CHAPTER 20

3 0 0
                                    

CHAPTER 20 - FACING REALITY

"Hi guys. Kumusta? Ready na ba kayo for today's episode? Naisip ko lang gawan ng content dahil ako mismo, nag struggle dito. How to know when to stop?" kailan nga ba, Cijz?

Siguro kapag naramdaman mo na?

"Madalas nating itanong kung worth it ba pang ilaban at ituloy ang isang bagay, pero kailan nga ba natin malalaman kung dapat na natin itong sukuan?"

Matagal rin akong hindi nakapakinig sa podcast ni Cijz at ngayon lang nagkaroon ng oras kaya ito ako, ninanamnam ang bawat tanong niya.

"Para sa akin, masasabi mong pwede ka nang sumuko kapag alam mo sa sarili mong nagawa mo na ang lahat. Halimbawa, sa isang bagay na pilit mong inaabot pero paulit-ulit ka ring nabibigo. Nagawa mo na ang lahat pero hindi pa rin naging sapat. Mag-isip ka na. Baka may ibang inilaan sa 'yo ang Diyos."

Baka may ibang inilaan para sa akin. Hmmm.

"Sa tao. Sabihin na nating minamahal. Siguro masasabi kong dapat ka nang sumuko kapag ikaw na lang mag-isa ang lumalaban. Syempre ang toxic naman sa both sides kung ayaw na ng isa, pero sisige ka pa 'diba? Like nakakaawa sa part mo in a way na nakakasakal sa part niya. Huwag nating ipilit guys kung ayaw na talaga. After all, naniniwala ako na kung talagang para sa 'yo, kusang gagawa ng paraan ang mundo para pagtagpuin pa rin kayo sa dulo."

Tama si Cleah. Kung talagang para sa akin, para sa akin. Pero hindi na ako umaasa, Renz. Ayoko ng guluhin at pahirapan ka pa.

"Guys, sabi nga nila, hindi kahinaan ang pagsuko. Minsan kailangan nating bitawan ang isang tao o bagay dahil may mas magandang ibibigay. Kailangan din nating maunawaan na hindi lahat nang inilalaban, kalaban-laban. Na hindi lahat ng pilit nating hinahawakan, sa atin talaga nakalaan. If it's no longer healthy, let go. Mental health is a real thing, guys."

Sabagay, ano naman nga bang laban mo kung mismong mundo na ang humahadlang sa inyo?

"Minsan siguro, kailangan nating tanggapin na may mga bagay na dadaan lang pero hindi mananatili. Na hindi lahat ng gusto natin, laging puwede."

Sa lahat nang dumaan, ikaw ang paborito ko, Renz.

"After all, everything will fall into its place. In time. Little by little. Just put all your trust in Him. Oh, paano? Until my next episode. Feeling lost? I always got your back! Thank you for streaming!"

In time, Seffie. In time.

Mula rito sa kwarto ko ay narinig ko ang pagbukas ng main door. Mukhang nandito na si Choy galing sa trabaho.

Pinatay at isinara ko ang laptop ko at lumabas para salubungin at kumustahin siya pero...

"Mamaaaaa!" bulalas ko nang makita kong hindi si Choy ang dumating.

"Oh, heaven on earth!" aniya na mukhang nagulat rin sa presensya ko.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok, ha?" takang tanong ko habang yakap-yakap ang sarili ko na akala mo ay may masamang binabalak ang lalaking ngayon ay kaharap ko.

"I forgot that you are staying here." sabi niya at dumiretso sa sala. Pabagsak siyang umupo roon at humilata. I forgot? So he knew?

Bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin noon.

"I will let you go on your way now, but remember that starting today, I'll be watching over you."

Agad kong tinipa ang cellphone ko at ilang sandali lang ay kausap ko na sa video call si Choy

"Choy!" bungad ko.

"What's wrong?" tanong niya nang mahimigan ang pagkairita sa boses ko at ang hindi maipinta kong mukha. "Seffie?"

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now