CHAPTER 19

4 0 0
                                    

CHAPTER 19 - SETTING THE HEART FREE

"Sigurado ka bang dito ka muna titira?"

"Ayaw mo ba?" nakabusangot kong tanong sa kanya.

"Of course not. Baka lang mag-alala sila dad." gusto kong matawa sa sinabi niya.

"Paano mag-aalala 'yon eh puro kumpanya ang nasa isip niya?"

"Seffie." saway niya sa akin.

Nandito ako ngayon sa condo niya at pinapanood siyang ayusin ang isang kwarto kung saan ako matutulog.

"Fine. Hindi 'yon mag-aalala kasi kasama kita." totoo 'yon. Bukod kay Cleah ay wala na akong ibang taong nakilala na pinagkatiwalaan ni papa sa akin.

Napabuntong-hininga siya. "Okay fine. Always lock the door when I'm not around and make sure to check the peephole before opening it for someone."

"Okay." sabi ko habang naka okay sign ang isang kamay. "Palagi ka bang may bisita?"

"Nope."

"Eh bakit kung magpaalala ka, parang takot na takot kang may ibang pupunta?"

"I'm just being cautious, Seff. Mabuti sana kung ako lang. I can defend myself anytime. Paano kung ikaw lang? Who will you call when I'm out for work?" walang pasabi akong tumayo para yakapin siya. Napakaswerte ng magiging girlfriend nitong taong 'to, sigurado ako.

"Thank you, Choy. Thank you for everything." I know to myself that this time, I owe him a lot!

Ginulo niya ang buhok ko at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naalala ko si Renz. Pero hindi katulad noon ay hindi na ako masyadong nalulungkot ngayon. Unti-unti ko na sigurong natatanggap na hanggang doon lang ang kwento naming dalawa.

Dahil wala siyang pasok ngayon ay maghapon kaming magkasama. Pagkatapos nang pagtatalo namin ni papa ay nalaman kong pinabalik na niya si Choy sa trabaho nito.

"Labas tayo mamaya, gusto mo?" alok niya at hindi ko ikakaila na gusto ko ang ideyang iyon. Kung matutuloy kami mamaya ay ito pa lang ang unang pagkakataon na lalabas kami na walang kinalaman sa trabaho o kung anuman.

"Sure. I'll love that!"

"Great. Let's eat lunch first. Let's go get some fresh air later."

"Okay." nakangiti ko siyang pinanood sa paghahanda ng tanghalian namin. Hindi ko maiwasang maaliw sa kanya dahil para bang sanay na sanay na siya sa ginagawa. Nakasuot pa siya ng apron. "Sigurado ka bang Mass Comm graduate ka?" natatawang tanong ko habang nakapangalumbaba sa kitchen bar corner.

Tinaasan niya ako ng kilay na siyang nagpatawa sa akin. "Bakit, ano ba sa tingin mo?" napaka cute niyang tingnan kapag nagsusungit.

"Mukha ka kasing chef." sabi ko at pinaglaruan ang maliit na kutsilyong nakapatong sa chopping board.

"Mahiwa ka!" saway niya na tinawanan ko lang. Kahit kailan talaga ay napaka attentive niya. Ngayon pa lang ay nasisiguro kong babalatan ko talaga ng husto ang kung sinumang babaeng bibihag sa puso nito.

You deserve the best, Choy.

"Ang bango, ah! Masarap ba 'yan?" panunukso ko sa kanya nang ihain niya sa harap ko ang iniluto niyang Caldereta.

"Go figure it out on your own." buong pagmamalaki niyang sagot.

Tinapunan ko siya nang mapang-asar na tingin bago nagsalita. "Yabang!" at akalain mong talaga nga pa lang may ipagmamayabang ang loko?

Nakaabang siya sa akin at para bang hinihintay ang reaksyon ko.

Dahil gusto kong asarin siya ay inginiwi ko ang mukha ko. Kita ko ang pagkunot ng noo niya. "What?" tanong niya.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon