CHAPTER 2

13 0 0
                                    

CHAPTER 2 - BACK IN THE NORTH

"Seryoso ba, Cijz? Aalis ka talaga?" hindi makapaniwala kong tanong kay Cleah. She is my best buddy since high school at halos kalahati ng buhay ko ay kasama ko siya. I know most of the things about her at ganoon din siya sa akin. We are like sisters from another mother. Bigla kong naalala si Choy. Hindi ko na lang muna siguro ikukwento ang half brother ko sa kanya. Tingin ko kasi, mabigat rin ang problema niya.

Uminom muna siya sa kape niya bago sinagot ang tanong ko. "Yes. I'm serious, Seff. Kailangan ko 'to. Hindi na talaga makatulong sa akin ang environment dito." walang mababakas na pagbibiro sa mukha niya. Kita rin sa mga mata niya ang kawalang pag-asa. Well, hindi ko siya masisisi. Tao lang din naman siya, nagmahal, nasaktan, naligaw, and for her to be able to heal from the pain in the past, siguro kailangan niya nga talagang lumayo muna.

Mabigat ang loob kong tumango-tango. "So, saan ka pupunta? Huwag mong sabihing mangingibang bansa ka, Cleapatrah! Ang layo no'n! Hindi kita basta-basta masusundan doon!" pagmamaktol ko na siyang nagpatawa sa kanya.

"Sira. Para kang baliw. Haha. Sa Quezon lang." kahit nakangiti ay alam kong malungkot pa rin siya.

"Quezon, like Quezon City?" paglilinaw ko.

"Nope. Quezon Province." pagtatama niya naman sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Ang layo!

"Bakit do'n!" bulalas ko at halos umalingawngaw ang boses ko rito sa buong coffee shop kaya napatakip ako sa bibig ko at natawa.

"Ang OA, Joseffinah?" sita naman niya sa akin kaya mas natawa ako. Ganito kami. Kaya gustong-gusto ko ang company niya ay kaya naming maging masaya sa gitna ng mga problema. Iyong natural, iyong hindi napipilitan. Madalas, masaya na kaming magkasama at nagkakape. Hindi namin kailangang magpunta sa kung saan-saang lugar para lang maging masaya. Sapat na sa amin ang isa't-isa. Shocks. Baka kami ang magkatuluyan nito ah?

"Sorry. Haha! Anyways, kailan ang alis mo?" tanong ko na umaasang matatagalan pa para naman makatakas rin ako sa pag-iisip tungkol sa amin ni Choy. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang may kapatid ako.

"Bukas." normal na sagot niya na para bang sa palengke lang ang punta niya.

"Ano?!" bulalas kong muli sa pangalawang pagkakataon. Napatingin ako sa mga tao sa ibang lamesa at hindi na ako nagulat nang makitang nasa akin rin ang paningin nila. "Sorry po." sabi ko sa kanila nang may alanganing ngiti.

"Hindi kita kilala." pagbibiro niya habang tatawa-tawang humihigop sa kape niya.

Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa habang tumatawa. Iniisip siguro ng mga taong kasama namin na nababaliw na ko dahil paiba-iba ang mood ko. Sorry naman po. Kapag talaga kasama ko ang isang 'to ay kaya kong maging ako. Literal na may sarili kaming mundo. "Hindi nga? Seryoso?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kahit hindi siya mukhang nagbibiro.

Tinanguan niya lang ako. "Bakit hindi mo agad sinabi?" pagrereklamo ko.

"I texted you about it weeks ago, remember?" sa pagkakataong ito ay nginangata na niya ang nachos niya. Oo nga pala. Nagtext siya noong mismong araw na papunta kami sa Maynila.

Sinimangutan ko siya dahil totoo talagang bukas na ang alis niya. Bago pa man ako makapagmaktol uli ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinenyasan ko siya na sasagutin ito. Pagtingin ko sa screen ay unregistered number ang tumatawag. Sino naman kaya 'to?

"Hello?" walang ganang sagot ko.

"Seffie?" lalaki! Hindi ko kilala ang boses na 'to pero kilala niya ako kaya baka kilala ko rin siya.

"Yes, speaking. Who is this?" hindi na lang kasi agad magpakilala eh. Napansin ni Cleah ang pagkairita ko kaya binigyan niya ako nang nagtatanong na tingin. Sinenyasan ko siya ng "ewan ko".

BEHIND HER WHYSOnde histórias criam vida. Descubra agora