CHAPTER 31

1 0 0
                                    

CHAPTER 31 - CLOUDED MIND

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong makipaghiwalay ako kay Kallum. Aaminin kong naninibago akong walang siya na naghahatid at sumusundo sa akin. Hindi na rin ako sanay na walang natatanggap na mga text galing sa kanya. Ano pang ineexpect mo, Seff? Malamang, nasaktan mo siya nang sobra.

"Yes tita, I will talk to him po." rinig kong sabi ni Choy sa kausap niya sa cellphone.

"Sino 'yon?" tanong ko nang ibaba niya ito sa lamesa. May pasok kami ngayon at tulad nang nakasanayan ay sabay kaming mag-aalmusal.

"Si Tita Maggy." it's Kallum's mom. "That jerk. Hays." kita ko ang pamomroblema niya. Ano kayang nangyari? Nilagyan niya ng kanin ang plato ko.

"Ako na, Choy." sabi ko at inabot ito sa kanya. Simula noong gabing sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit ayaw niyang maging kami ni Kallum ay pakiramdam ko, wala na akong karapatan sa pagmamahal niya bilang kapatid ko. Na hindi niya ako karapat-dapat asikasuhin at pagsilbihan dahil sinaktan ko ang nag-iisang taong malapit sa puso niya. Hindi katulad noon ay hinayaan niya ako ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay ihinatid niya na ako sa company. Napatingin ako sa lobby kung saan madalas na maghintay sa akin si Kallum. Nakaramdam ako nang kirot pero alam kong kasalanan ko rin naman.

"Ikaw lang uli?" tanong ng boses na nanggaling sa likuran ko.

"Dianne."

"Good morning, Ms. Salamanca." bati niya na may makahulugang tingin. Alam ko na kung ano ang itinatakbo ng isip niya. Sa ilang araw na lumipas ay pansin kong tutok ang atensyon niya sa akin. Hindi man siya magtanong ay alam kong may alam na siya sa nangyari. Matalino si Dianne at mapag obserba. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya noon kay Cleah, at pakiramdam ko, hindi malabong gawin niya rin sa akin ngayon.

"Good morning, Ms. Delavinn." tipid ko siyang nginitian at inumpisahan na ang paglalakad sa pasilyo papunta sa elevator.

Nabalot kami nang katahimikan. Hindi ko alam kung paano ako nakatagal na hindi nagsasalita dahil hindi naman talaga ako tahimik na tao.

Nang makarating kami sa office ko ay nagpatuloy ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko ay may kasalanan akong nagawa sa kanya kahit ang totoo ay wala naman talaga.

"Kumusta kayo?" sa wakas ay pagbasag niya sa katahimikan.

"Nino?" diretsa kong tanong kahit alam kong si Kallum ang tinutukoy niya.

"Come on, Seffie." aniya na parang may paghahamon sa tinig. "Alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko."

"Bakit hindi mo na lang sabihin nang diretso?"

"Kumusta kayo ni Kallum?" pag-ulit niya sa tanong. Bukod kay Choy ay wala pang nakaaalam nang nangyari. Kahit kay Cleah ay hindi ko pa rin nasasabi.

Humugot ako nang malalim na hininga. "Wala na kami." walang gana kong sagot. Alam ko namang iyon ang hinihintay niyang marinig sa akin. "Okay na?" dagdag ko pa.

Hindi siya kumibo. Isinasalansan niya ngayon ang mga papeles na nakatambak sa lamesa ko kaya hinayaan ko na siya. Itinuon ko ang pansin ko sa harap ng monitor at nagbukas ng kung anong files kahit wala naman talaga dito ang atensyon ko. Kumusta na kaya siya?

"Sana lang ay alam mo ang halaga ng taong pinakawalan mo." mayamaya ay sabi niya. Nang tingnan ko siya ay wala sa akin ang paningin niya at nasa tinitimpla niyang kape. Lumapit siya sa akin at ipinatong ito sa lamesa ko.

"Wala kang alam, Dianne." mariin kong sabi. Sa puntong ito ay ramdam ko na ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko nang dahil sa sinabi niya.

"Of course, wala akong alam." sabi niya habang nakataas sa ere ang dalawang kamay. "Hindi ko alam kung bakit iniwan mo si Renz nang walang pasabi tapos nasaktan ka. Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan mong maging kayo ni Kallum kahit hindi ka pa pala nakakapag move on talaga. Hindi ko alam, Seffie. Wala akong alam." mahaba niyang litanya na punong-puno ng pagiging sarkastiko.

