CHAPTER 45

1 0 0
                                    

CHAPTER 45 - FORGIVING

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Kung paano kami nagsimula ni Kallum at kung ano siya sa buhay ng kapatid kong si Choy. Pati ang pagkaospital ni papa at ang katotohanan na ako ang dahilan kung bakit inatake na naman siya.

"Kasalanan ko lahat Renz." sabi ko. "Nasaktan kita, ang boyfriend ko, at ang kapatid ko. Ngayon naman, si papa." muli akong humagulgol. Naubos ko na ata ang lahat ng tissue namin. Gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit hindi ako mahilig magdala ng sariling panyo.

Muli niya akong dinaluhan. "Seffie. I really don't know what to say." pag-amin niya. "Nalulungkot akong malaman na ako ang dahilan nang paghihiwalay niyo, pero Seff, gusto kong malaman mong hindi mo kasalanan."

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "Are you kidding me?" pineke ko ang tawa ko at bahagyang lumayo sa kanya. "It's not helping, though."

Para siyang tangang pabalik-balik sa pwesto niya at sa akin para aluin ako tuwing iiyak at babalik uli sa pwesto niya kapag medyo kalma na ako.

Bumuntong hininga siya. Kung kanina ay nakakatawa pa siya, ngayon hindi na. Seryoso na ang mukha niya. "Listen, Seffie." hindi ko alam kung dapat na ba akong umuwi dahil parang nakakatakot siyang magseryoso. "It's not your fault, okay? Bakit? Kasi hindi mo naman ginusto eh. Tingnan mo nga oh, pareho tayong nagulat sa mga nalaman natin sa isa't-isa." aniya. "Look, everything happens for a reason. Naniniwala ako roon. Siguro, it really is meant to happen. Baka hinayaan talaga ng Diyos mangyari ito kasi may kailangan kang ayusin sa sarili mo, sa pamilya mo." hindi ko siya maintindihan. "Come to think of it, kung hindi nangyari sa atin iyon, hindi mo siguro masasabi ang lahat ng sama ng loob mo sa papa mo. Kung hindi ka nasaktan noong nalaman mo ang tungkol sa sulat ko, hindi ka magkakaroon ng dahilan para ilabas lahat sa kanya dahil hindi mo maiisip sisihin siya in the first place."

Natameme ako. Parang unti-unti na niya akong napapapaniwalang inosente nga ako. Hays. His words are so powerful.

"Kung hindi mo ako iniwan, baka nahirapan din akong pumunta rito sa Maynila para samahan si lola. Kasi nandun ka. Kasi hindi ko rin gustong iwanan ka. At kung hindi ka nawala, kung hindi ko inakalang may boyfriend ka na, baka hindi ako nakabangon sa sakit. Baka hindi ko napansin ang girlfriend ko ngayon. Hindi ko makikita iyong halaga niya kasi nakatingin pa ako sa halaga mo. Na mababalewala ko ang nasa harap ko na kakatingin sa malayo na at hindi ko na maaabot pa." napapikit ako. Hindi ko alam kung bakit alam ko namang sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko pero hindi ko maiwasang masaktan.

"Mahal na mahal mo siguro siya." wala sa sarili kong sabi.

"Seffie, totoo ang naramdaman ko sa 'yo noon. Siguro, sadyang hindi lang tayo ang inilaan ng Diyos para sa isa't-isa." mataman niya akong tiningnan sa mga mata. Bakit pakiramdam ko ay kinakaawaan niya ako? "Mahal ko si Grace. Kung meron mang magandang naging dulot sa akin ang sakit na naranasan ko sa 'yo, siguro iyon ay ang katotohanan na natuto akong magmahal habang nasasaktan. Nakita ko ang halaga ng pagmamahal. It is always worth the pain, Seffie." wala akong naisagot. Sa puntong ito ay malinaw na sa akin kung ano ang lugar ko sa kanya. "Mahal ko ang girlfriend ko, at umaasa akong matagpuan mo na rin ang pagmamahal na katulad ng pagmamahal mo sa mga tao sa paligid mo. Because you deserve it."

Sino pa ang magmamahal sa akin kung halos lahat sila, nasaktan ko na?

"Hindi mo kasalanan. Okay?" pag-uulit niya sa kaninang sinabi niya. "Oo, nasaktan mo ako. Pero hindi mo sinasadya iyon. Isa pa, may mali rin ako." bahagya pa siyang natawa na ipinagtaka ko. "Kung hindi ako natorpeng sabihin agad sa 'yo, hindi ka malilito. Hindi mo iisiping hindi kita gusto. Kung hindi ko pinakitunguan si Cleah ng katulad ng sa 'yo, kung naging sensitive ako sa posibleng isipin mo, hindi mo maiisip na baka siya ang gusto ko. You see, Seffie? It's not your fault. So don't blame it all on yourself."

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon