CHAPTER 49

1 0 0
                                    

CHAPTER 49 - NOW OR NEVER

Lumipas ang isang linggo pero hindi pa rin ako nakakadalaw kay Kallum. Hindi kasi ako makatiyempo na wala siyang bantay. Kung hindi si Tita Maggy ay palaging si Tito Marcus ang nandoon kaya mas lalong hindi ako makakadalaw sa kanya.

"Ano girl? Dadalaw ka ba?" tanong ni Dianne.

Nakalabas na si papa kahapon kaya nakapasok na rin kami ni Choy. Magkasama sila ngayon ni mama sa unit ni papa.

"Sana." tipid kong sagot. Hindi ko kasi alam kung may pupuntahan ang pagdalaw ko.

"Go girl. Fight for your love. You have my full support." aniya ay na fighting sign.

Bahagya akong natawa. "Fight for your love, huh?" sabi ko at binigyan siya nang makabuluhang tingin.

"Hay naku ha! Ayan ka na naman! Tigilan mo ako." angil niya sa akin na siyang ikinahagalpak ko. Napakadefensive talaga nitong isang ito.

"Siya, una na ako. Ingat pag-uwi."

Hindi na ako nagpasundo kay Choy ngayon dahil sa plano kong pagbisita kay Kallum. Paulit-ulit akong nagdarasal na sana ay makita ko na siya ngayon.

Sobrang miss na miss ko na siya.

Gabi-gabi ko siyang napapanaginipan. May mga pagkakataong pa ngang magigising akong umiiyak dahil parang totoo ang lahat. Na naaalala na niya ako at maayos na kami.

Tahimik kong tinahak ang daan patungong kwarto niya. Ang sabi ni Choy ay medyo maayos na raw ito kumpara noong nakaraang linggo pero hindi pa rin bumabalik ang alaala nito. Hay... Kallum.

"Seffie?"

"Kuya Rull!" para akong nabuhayan nang tawagin niya ako ngunit agad ding napatungo nang maalala ang ginawa ni Choy kay tito.

"I heard, nakalabas na raw si Tito Joseph. Kay Kazy ka ba pupunta ngayon?" gusto kong maiyak sa paraan ng pagkausap niya sa akin. Mahinahon, malambing, at mainit. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Opo sana. Kung papayagan mo ako."

"Oo naman. Bakit naman hindi?" naramdaman ko ang pagtakas ng luha ko. "Halika nga rito." aniya at niyakap ako.

"Akala ko, galit ka na rin sa akin."

"Quit it. Naiintindihan kita. Huwag mo na lang pansinin muna sila dad. Nasaktan lang iyon, pero magiging maayos din ang lahat."

Thank God.

Sobra-sobrang galak ang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan si Kallum. Sayang lang at tulog siya. Hindi ko man lang maririnig ang boses niya.

"Buti dumalaw ka." sabi niya sa akin habang tutok pa rin ang paningin sa mahimbing niyang kapatid.

"At buti na lang, ikaw ang bantay niya kuya." natatawa kong usal.

"Bukas..." pinutol niya ang sasabihin. "We will go to the US." aniya. Laglag ang panga kong nilingon siya.

"Po?"

"Yes, Seffie. I think you deserve to know."

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Aalis sila? Bukas? Sa US?

"Para ipagamot si siya... at baka roon na rin siya magstay."

Oh my gosh! Talaga bang wala na?

Kinapa ko ang kahon sa bulsa ko. Maibibigay ko pa kaya ito?

MAHIGIT isang buwan na ang nakalilipas simula nang umalis sila. Pakiramdam ko ay may kulang na sa akin. Parang dinala niya ang bahagi ng puso ko sa pag-alis niya. Wala na akong naging balita sa kanila at maging si Choy ay alam kong nalungkot sa pag-alis nang matalik na kaibigan niya.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now