CHAPTER 38

2 0 0
                                    

CHAPTER 38 - DO'S AND DON'TS

"Good morning." bungad ni Kallum nang pagbuksan siya ni Choy ng pinto.

Gulat niya akong nilingon pero binigyan ko lang siya ng inosenteng tingin. Wala akong alam.

"What?" tanong niya sa kaibigan.

"Grabe naman, bro. Bawal na ba akong pumunta rito?" naiinis siyang pinatuloy nito.

"Hi sweetie." bati niya naman sa akin. Gusto kong lumubog na lang ng dahil sa itinawag niyang iyon..

"Hello." shoots! Ang awkward.

"Why are you here this early?" seryosong tanong ni Choy.

"Ihahatid ko si Seff." nagulat ako roon. Wala naman kaming usapan.

"No." mariing tanggi ni Choy. Ang totoo ay nakabihis na kaming dalawa at paalis na talaga.

"Why not?" maangas naman niyang tanong.

"Ako ang maghahatid sa kapatid ko."

"Ang damot mo." pagmamaktol nito.

"Anong akala mo sa kanya, laruan na puwedeng pagpasa-pasahan?" seryoso talaga siya. Naalala ko tuloy iyong sinabi niyang hindi niya gusto ang sinabi ni Kallum sa akin.

"Bro naman."

Tinawag ako ni Choy at lumabas na siya. Naiwan kami ni Kallum pero agad din akong kumilos at sumunod sa kanya. Ganoon din ang ginawa ni Kallum at bumuntot sa akin. Para kaming linya ng tren na nakahilerang naglalakad sa hallway. Si Choy, ako, at siya.

Gusto kong matawa sa bilis nang paglalakad ni Choy. Hindi ko alam kung galit ba siya o natatae na. Hahaha!

Nang makarating kami sa parking ay nakabuntot pa rin si Kallum.

"Get in the car, Seff." utos niya. Hindi ko alam kung kikilos ba ako o hindi.

"Why are you doing this to me, Choyen Azher?" aburidong tanong niya sa kapatid ko. Ang aga-aga ay sira na agad ang araw niya. Sorry, Kallum.

"Get in, Seffie." pag-uulit niya. Hindi ko alam pero parang nakakatakot siya ngayon. Kahit gusto kong pagbigyan si Kallum ay sinunod ko si Choy.

"She's not comfortable. Can't you see that?" narinig ko pang sabi niya rito bago ko isara ang pinto.

Pinanood ko silang magtalo sa labas ng sasakyan hanggang sa tuluyan nang sumuko si Kallum. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. Shoots! Nasaktan ko na naman siya.

"I'll pick you up later, wait for me inside. Okay?" sabi ni Choy nang makapasok at binuksan na ang manika ng sasakyan.

Hindi ako kumibo. Tutok ang mata ko kay Kallum hanggang sa malampasan namin siya. Nakukonsensya ako. Hays.

"Don't worry about him." sabi niya. Kaya ko ba 'yon?

Mabilis kaming nakarating sa SMI. "Don't skip your meals, okay?" paalala niya bago ako tuluyang bumaba.

Nang makapasok ako sa loob ay saktong dating din ni Dianne. Matalim na paningin ang ibinati niya sa akin na pinagtakhan ko pa ng ilang sandali bago maalala ang kalokohang ginawa ko sa kanya kahapon.

Sinalubong ko siya at binigyan nang mapanuksong ngiti. "Kumusta ang tulog?" tanong ko.

Pero natawa ako sa isinagot niya. "Tigilan mo ako. Ang aga-aga Joseffinah." hahahaha! Pikon.

Nagmartsa siya papuntang floor namin at iniwan ako. Tatawa-tawa ako sa sarili kong sumunod sa kanya. Hindi ko maiwasang isipin kung paano kaya kapag naging sila ng kapatid ko? Inisa-isa ko sa isip ko ang pagkakapareho nila.

BEHIND HER WHYSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora