CHAPTER 26

3 0 0
                                    

CHAPTER 26 - COUPLE THINGS

Mula sa Laguna hanggang makarating sa parking ng condo ay hindi niya binitawan ang kamay ko. Maski sa pagkawak niya sa gear shift ay bitbit niya ang kamay ko. Buong byahe kaming tahimik pero alam kong tulad ko ay masaya siya.

"I still can't believe, Seffie." aniya nang patayin ang makina ng sasakyan. Nakaharap na siya sa akin ngayon habang hawak pa rin ang kaliwang kamay ko.

"Believe it. You're not dreaming." buong ngiti kong sagot sa kanya.

"Damn. I wanna kiss you!" bulong niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Wala namang kaso kung hahalikan niya ako pero hindi ko alam kung bakit hindi niya na lang gawin.

Pinisil niya ang kamay ko at bumaba na ng sasakyan. Pinanood ko lang siyang umikot sa gawi ko at pagbuksan ako. Nang makababa ako ay tsaka niya kinuha si Kaffie sa backseat. Magkahawak kamay kaming pumasok sa condo hanggang sa makarating kami sa tapat ng unit ni Choy.

Nang pagbuksan kami ng kapatid ko ay sinalubong ko siya nang matamis na ngiti.

"Glad you're home, my princess." aniya at yumakap sa akin.

Nang marinig ang tikhim ni Kallum ay tsaka pa lang siya kumalas at tiningnan ito.

"Umuwi ka na. Kung saan-saan mo tinatangay ang kapatid ko." pagsusungit na naman niya rito na alam kong normal na sa kanila at nakasanayan ko na rin.

"Excuse me?" mayabang namang sagot nito sa kanya. Naramdaman kong bahagya niyang iniangat ang kamay namin kaya nakuha nito ang atensyon ng kapatid ko.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya nang matapon ito sa magkahawak naming mga kamay. Napalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Kallum.

"Surprised?" mahihimigan ang pang-aasar nito sa kanya. "Aren't you gonna congratulate your future brother-in-law, Choyen?"

Gusto kong matawa sa itsura ni Choy. "Hindi ka ba masaya para sa amin?" mayamaya ay tanong ko.

"Of course not. It's not like that. I'm happy, Seffie. Believe me."

"Baka puwede na kaming pumasok? Nangangalay na ako rito eh." sabi ni Kallum habang hawak at inginunguso si Kaffie.

Doon pa lang nagbigay daan ang kapatid ko. Naunang pumasok si Kallum na talaga namang feel at home habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Naiwan namang nakatayo ang kapatid ko sa may pinto.

"What's going on?" nang makabalik ay tanong niya sa amin. "Are you guys official?"

Nakangiti lang akong tumango at pinanood ang reaksyon niya. Hindi ko alam kung bakit mas lamang ang nakikita kong pag-aalala sa kanya kaysa sa saya.

Napukol ang tingin niya sa kaibigan.

"What?" tanong nito na akala mo ay inosenteng inaakusahan.

"Don't you dare break my sister's heart or else, I'll break your face big time!"

"Ako pa ba?" mayabang na sagot naman nito. "Come on, bro. You know me, right? Sobrang loyal ko kaya."

Binato siya ni Choy ng unan. "Loyal your face. I know how much of a playboy you were since then."

Hindi na ako nagulat dito dahil halos na kwento na ni Kallum sa akin ang lahat. I know his past very well. Well, not unless he filtered and sugar coated it.

"Correction, before. Back then. Noon. Meaning, hindi na ngayon." may diin sa hindi na ngayon niya itong sinabi.

Natapos ang gabing walang paglagyan ang saya sa puso ko. Ayaw pa nga sana niyang umuwi pero ipinagtabuyan na siya ni Choy.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon