CHAPTER 13

3 0 0
                                    

CHAPTER 13 - CLARITY

"Seff." tawag sa akin ni Cijz na kanina pa nangungulit sa akin.

Pagkauwing-pagkauwi niya ay ibinalita niyang aakyat daw kami sa bundok mamaya kasama ang mga katrabaho niya kaya ito kami ngayon at nag-aayos ng mga dadalhin.

"Ano 'yon?" sabi ko nang hindi siya nililingon.

"Umamin ka nga. Nagselos ka ba sa amin ni Renz kahapon?" walang preno niyang tanong na ikinabigla ko dahilan upang hindi agad ako makasagot. "My gosh, Seffie!" nilapitan at niyakap niya ako. Pakiramdam ko tuloy anumang oras ay papatak ang mga luha ko. "Wala 'yon okay? Nag-uusap lang kami no'n tungkol kay Luk pero dahil hindi ako tumitigil sa pagtakbo ay hinawakan niya ako." para akong binuhusan nang malamig na tubig nang dahil sa sinabi niya.

"Talaga?" mangiyak-niyak kong tanong.

"Parang ewan 'to! Ano ka ba, hindi ko siya aagawin sa 'yo 'no! Ako kaya ang number one shipper niyo!" alam ko naman 'yon. Pero kasi, iyong sinabi ni Trixie. "Grabe ka sa akin."

"Sorry na, Cijz. Akala ko kasi iba. Ang lakas ng feeling ko na gusto ka niya." at kung totoo ang sinabi ng kapatid niya, ano namang laban ko kay Cleah?

"You!" bulalas niya sa akin na nakaturo pa ang hintuturo. "Napakaselosa mo! Hindi kaya kayong dalawa talaga ni Loukas ang para sa isa't-isa dahil pareho kayong seloso at selosa?" ay NO! Sa 'yo na ang Loukas mo, Cleapatrah!

"No way! Hindi ko siya type!" angil ko. Oo boto ako kay Luk, pero para sa kanya, hindi sa akin. May Renz ako. Tuldok.

Tinawanan lang ako ng loka. Tse.

Magdamag kaming nanatili sa Mt. Pinagbanderahan noong araw na iyon. Nalaman ko kay Renz na para pala kila Cleah at Luk ang kunyaring pagha-hiking namin dahil plano nilang pag-ayusin ang dalawa. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa nalaman ko. Kung pag-aayusin nila iyong dalawa, baka hindi naman talaga gusto ni Renz si Cleah. At bilang supportive na kaibigan, sinakyan ko ang plano ni Renz na pagselosin at i-set-up sila ni Luk. Hahaha.

Sobrang kinakabahan ako noon lalo na noong niloko ko si Luk na nasprain si Cleah sa itaas na bahagi ng bundok habang nasa baba pa sila at nag-aalmusal. Kitang-kita ko kung paano siya mataranta noon at kung paano niya takbuhin ang daan papunta sa kaibigan ko. Tuloy ay galit na galit siya sa akin nang makabalik sila.

Mabuti na lang at may knight in shining armor ako at ipinagtanggol ako sa nanggagalaiting si Luk. Hahaha!

Sa ngayon, ayon, sila na. Salamat sa aming mga kaibigan nila na nag-ala kupido sa kanilang dalawa.

May lovelife na ang kaibigan ko. Hay. Ako kaya? Ang tagal naman kasing manligaw ni Renz. Siya na lang ang hinihintay ko, sa totoo lang. Ang sama niya para paghintayin ang ganda ko ha.

"Good morning." bati niya sa akin. Napakaswerte kong empleyado dahil hatid-sundo ako ng amo ko.

"Mas maganda pa ako sa umaga." sabi ko na nagpangiti na naman sa kanya. Hays. Hindi pa man ako nag-aalmusal ay busog na ata agad ako.

"Sabi mo, eh." ang gwapo ng ngiti! My gosh! "Tara?"

"Okay." pinagbukasan niya ako ng pintuan ng sasakyan at tulad ng dati ay kilig na naman ang hatid nito sa akin. Sobrang saya ng puso ko.

Nang makaupo na ako ay doon lang siya lumipat sa kabila at sumakay. Naging abala naman ako sa pag-aayos ng damit ko.

"Seffie." tawag niya sa akin.

"Hmm?" sagot ko naman nang hindi man lang siya nililingon dahil may kung anong nakadikit sa damit ko at abala ako sa pagtanggal nito.

"Fine. I'll do it." huh?

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon