CHAPTER 43

1 0 0
                                    

CHAPTER 43 - CONFRONTATIONS

Nang matapos silang mag-usap ay nakapagtatakang umalis na si Kallum. Ni hindi niya ako pinansin man lang. Kasama kaya iyon sa don'ts?

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ko kay Choy.

"Ipinagpaalam ka lang niya."

"Saan?"

"Gusto ka raw niyang makausap eh."

"Tapos?" masyadong tipid ang sagot niya at hindi ako makuntento sa mga ito. Sa tagal nilang nag-usap ay alam kong may iba pa.

"Iyon lang." bagsak ang balikat kong sumandal uli sa upuan ng sasakyan niya. "Iyong Luk..." mayamaya ay sabi niya.

"Anong meron kay Luk?"

"Gaano na sila katagal ni Cleah?"

Napaisip ako. Ilan na nga ba? Mahina pa naman ako sa mga dates. "Almost a year?" hindi ako sigurado.

"Okay naman sila?"

"Paanong okay?"

"I mean, hindi ba sila nag-aaway or what?"

Parang biglang may bombilyang umilaw sa utak ko.

"Well. I like someone. Pero taken na."

Hindi kaya? Shocks! Bigla kong naalala noong sinundo niya ako sa Quezon.

"Is that Cleah?" natatandaan ko pa kung paano niya sundan ng tingin noon si Cleah.

"Oo. Bakit? Don't tell me, type mo? Don't you dare. She's already taken." pero hindi niya ako sinagot. Hindi siya sumagot ng oo pero hindi rin niya ako kinontra. OMG! Kung noon, napalampas ko iyon dahil hindi ko pa siya ganoon kakilala, ngayon, ha! Hindi mo na ako maloloko, Choyen Azher.

Kaya nakita ko siyang nakatingin sa akin noong kausap ko si Cleah sa cellphone. Kaya siya nagulat noong sinabi kong luluwas sila rito at kaya ganoon na lang siya tumingin sa kaibigan ko. Naiilang! OMG! Ang galing ko mag analyze!

"Si Cleah ang crush mo, Choyen Azher?!" bulalas ko nang mapagdugtong-dugtong ko ang mga nasa isip ko.

"W-what?"

"Hindi na uubra sa akin iyan, Choy! Crush mo ang kaibigan ko! Siya ang tinutukoy mong gusto mo pero taken na! Tama ako 'diba?"

Para akong baliw na naghihisterya rito sa loob ng sasakyan niya. "Oh my gosh! Oh my gosh!" paulit-ulit kong tili. "Tama ako 'diba? Tama ako Choy 'diba? Waaaaaah!" hinampas-hampas ko ang hita ko. "Uy, sumagot kaaaaaa!" sabi ko at nagtitili na naman.

"Fine! Shit! Fine!" aniya. "Oo na! Will you please calm down, Seffie? You're distracting me! I'm driving. You know?" aburidong reklamo niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

"So totoo? WAAAAAAAAAH!!!!" sigaw kong muli. "My gosh, Choy, I was just assuming!" pag-amin ko. Hindi pa rin naman kasi talaga ako sigurado sa mga naanalyze ko.

"Damn!" bulalas niya na para bang inis na inis dahil nahuli ko siya.

"Oh-my-gosh!" eksahirada kong bulalas. "How to be you, Cleah?" sabi ko sa sarili ko nang makakalma.

"It's just an admiration. Don't make it a big deal." aniya at tumingin sa akin habang kasalukuyan kami ngayong ipit sa traffic. Late na naman kami.

Hindi ako agad nakakibo. Naisip ko si Dianne. OMG talaga.

"Don't you dare tell anyone, Seffie." aniya. Sa pagkakataong ito ay mahinahon na siya. "I don't plan to ruin someone's relationship."

"Okay." sabi ko habang hinahabol pa rin ang hininga sa pagsigaw-sigaw ko kanina.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now