CHAPTER 9

4 0 0
                                    

CHAPTER 9 - GETTING DEEPER

"Wow." namamangha kong sambit nang makarating kami sa beach resort kung saan kami magsuswimming.

Nagkayayaan ang mga katrabaho ni Cleah at dahil kilala na rin naman nila ako ay isinama nila ako.

"Ang ganda 'no?" tanong naman nitong si Renz na hindi ko maintindihan kung bakit kasama rin. Tss. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa paligid.

Sobrang ganda rito! Mapuno at kulay puti ang buhangin nito. Malinis rin ang tubig. May mga umbrella beach tables and chairs sa mismong dagat sa unahang bahagi na siyang nagbigay buhay sa lugar dahil sa iba't-ibang kulay nito. Hindi nawala ang mga pahingahan na cottages at benches. Mukhang puwede ring mag overnight mismo sa seaside dahil may ilang mga tent na nakatirik.

Tutok ang buong atensyon ko sa camera ng cellphone ko at abala sa pagkuha ng larawan. Plano kong ipakita ito kay mama at kay Choy. Tingin ko, matutuwa ang isang 'yon kapag nakarating siya rito. Mukha kasing wala siyang social life dahil nakapa workaholic niyang tao.

"Ano ba? Nakakagulat ka!" reklamo ko kay Renz na nasa tabi ko lang pala at. . . at nakatingin siya. . . sa akin. . . Ganda ko ba? My gosh! Ang puso ko!

Hindi ko alam kung bakit naiinis na naman ako sa kanya ngayon. Noong nakaraan ay halos hangaan ko siya sa labis na pagmamahal niya sa lola niya pero ngayon ay abot langit na naman ang aking bwisit.

Kanina niya pa ako inaasar. Naiinis ako dahil pinansin niya ang suot kong damit. Ayokong-ayoko sa lahat iyong pinapakialaman ang pananamit ko dahil kung hindi niya alam, pinalaki akong may sense of fashion. Wala akong makitang problema sa suot kong pink na blouse at black mini skirt na tinernohan ko ng white sneakers not until he told me this, "Medyo masyado lang maiksi. Nakakatakot. . . . Baka masilipan ka. You see, it's not safe. Pagabi pa naman na."

Alam kong nagpoprotesta ang isip ko sa sinabi niyang nakakatakot ang suot ko dahil maiksi pero nagwawala rin ang puso ko sa kilig dahil ayaw niya akong masilipan. Waaaaaaah! So conservative and protective!

Ilang sandali pa at nakita na namin ang mga kasama namin. As expected, napuna ni Nikki ang suot ni Renz at Cleah. Terno kasi sila sa puting t-shirt at maong shorts. Alam kong hindi sila nag-usap pero may parte sa akin na nagseselos. Wala lang. Hindi ko lang maiwasang isipin na bagay rin sila.

Nang makahanap kami nang magandang pwesto at maiayos na ang tent at mga gamit namin ay nagyaya na silang magpalit ng damit. Ang mga lalaki naman ay nagsitalunan na sa dagat maliban kila Renz at Luk.

"Cijz." mahinang tawag ko sa kaibigan. "Ayos lang ba itong suot ko?" tanong ko sa kanya nang makapagpalit ako.

Halos sundan ko ang pagpasada ng kanyang mata sa kabuuan kong nakasuot ng two piece swimsuit. Floral design ito na kulay peach at sports bra style ang top habang high waisted naman ang short.

"Maganda!" buong papuri niya na alam ko namang sinsero pero...

"Hindi ba masyadong maikli ang short ko? Hindi ba masyadong revealing?"

Tinawanan ako ng loka-loka. "Kailan ka pa naging conscious sa suot mo, ha? Nahihiya ka kay Renz ano?" pakiramdam ko ay awtomatikong namula ang buong pisngi ko.

"Crush mo si Renz, girl?" sabat ni Sammie sa amin. OMG! Tinapunan ko nang matalas na paningin ang kaibigan ko na agad namang nagtaas ng dalawang kamay bilang pagsuko. Hindi nila puwedeng malaman dahil baka tuksuhin nila ako.

"H-hindi a-ah!" pagsisinungaling ko. Walang aamin! Magkamatayan na ng feelings, pero walang aamin!

Nang makabalik kami sa tent ay nandoon pa rin iyong dalawa. Mukhang hinintay nila kami, o si Cleah lang. Dahil sa hiya ko sa suot ko ay dumiretso ako sa mga kasamahan namin na nagkakatuwaan na sa tubig. Agad naman siyang hinila ni Luk papunta sa amin kaya natawa ako. Ang possessive nitong lalaking ito sa kaibigan ko. Nakita ko pang natawa si Renz dahil sa iniasal ni Luk. Sa palagay ko ay inuumpisahan na niya ang pagpapaselos dito pero bakit parang ako ata ang nagseselos at apektado?

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now