Tinapunan ko lang siya nang masamang tingin. Pinipigilan na may lumabas sa bibig ko na ikasasakit niya.

"Nakalimutan mo na ba? You told me everything, Seff. I know what you've been through, that's why I know what's going on." at gusto kong pagsisihan na sinabi ko sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin, basang-basa kita."

"Fine! Edi ikaw na magaling. Ikaw na! Alam mo lahat eh, 'diba? Sige!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinayaan kong lumabas ang kanina ko pa tinitimping galit ko. "Eh ano naman ngayon kung alam mo? May magagawa ka ba, ha, Dianne?!" wala na akong pakialam kahit marinig pa kami ng mga katrabaho namin sa labas. Inumpisahan niya ako eh.

"Don't get me wrong." hindi ko alam pero parang bigla siyang kumalma pero hindi ako.

"Hindi eh. Ganiyan ka rin kay Cleah noon. Ginanyan mo rin siya noon."

"I just want you to make up your mind."

"Make up my mind of what, Dianne?"

"Of what you're losing." bumuntong hininga siya.

"Why?" sa galit ko ay napatayo ako sa pagkakaupo ko at naihampas ko ang mga kamay ko sa lamesa ko. Himalang hindi nabasag ang salamin nito. Naramdaman ko pa ang pagtapon ng kapeng inilagay niya rito. "Anong pakialam mo? Ano naman sa 'yo kung maghiwalay kami? Ano sa 'yo kung mawala sa akin si Kallum?" biglang kumawala ang mga luha na hindi ko alam kung dala ba ng sakit o ng galit.

Hindi nakasagot si Dianne. Nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya at nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya. "I'm sorry." sabi ko nang mahimasmasan ako. "Sorry, Dianne. Sorry." napaupo ako sa swivel chair kasabay nang mas pagbuhos ng luha ko. "I'm really sorry." paulit-ulit kong sabi sa kanya. "Hindi ko na alam. Wala na akong maintindan." pag-amin ko.

Hindi ko inasahang lalapitan niya ako para yakapin. "Shh. Tahan na. Okay lang. Naiintindihan ko." aniya habang hinihimas ang likod ko na mas lalong nagpahagulgol sa akin.

Napaka unprofessional mo, Joseffinah. Napaka selfish mo. Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Pakiramdam mo palagi ikaw lang ang nasasaktan. Puro na lang sakit mo. Paano naman ang sakit ng iba na dahil din sa 'yo?

Nang sunduin ako ni Choy ay halos wala akong kibo. Hindi ako makapaniwalang nagawa kong magwala sa opisina sa oras mismo ng trabaho.

"You okay?" tanong niya sa akin. Nasa byahe na kami ngayon pauwi.

"Yeah. Just tired." pagpapalusot ko.

"I see." nagulat ako nang lumiko ang sasakyan namin sa ibang direksyon. "I'll buy you a take-out for dinner. Anong gusto mo?" aniya habang abala sa pagmamaniobra ng manibela.

"Bakit?" tanong ko. Nagtataka ako dahil ngayon lang nangyaring magte-take-out siya. Palagi kasi siyang nagluluto.

"May pupuntahan kasi ako pagkahatid ko sa 'yo. Hindi ako sigurado kung makakapagluto ako dahil baka gabihin ako."

"Kay Kallum ba?" tanong ko. Wala naman kasi siyang ibang nilalakad eh.

"I think he needs me, Seff." hindi ko alam kung guni-guni ko lang bang makita ang lungkot sa mata niya at ang marinig ang tamlay sa boses niya.

"Ingat ka."

"Sorry, Seff." aniya.

"No. It's all fine. Hindi rin ako matatahimik kapag nalaman kong hindi maayos si Kallum."

"Thank you."

Hindi ko rin ata kakayanin kung patuloy siyang masasaktan ng dahil sa akin.

Pabagsak akong humiga sa kama ko. Parang pagulo nang pagulo ang buhay ko. Ano bang nangyayari sa akin? Sinubukan kong kalkalin sa utak ko kung kailan ako nag-umpisang mawalan nang direksyon sa buhay. Well, kung tama ang pagkakatanda ko, nagsimula lang naman ito noong nalaman ko ang totoo.

Calling... Cijz

Nanlaki ang mga mata ko. Parang biglang tinambol ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako naiiyak, kung dahil ba namimiss ko na siya, o dahil natatakot akong sabihin sa kanya na pumalpak na naman ang kaibigan niya.

"Hello?" awtomatikong pumatak ang luha ko nang marinig ko ang boses niya.

BEHIND HER WHYSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora