CHAPTER 36

4 0 0
                                    

CHAPTER 36 - SECRET FROM THE PAST

"Mom." salubong niya kay Tita Criselda nang makarating kami sa bahay nila.

Pinatuloy niya kami at ipinaghanda ng makakain. Sandali akong iniwan ni Choy at pumunta sa kwarto niya dahil may mga kailangan daw siyang files at libro.

"Kumusta na, anak?" bigla kong namiss si mama nang tawagin niya akong anak.

"Okay naman po, tita." nakita ko ang pagsimangot niya.

"You're still calling me tita." parang batang nagtatampo niyang sabi.

Agad kong binawi ang sinabi ko. "Mommy. Okay lang naman po, mommy." hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya. Mabait naman siya pero hindi ko talaga maintindihan.

"Masaya akong magkasundong-magkasundo kayo ni Choyen." sinalinan niya ang baso ko. "Alam mo bang matagal ka na niyang gustong makilala at makasama?" sa kauna-unahang pagkakataon ay bigla akong nagkainteres sa mga sinasabi niya. "Sabik kasi 'yan sa kapatid."

Kaya pala ganoon niya na lang ako asikasuhin at pakisamahan.

"Wala kasi kaming ibang kamag-anak dito sa Maynila."

"Nasaan po sila?" tanong ko. Ngayon ko lang napagtanto na wala pa akong masyadong alam tungkol sa kapatid ko. Sa sobrang tutok ko sa sarili kong buhay ay ni hindi ko man lang naisip na kumustahin at tanungin siya.

"Nasa probinsya." nag-iwas siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa kanya. Lungkot at pangungulila.

Gusto ko sanang itanong kung saan pero hindi ko na nagawa dahil nagpatuloy siya sa pagkukwento niya. "Si Kallum lang ang naging pamilya niya buong pagkabata niya kaya malaki ang pasasalamat ko sa batang iyon."

"Wala po siyang ibang kaibigan?"

"Noong bata siya, wala. Hindi kasi niya napagdaanan ang normal na pagkabata."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Noong elementary kasi siya ay napagdesisyonan namin ng papa mo na i-home school siya." home school? So, sa bahay lang siya palagi? "Bago siya mag high school, doon niya nalaman ang tungkol sa 'yo. Sa inyo ng mama mo, at ang estado ng pamilya namin." natahimik ako. Hindi ko alam na mapupunta kami sa usapang ito. Naisip kong ang tagal naman ata ni Choy sa taas at hindi pa rin bumabalik. "Sobrang nag-alala kami noon dahil halos hindi na namin siya makausap. Nagkukulong lang siya sa kwarto niya buong araw." he did that? Nakaramdam ako ng awa sa kanya. "Alam naming sobra siyang nasaktan."

Hindi ako nakasagot. Sa isip isip ko ay tinatanong ko ang sarili ko kung ayos pa ba ako. Biglang bumalik ang lahat. Lahat ng tanong ko noon para kay papa. Kung bakit niya nagawa iyon at kung paano niya nakayang gawin iyon.

"Pasensya ka na." nagulat ako nang makitang umiiyak na siya. "Hindi ko alam kung nakapag-usap na kayo ng papa mo tungkol dito pero sa palagay ko ay kailangan mo na ring malaman ito." parang nanikip ang dibdib ko sa huling sinabi niya. Hindi pa ata ako handang pag-usapan ito.

My gosh. Masyado pang bugbog ang isip ko. Wala nga akong tulog eh. Huhuhu.

"Hindi namin sinasadya." pag-uumpisa niya. Sa mga oras na ito ay hinihiling kong sana ay bumalik na si Choy. "Noong gabing iyon, pareho kaming lasing." napapikit ako. Ayoko, ayokong marinig ang sasabihin niya. Pero wala akong magawa. Kahit ibuka ko ang bibig ko ay walang salitang lumalabas. "May asawa ako noon. Nasa probinsya siya." huh? May asawa siya?! Sandali lang. Lalong sumasakit ang ulo ko. "Kinailangan kong umalis pagkapanganak ko para matustusan ang anak namin dahil hindi kami mayaman." anak? Shoots! Literal na naninikip na talaga ang dibdib ko at humihigpit ang ulo ko.

"Anak? May iba pa po kayong anak?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mali ba ako nang pag-intindi? Baka dala lang ito ng puyat ko. Pero sa kung paano siya humagulgol ngayon ay mukhang tama ako.

Tumango siya bago muling nagsalita. "Sobrang laki ng kasalanan ko." aniya. Halos hindi na mabuo nang malinaw ang bawat salita. "Natanggal ako sa trabaho ng gabing iyon. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa asawa ko ang nangyari. Gustong-gusto ko siyang tawagan pero ni singkong duling ay wala ako. Wala akong ibang gustong gawin noon kung hindi ang makita siya. Sobrang nangungulila ako sa kanya. Gusto ko ang yakap niya, ang presensya niya pero wala. Malayo kami sa isa't-isa."

Hindi ko alam kung ano ang mas lamang sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o magagalit. Alam kong hindi pa tapos ang kwento niya pero nasasaktan ako para sa anak niya. Tatlo pala kaming naagrabyado sa ginawa nila.

"Doon ako nakita ng papa mo. Muntik na niya akong masagasaan dahil naglalakad ako na wala sa sarili." mas lalo siyang umiyak pero hindi ko pa rin maintindihan. Paano? Paano umabot sa ganoon ang nangyari? "Tinanong niya ako kung nasaktan ako at kung anong kailangan ko." pagpapatuloy niya na halos hindi ko na marinig dahil parang mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko sa boses niya. Alam kong malapit na. Malapit na kami sa katotohanan. "Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hiniling ko sa kanyang dalhin ako sa bar. Ang sabi ko sa kanya ay gusto kong maglasing. Iyon lang ang tanging naisip kong paraan para maibsan ang lahat ng nararamdaman ko. Frustrations, longing, sadness. Lahat!"

Ikinulong niya ang mukha sa dalawang palad niya. Wala sa sariling inabot ko ang bakanteng baso at sinalinan ito ng tubig para iabot sa kanya. Hindi ko alam kung nakakahinga pa ba siya pero parang ako ata ang aatakihin sa mga sinasabi niya. Choy, nasaan ka na ba?

"Ang akala ko ay iiwan na ako ng papa mo noon." nagpatuloy ulit siya. Hindi ko na talaga kayang makinig.

"Tama na po." gulat akong napapikit nang lumabas iyon sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Nasasaktan ako. Malalaman ko na ang totoo pero ito ako, iniiwasan ko na naman.

"Seffie..." hinawakan niya ang kamay ko. "Patawarin mo kami." mahigpit at mainit na pagkakahawak. Hindi ako nakasagot. "Sinabayan niya ako sa pag-inom... hanggang sa... hanggang sa pareho kaming malango sa alak." dahan-dahan kong binawi ang kamay ko sa kanya. Sobrang sakit. Gusto ko ng umalis. Gusto ko ng tumakbo palayo. Ayoko ng marinig ang sasabihin niya. Masyado ng masakit. "Patawarin mo kami... patawarin mo ako, Seffie." paulit-ulit niya itong sinasabi pero paulit-ulit rin ang pag-iling ko. "Maniwala ka sa akin. Buong gabi na kasama ko ang papa mo ay ang asawa ko ang nakikita ko." what?. I cannot take this anymore. This is too much.

Walang pasabi akong tumayo. "Sa kotse ko na po hihintayin si Choy." sinikap kong buuhin ang basag kong boses at tumakbo na palabas. Akala ko ay madadapa pa ako dahil sa nanghihina kong mga tuhod.

Wow. Just wow!

Hindi ko alam kung paano isisiksik ang lahat ng nalaman ko sa utak ko. Para akong hihimatayin sa bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko ng umuwi.

Lumabas ako sa main road at pumara ng taxi. Hindi ko na kayang hintayin pa si Choy at manatili sa lugar na iyon. At lalong hindi ko ata kayang harapin at makita si papa ngayon. Hindi ko maatim ang mga nalaman ko.

May asawa siya, may anak. Iniwan niya sanggol pa lang. Okay, sige, nagkamali siya, sila ni papa. Pero bakit hindi na niya binalikan??????? Bakit??????

Para akong tangang umiiyak dito sa loob ng taxi. Daig ko pa ata ang nakipagbreak. Mas malala pa 'to sa break-up namin ni Kallum. Hindi ko talaga kaya. Naisip ko si Choy.

Alam na kaya niya? Alam niya kayang may kapatid pa siyang iba? Na may naunang pamilya ang mama niya? Wala siyang nabanggit sa akin. Shocks! Ang gulo-gulo na!

Siguradong hahanapin ako ni Choy pag balik niya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe.

To: Choyen

Nasa bahay na ako, Choy. Sorry. Sumakit bigla ang ulo ko. Wala nga pala akong tulog. Ikaw na lang muna ang bahala kay papa.

Kahit imposibleng hindi niya malaman ang nangyari ay hinayaan ko na. Ayoko nang mag-isip. Gusto ko na lang magpahinga. Gusto ko na lang munang huminga, pero walang tigil ang isip ko. Ang sipag ko naman ata mag-isip ngayon?

Ano pa ba? Ano pa kayang hindi ko alam? Hindi namin alam? Ano pa? Ano pang sikreto ng mga pamilya namin ang lalabas? Hindi ko matanggap. Sobrang nasasaktan ako para kay Choy. Hindi niya deserve 'yon. Sobrang buti niyang tao pero bakit?

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon