CHAPTER 23

2 1 0
                                    

CHAPTER 23 - DATING PHASE

"Good morning." bati sa akin ni Choy na katulad ko ay nakabihis na rin.

Unang araw ko ngayon sa trabaho at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na excited.

"Good morning." sagot ko sa kanya na inilalagay na ang mga niluto niyang almusal sa lamesa. "Ang bango, ah." papuri ko sa ginawa niyang pesto pasta.

"Kumain ka nang marami." aniya. "First day mo ngayon, hindi puwedeng walang laman 'yang tiyan mo at baka mabigla ka sa trabaho."

"Opo, sir." pagbibiro ko at tinulungan siyang maglagay ng plato at mga kubyertos.

"About what you said last night." pagsisimula niya. Alam kong ang tinutukoy niya ay iyong tungkol sa pagpayag ko na ligawan ako ni Kallum. "Are you sure about it?"

Humugot ako nang malalim na hininga tsaka ngumiti at nagsalita. "Well, Kallum is not a bad guy after all." kumuha ako ng pasta at inilagay ito sa plato ko. Ganoon din ang ginawa niya at nilagyan ng toasted bread ang sa akin bago sa plato niya. "So, I wanna give it a try. I mean, give him a chance."

"If you're thinking that you owe him something because he saved you yesterday that's why you're letting him court you," pinutol niya ang sasabihin at matamang tumingin sa akin. "Seffie, you don't have to."

Mariin akong umiling. "No, Choy. It's not because of that." puno nang paniniguro ko siyang nginitian. Ngayon ko lang naisipang ikwento sa kanya ang pagdamay sa akin ng kaibigan niya noong nasa Quezon pa ako at base sa itsura niya ay alam kong nagulat siya.

"That jerk. He really came that far?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.

"I think he's sincere so..."

"Argh. You guys are making my head aching." reklamo niya kaya natawa ako.

"Bakit naman?"

"Do you really have to make this hard for me?"

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong habang patuloy pa rin sa pagtawa dahil sa itsura niyang kunot ang noo. Katulad ng kay papa.

"Nevermind." usal niya at itinuon na ang buon atensyon sa pagkain. "Finish your food. I'll drive you."

"No need." pagtutol ko.

"And why?" binigyan niya ako nang may pagbabantang tingin. "Gusto mong maulit ang nangyari sa 'yo kahapon Joseffinah?" oh! That's my not so oldy name.

"Of course not." depensa ko. "Come on, Choy. Don't be mad." iniiwas niya ang tingin sa akin at ipinukol ito sa pagkain. Hindi ko alam kung paano babawasan ang pagiging protective niya na mas tumindi ata ngayon ng dahil sa nangyari kahapon.

Mayamaya ay may biglang kumatok. Nagkatinginan kami. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya.

Nang tumayo siya ay agad sumunod ang paningin ko sa kanya at nakitang sinilip niya ang peephole. Kahit nakatalikod siya ay hindi ko maiwasang maimagine ang itsura niya.

"What brought you here this early, huh?" napakasungit talaga.

"Tinatanong pa ba 'yan?" nakangising sagot nito at nilampasan ang kapatid ko kaya naiwan siyang nakatayo sa harap ng pinto.

Agad isinara ni Choy ang pintuan at sumunod sa kanya.

"Good morning, gorgeous." baling niya sa akin na siyang nagpangiti sa akin.

"Hi." tipid kong sagot habang puno nang pagtataka ang mababasa sa mukha ng kapatid ko.

"Napakaaga mong mambulabog, Kallum Zyld."

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now