CHAPTER 34

3 0 0
                                    

CHAPTER 34 - RECONCILIATION

"Hindi ka nakatulog?" bungad na tanong sa akin ni Choy nang lumabas ako sa kwarto. Agad kong naamoy ang bango ng niluto niyang tocino.

Sinimangutan ko siya at napahawak sa ulo kong parang nakalutang. Wala pa ata sa tatlong oras ang tulog ko.

"Coffee?" tanong niya na hindi na rin naman hinintay ang sagot ko at dumiretso na sa kitchen bar para kalikutin ang mixer niya.

Naupo ako sa harap ng lamesa at dito pumikit nang may bigla akong maalala. "Choy?"

"Hmm?"

"Si mama?" tanong ko nang mapagtantong simula kagabi ay hindi ko pa siya nakikita.

"Hindi ko ba nasabi?" takang tanong niya na ngayon ay pabalik na sa akin dala ang kapeng ginawa niya. "Bumalik muna siya sa North. Kaya ako na-late sa pagsundo sa 'yo kahapon dahil ihinatid ko siya sa station." dire-diretso niyang paliwanag. "Akala ko tinext ka niya?" dagdag pa niya.

Oo nga pala. Nasaan ba ang cellphone ko? "Hindi ko pa nachecheck." pag-amin ko. Totoong nakalimutan kong may cellphone nga pala ako.

Tumayo ako at bumalik sa kwarto ko para kunin iyon sa bag ko. Ang dami ngang text! May mga tawag rin.

Isa-isa ko itong binasa habang pabalik sa kusina.

From: Mama

Darling ko, uuwi muna ako. Ikaw na muna ang bahala sa papa mo. I love you.

From: Sweetie

Sana nananaginip lang ako

Muli kong naalala ang pag-uusap namin ni Tita Maggy kagabi.

"Hays!" buntong hininga ko.

"What's wrong?" tanong ni Choy na kaharap ko na ngayon at inaayos ang mga kubyertos.

"Tita Maggy called last night."

"And?" naghahanap ng kasunod na salitang tanong niya.

"She wants me to talk to him."

"She already knew?" agad tumutok sa akin ang buong atensyon niya.

"Nope. Mukhang hindi pa."

"My God." bulalas niya. "Akala ko..."

Muli akong humugot ng hangin. "Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin, Choy." para akong bata na nagsusumbong sa kanya.

"Gusto mo bang samahan kita?" naiiyak akong tumingin sa kanya.

"Thank you." hindi ko na talaga alam kung paano pa siya pasasalamatan. Ang dami na niyang nagawa para sa akin.

"Alright. Go eat first." utos niya. "Susunduin kita mamaya at pupunta tayo kay dad. Pag-uwi, tsaka natin isipin ang tungkol kay Kallum. Ayos ba 'yon?" dagli akong tumango at sinunod ang sinabi niyang kumain na.

"Choy," tawag ko sa kanya na ngayon ay tutok na ang paningin sa daan.

"Ano 'yon?"

"Wala ka pa bang nagugustuhan?" halatang nagulat siya sa tanong ko pero agad din namang nakabawi mula sa pagtataka niya.

"Bakit mo natanong?" palipat-lipat sa akin at sa daan ang tingin niya.

"Naisip ko lang kasi, tumatanda ka na." bahagya akong natawa.

"Parang ikaw hindi ah?" pagbibiro niya.

"Excused ako. Kagagaling ko lang sa break-up." sabi ko na akala mo ay ikanalamang ko iyon sa kanya. Proud ka pa ha?

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now