CHAPTER 42

1 0 0
                                    

CHAPTER 42 - GETTING IN THE WAY

"Sorry na." paulit-ulit kong paghingi ng tawad kay Dianne nang makarating kami sa opisina.

Hindi niya ako kinikibo simula nang iwan ko siya at mag-usap sila ng kapatid ko. Sobrang guilty talaga ako sa mga nagawa ko.

"Oo na. Manahimik ka na kahit ngayon lang." pagsukong pakiusap niya.

Gusto ko sanang itanong kung anong pinag-usapan nila pero mas pinili ko na lang ang manahimik at ituon ang atensyon ko sa ginagawa.

Galit kaya sa akin si Choy? Buong byahe kasi siyang tahimik katulad ni Dianne. Wala rin siyang text pagkatapos niya kaming maihatid. Noon kasi ay nagtetext agad iyon pagkatapos naming maghiwalay ng landas.

Hay. Ano na naman bang ginawa ko?

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nabalik ako sa realidad.

Calling... Choyen

"Hello?" tipid kong sagot. Nag-aabang sa sasabihin niya at nakikiramdam kung galit ba siya.

"Seffie, I'm sorry. I can't pick you this afternoon." nanlaki ang mata ko.

"Why?" galit ata talaga siya.

"Medyo busy kasi. Need ko mag-over time dahil na-late ako kanina." rinig ko na naman ang ingay sa background niya. May nag-uusap tungkol sa mga dapat gawin at kung anu-ano pa. "I already told Kallum to take charge." dagdag niya. "Let me know kapag may nilabag sa don'ts." paalala niya. Talagang seryoso pala siya roon?

"Okay."

"And please, behave." aniya bago nagpaalam at pinutol ang linya.

Behave saan?

"Anong mukha iyan?" mayamaya ay tanong ni Dianne.

"Wala naman. Hindi raw ako masusundo ni Choy." normal na pagkukwento ko sa pag-uusap namin sa tawag kanina.

"Ang swerte mo sa kapatid mo." aniya. Gulat akong tiningnan siya dahil hindi makapaniwalang nagbigay siya ng opinyon tungkol sa kapatid ko.

"Alam ko." pagsang-ayon ko. "Kaya sigurado akong swerte rin ang magiging girlfriend at asawa niya."

Hindi na siya kumibo. Nag-aayos na siya ng gamit dahil out na rin naman namin.

"Oo nga pala, ngayon ang alis nila Luk." sabi ko nang maalala ito.

"Anong oras daw?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Teka, i-tetext ko si Cijz."

Kinuha ko uli ang cellphone ko at nagtipa roon ng mensahe. May text na naman si Luk.

From: Loukas

Kumusta, Seff? Kumain ka na?

Nangunot ang noo ko. Bakit ganito? Baka bored lang.

Naglakad na kami ni Dianne palabas ng opisina. Iilan na lang ang mga tao at nakauwi na rin ang iba. Sakto namang nagreply rin agad si Cijz kaya nasabi ko kay Dianne na alas dies ang alis nila rito sa Maynila.

"Seffie." pukaw ni Kallum sa atensyon ko na nasa cellphone ko. Oo nga pala. Siya ang susundo sa akin ngayon. Nandito kami sa lobby.

Nagtatakang tingin na naman ang itinapon sa akin ni Dianne pero hindi ko ito masagot nang biglang tumunog na naman ang cellphone ko.

"Hello Cijz?" bungad ko sa kaibigan ko.

"Out niyo na? Dinner tayo bago kami umalis." sabi niya.

"Wait. Kasama ko si Dianne ngayon. Tanungin ko." bumaling ako kay Dianne. "Dinner daw bago sila umalis." nang makita kong tumango siya ay muli kong kinausap si Cleah. "Sige raw."

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now