalala ang naging pakikitungo sa akin ng tito nang makita ko sila. Sinalubong ako ni Choy na halatang walang tulog dahil sa namumungay niyang mga mata.

"Let's go." aniya.

Hanggang sa nagpaalam kami ay tanging si Kuya Rull at Tita Maggy lang ang kumibo.

"Galit ba sa akin si tito?" habang nag-iisip ay naisatinig ko.

Napahinto si Choy sa paglalakad kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"I think he knows something." biglang kumabog ang dibdib ko.

Buong araw kong inisip ang sanabing iyon ni Choy. Hindi mapanatag ang loob kong isipin kung ano ang iniisip sa akin ni tito. Kung ano ang alam niya.

Kahit wala naman akong ginagawa ay parang ang bilis lumipas ng oras. Madalas pa akong mahuli ni papa na tulala.

"Seffie, anak?" tawag niya sa akin na nakaupos sa sofa at sa kawalan nakatingin.

"Pa." lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. Kami lang dalawa ang nandito ngayon.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon