CHAPTER 3

8 0 0
                                    

CHAPTER 3 - LOVING CAN HURT

Lumipas ang mga araw na puro sakit ng ulo. Simula nang ipakilala ni papa sa akin si Choy ay halos wala na siyang ibang bukang bibig kung hindi ang tungkol sa kanya. Kesyo graduate siya ng Mass Communication with Journalism and Media major specialization and whatsoever. Pulos achievements at careers niya ang ibinibida sa amin ni papa. I can't deny the fact that he is quite adorable and impressive just by hearing those things about him though he is not aware of it but still, it can't erase the pain I'm feeling right now. Lalo na ngayon na mas mukhang kilala pa siya ni papa kaysa sa akin. Parang mas ipinamumukha niyang mas nasubaybayan niya ang paglaki ni Choy at mas proud siya dahil mas may narating na siya habang ako, pabago-bago ng trabaho dahil umaalis ako kapag ayoko na.

"Come on, Seffie. You guys are perfect for our company." patapos na kaming kumain ng hapunan at ito na naman siya, nangungumbinsi sa akin. Tahimik lang na nakikinig sa amin si mama.

"Pa, hindi pa po ako ready." ayokong i-manage ang company namin. Ayoko do'n. I want somewhere else.

"You're a graduate of Business Administration. Sayang naman kung hindi mo gagamitin sa businesses natin." gusto kong maiyak habang tinitingnan siya. Paano niya nagagawang kausapin ako na parang wala lang? Paano siya nakakatingin nang diretso sa mga mata ko nang hindi napapansin kung gaano niya ako nasaktan?

Simula nang malaman ko ang totoo ay hindi pa namin ito napag-uusapan nang masinsinan. O baka naman iyon na 'yon? Ayos na siguro sa kanyang nalaman ko. The rest, bahala na ako. Baka para sa kanya, I'm old enough to handle myself and my emotions.

Really, papa? Is that how you see things?

"Pag-iisipan ko po." pagsuko ko. Gusto ko na lang matapos ang usapan naming ito.

"Great! I'll talk to Choyen, then." Choyen na naman. Choy, Choyen, Choyen Azher. Hindi kaya nasasamid na ang isang iyon kababanggit ni papa sa pangalan niya?

Dumiretso ako sa kwarto ko pagkatapos kumain at binuksan ang laptop ko at nagpipindot dito.

"Pagod ka na ba?" I miss her. "Well, maybe you've been through a lot, right? To the point that you're not aware that you are already drowning." yeah, right. Nakakalunod ang mga problema. Adulting isn't a joke.

Nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak habang nakikinig sa podcast ni Cleah. Little did she know that I'm a big fan of her contents, or maybe alam niya pero she's too humble to accept it.

Ilang araw pa lang siya sa Quezon ay sobrang ramdam na ramdam ko na ang layo niya. I can't blame her because she really needs it.

Alam ko na! What if sumunod ako sa kanya?

Tama. Wala naman akong commitment ngayon so puwede akong sumama sa kanya roon. Great, Seffie. Great.

Agad akong lumabas sa kwarto ko para puntahan si mama na ngayon ay nasa kusina at may kung anong ginagawa.

"Ma." tawag ko sa kanya na abalang-abala sa pagmamasa. Kung anu-ano ang nakalatag sa lamesa at sa palagay ko ay gagawa siya ng tinapay. Magaling si mama sa kusina dahil Culinary Arts ang tinapos niya at baking naman ang nakahiligan niya.

"Yes, darling?" aniya nang hindi man lang inaalis ang paningin sa ginagawa niya.

Lumapit ako at umupo sa harapan niya. "Ano pong ginagawa niyo?" tanong ko. Gamit ang rolling pin ay unti-unti nang lumalapad ang kaninang minamasa niyang dough.

"Gagawa ako ng croissants. Paborito ito ng papa mo at may business trip siya next week kaya pababaunan ko siya." bigla akong nalungkot.

"Mahal na mahal mo si papa ano, ma?" wala sa sariling naitanong ko. Sa pagkakataong ito ay napatigil siya sa ginagawa at ngumiti sa akin. "Bakit, ma?" tanong kong muli na nagpakunot sa noo niya. "Bakit hindi ka nasasaktan? Bakit okay lang? Bakit hinayaan mo lang?" dire-diretso kong tanong sa kanya. Sinikap kong hindi mabasag ang boses ko kahit pakiramdam ko, anumang oras ay tutulo ang luha ko.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now