CHAPTER 40

2 0 0
                                    

CHAPTER 40 - CATCHING UP

"Tito Joseph." masayang bati niya kay papa. "Kumusta po ang lagay ninyo?"

Halatang gulat si pala dahil hindi niya inasahang nandito si Cleah. Hindi na iba ang kaibigan ko sa kanila ni mama dahil noon pa man ay para na talaga kaming kambal na palaging magkasama.

"Cleah. Kailan ka pa dumating?" masayang tanong niya rito. Dahan-dahan siyang umuupo mula sa pagkakahiga habang inaalalayan ko.

"Kaninang umaga lang po, tito."

"Sino itong matipunong kasama mo?" tanong niya habang kay Loukas nakapako ang mata. Agad namang ipinakilala ni Cleah ang nobyo sa kanya. Inilahad niya ang kamay sa binata pero hindi ito tinanggap at tipid lang siyang binati nito.

Nagkatinginan kami ni Cleah sa iniasal ni Luk. Mukhang hindi talaga maganda ang timpla nitong isa. Ano kaya ang problema?

Napukaw ang atensyon naming lahat nang bumukas ang pintuan at iluwa nito ang mama ni Choy.

"Seffie, anak." aniya at agad akong ikinulong sa yakap niya. Bahagya akong nahiya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa pagiging malambing niya.

"Mga kaibigan ko po." pagputol ko sa awkward na sandaling iyon. Ipinakilala ko sila sa kanya. Masaya niya namang niyakap at binati ang mga ito at inasikaso na si papa.

"Clei, Seff. Labas muna ako." mayamaya ay paalam ni Luk. "I'll just get some fresh air." dagdag pa niya at hindi na hinintay sumagot ang nobya bago umalis.

"Anong problema no'n?" tanong ko sa kanya na ngayon ay katabi ko na sa couch. Nandito kami sa terrace.

"Ewan ko." tipid niyang sagot na parang nag-iisip rin.

"Parang biglang nagbago iyong mood niya." dagdag ko pa.

"Baka pagod lang sa byahe."

"Hindi kaya nagselos kay Choy?" tanong ko uli. Sa pagkakaalam ko kasi, sobrang seloso noon. Naaalala ko pa nga kung paano niya pinagselosan si Renz noon dahil akala niya ay may gusto ito kay Cleah. Hmmmm. Speaking. Kumusta kaya siya?

Natigilan si Cleah. Mukhang mas lalong napaisip. Mayamaya pa ay bigla siyang nagsalita. "Imposible. Wala naman nakakaselos sa mga nangyari kanina.

"Who knows?" sabi ko. "Oo nga pala. Alam ba ni Renz na nandito ka?" lakas loob kong tanong.

"Hindi pa. Nakalimutan kong sabihin sa kanya."

"Oh." iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko alam kung nanghinayang ba ako.

"Gusto mo bang i-text ko?"

"H-ha? Naku, h-huwag na." nauutal kong sagot. "P-pero ikaw. Sayang naman kung hindi kayo magkikita."

Natawa siya na siyang ikinahiya ko. Pakiramdam ko tuloy ay namumula ako.

"Huwag na. I don't want you to feel double awkward. Haha." she's still sensitive just like before.

KINABUKASAN, napagkasunduan naming lumabas at mag KTV bar. Dumayo kami sa Taguig dahil ayon sa suggestion Choy ay maganda raw sa Rockstar.

"Ano na? Loukas?" bungad ni Dianne sa kanya nang dumating ito. Nauna kami sa kanya at ipinasundo ko pa siya kay Choy na pinilit ko lang talagang sumama. Hahaha! Naligaw kasi siya kaya mabuti na lang at nandito ang kapatid ko.

"Blooming tayo ah?" biro naman sa kanya nito.

"Ah, talaga ba?" nag-asaran sila. Talagang close pala sila. No wonder, inisip ni Cleah noon na may gusto si Dianne sa kanya. Kung sabagay, kung may makakakita rin sa amin ni Choy na hindi kakilala, baka ganoon din ang isipin nila.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now