THE WAIT IS OVER - ENDING

9 1 1
                                    

THE WAIT IS OVER - ENDING

Hanggang ngayon ay para pa rin akong nananaginip. Isang linggo na ang nakalilipas simula noong umuwi akong Pilipinas dala ang matamis kong ngiti at ang masigla ko na uling puso. Hindi ako makapaniwalang bago pa ako sumunod sa Amerika ay maayos na si Kallum at naaalala na niya ako at ang iba pang mga alaala niya isang taon bago ang aksidente. Hindi niya nakalimutan ang lahat ng tungkol sa kanya, iyon lang mga bagong alaala at napakamalas kong kasama ako roon. Sinadya pala nilang palabasin na hindi niya pa rin ako kilala at ang matindi pa roon, alam na rin ng buo kong pamilya. Hindi nila sinabi dahil iyon ang pakiusap ni Kallum.

"Sweetie." aniya at niyakap ako mula sa likod. Nandito kami ngayon sa rooftop ng condo. Nauna akong umakyat at hinintay siya habang nakatayo at nakatanaw sa kalangitan. Kasabay ko silang umuwi, sila ng buong pamilya niya. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat pero hindi na galit sa akin si Tito Marcus at nakasuporta na uli siya sa relasyon naming dalawa.

"Yes, sweetie?" tanong ko at humarap sa kanya. Hindi ako kumalas sa yakap niya kaya halos pulgada na lang ang pagitan namin sa isa't-isa. Tiningnan ko siya sa mga mata. Nakakalunod ang lamlam nito. Ibinaba ko ang paningin ko sa ilong niya. Nakatutusok siguro ang tangos nito. Hanggang sa pinagpahinga ko ang mata ko sa mapupulang labi niya. Ano kayang pakiramdam na madampian nito?

Naramdaman ko na lang ang sarili kong dahan-dahang lumalapit sa kanya kasabay nang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Sobrang namiss ko siya.

Akmang ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla siyang lumayo. Dismayado akong lumayo katulad ng ginawa niya.

Nginitian niya ako at hinawakan ang mga palad ko. Hinila niya ako paupo sa bakanteng couch. Nakasimangot akong sumunod at dahil medyo madilim ay hindi niya siguro kita ang mukha ko.

May kinuha siya sa bulsa niya at iniabot sa akin. Nagulat ako nang makita ang kapares ng kwista na suot ko! Ito iyong bigay ni mama. Ibinigay ko ito kay Kuya Rull bago sila magtungong Amerika at nakiusap na ibigay niya ito kay Kallum. Bakit niya ito ibinabalik sa akin ngayon?

"Bakit?" takang tanong ko. Mas nadadagdagan tuloy ang tampo ko sa kanya ngayon.

"Gusto kong ikaw ang magsuot sa akin." malambing niyang sabi. Napangiti ako. Okay. Nabawasan na ang tampo ko. Pero nagtatampo pa rin ako!

Kinuha ko ito at ikinabit ko sa kanya. Nang matapos ako sa ginagawa ay muling napako ang mga mata ko sa mapupulang labi niya. Ewan ko ba. May kung ano sa mga ito na talagang nag-uudyok sa akin na dampian na ito. Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukang kong ilapit ang mukha ko sa kanya at sa pangalawang pagkakataon din ay nabigo na naman ako! Bakit ba lumalayo ka?

Pabagsak kong isinandal ang katawan ko sa sofa. Naiinis ako sa kanya! Bakit ganoon? Simula nang maging kami ay never niya pa akong... argh! Never mind!

"Lumalamig na. Balik na tayo?" tanong niya.

"Okay." malamig kong sagot. Baka nahihiya lang. Sabi ko sa sarili ko.

"I love you, sweetie." sabi niya nang maihatid ako sa unit.

"Ingat, bro." sabi sa kanya ni Choy.

Hinalikan niya ako sa noo bago tuluyan nang umalis. Hays!

Magdamag ata akong hindi nakatulog. Sobrang disappointed ako kagabi at hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako.

"You okay?" tanong ni Choy na nasa harapan ko na dala ang tinimpla niyang kape.

"Yeah."

"Eh bakit para kang may dalaw?" kunot-noo niyang tanong sa akin.

"Did you guys kiss?" nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon