CHAPTER 46

2 0 0
                                    

CHAPTER 46 - AWAKENED HEART

"Siya lang pala ang kailangan para marealized mo eh." sabi sa akin ni Choy na tinutukoy si Renz at ang paulit-ulit kong pagsisi sa sarili ko at... at ang nararamdaman ko kay Kallum.

"I'm so stupid, you know." kanina pa kami nagkukwentuhan dito sa labas ng kwarto ni papa. Dahil walang bintana ay hindi namin namalayan na inabot na pala kami ng gabi. Iniwan na muna namin sila mama sa loob dahil ayokong marinig nila ang mga ikukwento ko kay Choy.

"Nope. You're just blinded by pain." aniya at nagdekwartro ng paa.

"Hindi ko alam kung paano makakabawi sa kanya."

Nginitian niya ako at tinapik ang ulo ko. "Tutulungan kita."

Hindi ko na rin naiwasang mapangiti. Napakaswerte ko talagang siya ang naging kapatid ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Calling... Tita Maggy

Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko. Si Kallum agad ang pumasok sa isip ko nang makita ko ang pangalan ng mommy niya sa screen ng cellphone ko.

"Hello, Tita Mags?"

"Se-seffie." basag ang boses niyang sinagot ako. "Si Zyld." aniya na halos hindi na makapagsalita dahil sa pag-iyak. Nanikip agad ang dibdib ko. Anong nangyari? "Naaksidente ang anak ko." nabitawan ko ang cellphone ko. Para itong bombang sumabog sa puso ko. Agad tumulo ang luha ko na siyang ikinataranta ni Choy.

"What happened?" tanong niya sa akin. "Seffie?!" inalog niya ang balikat ko nang hindi ako agad kumibo.

"S-si K-kallum..."

"What? Seffie you're scaring the hell out of me! Anong nangyari kay Kallum?!"

"Naaksidente raw." nabitawan ako ni Choy.

"Shit!" sinabunutan niya ang sarili niya at hindi mapakaling nagpauli-uli sa harapan ko.

"Saang ospital?" mayamaya ay tanong niya. Umiling ako. Hindi ko alam. Wala na akong alam.

Agad siyang umalis. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Gusto ko siyang sundan. Gusto kong sumama pero wala akong lakas. Nanghihina ang mga tuhod ko.

Kallum...

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nang tingnan ko ang cellphone ko, nasa linya pa si tita.

"Hello? Tita?" umiiyak kong tawag sa kanya.

"Seffie." grabe ang iyak niya na mas nagbibigay sa akin ng sakit.

"Nasaang ospital po kayo?"

"ManMed, Seffie."

Nandito lang din sila! "Papunta na po ako." agad akong tumayo matapos kong ibaba ang tawag. Hindi na ako nagpaalam kila mama dahil baka maapektuhan pa si papa kapag nalaman niya.

Dali-dali akong nagtungo sa emergency room. Takbo lakad ang ginawa ko para marating ito. Habol ang hininga kong naabutan ang pamilya ni Kallum at si Choy.

Agad akong niyakap ng mommy niya. "Seffie, ang anak ko."

Sobrang guilty ako. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit.

Sabay kaming umiyak habang iniintay na lumabas ang doctor mula sa loob. Bakit ba ganito? Hindi pa nga nakakalabas si papa ay ngayon naman, si Kallum? Bakit hindi na lang kaya ako?

Tulala akong umuwi kasama si mama. Nagpaiwan si Choy sa ospital kasama si Mommy. Alam na nila ang nangyari sa Kallum. Si papa na lang ang hindi pa.

Dahil hindi ako matahimik at mapakali ay sinabi ko kay mama ang nangyari. Syempre, nagulat siya pero sa huli, sinabi niyang wala akong kasalanan. Hindi ko na tuloy alam kung dapat ko pa bang paniwalaan iyon dahil hindi na biro ang mga nangyayari. Dalawang buhay na ang nalagay sa alanganin. Dalawang buhay ng taong mahal na mahal ko.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon