CHAPTER 35

5 0 0
                                    

CHAPTER 35 - THAT KIND OF LOVE

Sinalubong kami ni Tita Maggy nang ihatid namin si Kallum. Ginamit namin ang sasakyan niya na si Choy ay nagmaneho. Ang sabi niya, babalikan na lang namin sa bar ang sasakyan niya.

"Honey, you're drunk again?" tanong ng mama niya. "Ano bang problema anak?"

"I'm sorry, mom." sabi niya rito at yumakap. "I will fix myself from now on." aniya at tumawa. Natapon ang paningin niya sa akin kaya nakuha nito ang atensyon ng mama niya.

"Thank you, Seffie and Choy." ngumiti lang ako at hindi nakasagot. Kung alam mo lang, tita. Mariin akong pumikit para iwaski ang nagbabadya na namang mga luha. Gusto ko ng sabihin ang totoo.

"No problem, tita." si Choy ang sumagot. "We'll go ahead na rin po."

"Kumain na ba kayo? Dito na kayo mag dinner." suhestiyon niya na siyang nakapagpabalisa sa akin. Hindi ako komportableng manatili pa rito.

"We're good, tita. Thank you. Medyo late na rin po kasi." nakita kong nalungkot siya sa sinabi ng kapatid ko habang labis-labis naman ang pasasalamat kong tinanggihan niya ito.

"Sayang naman."

"Babawi po kami. I just have to attend something pa po kasi with Seff. So if you please..." nilambingan niya ang boses niya na sa palagay ko ay sinadya niya para hindi na magpilit pa si tita and viola! Ang galing niya.

"Oh sure. You go now. Mag-ingat kayong dalawa ha? See you soon." nakahinga ako nang maluwag.

Napunta ang paningin ko kay Kallum na ngayon ay nakatulog na sa sofa habang kausap kami ng mommy niya. Hay. Please be fine, Kallum.

Sa wakas ay nakalabas rin kami sa village nila. Para akong pagod na pagod at tinakasan ng enerhiya sa maghapon ko.

"Anong napag-usapan niyo?" mayamaya ay tanong ni Choy nang makarating sa bar at makasakay sa kotse niya.

"Hindi na raw niya ako pipiliting makipagbalikan sa kanya." sagot ko.

"Pero?" kahit pagod na at tutok ang mata ko sa labas ng sasakyan ay napalingon ako sa kanya.

"Ha?"

"Come on. I know that jerk." aniya. "Matigas ang ulo no'n kaya imposibleng sumuko 'yon nang ganoon na lang." napabuntong hininga ako. Ano pa bang sense na itago ko sa kanya ang totoo.

"Hayaan ko raw siyang ipakita ang pagmamahal niya sa akin."

"Damn!" bulalas niya na tutok ang mata sa daan. "At pumayag ka, right?" nilingon niya ako. Wala sa sariling tumango ako. Parang nanikip ang dibdib. Mukhang mapapagalitan niya ako. Mukhang nagkamali na naman ako.

Tumango ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. "I'm sorry. Mali na naman ba?" tanong ko. "Hindi ko na kasi alam eh." pinahid ko ang pumatak na luha pero parang nasirang gripo na naman ang mga mata ko. Tuloy-tuloy ito, walang patid. Naisip kong kailan kaya ito mauubos dahil parang naging hobby ko na ang umiyak.

Naramdaman kong itinigil niya ang sasakyan. Hindi ko alam kung nasa condo na ba kami o sadyang tumabi lang sa daan. "No. I'm sorry, I made you cry." sabi niya at dinaluhan ako.

"Hirap na hirap na ako, Choy." pag-amin ko at napahagulgol na sa balikat niya.

"Damn. I know." sabi niya habang patuloy ang paghimas sa likod ko. "I'm sorry I can't do anything about it yet." bahagya niya akong inilayo at hinarap. "It's not that you've made a wrong decision." malumanay niyang sabi na para bang gusto itong ipaintindi sa akin. "I'm just worried that it will be hard for you again."

"Kay Kallum ba hindi?" umiiyak ko pa ring sabi.

"For the both of you. But you see, Seff. What he wants is in favor of him."

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now