CHAPTER 25

3 0 0
                                    

CHAPTER 25 - SWEETEST YES

It's been six months of courting and I can say that Kallum is also a standard. He is a man of his words, yes. Someone who is willing to adjust and learn new things just to make his loved ones happy. In six months, I already met his foster parents as well as his older brother. I've learned so much about him. I discovered so many things that I could not imagine he had. He even asked my parent's permission even though it's a month late at himalang nakaubra siya kay papa. Ang sabi niya, gusto niya lang mabuild iyong foundation ng understanding naming dalawa bago dumiretso sa parents namin. In short, nililigawan niya rin si mama.

"Seffie, may scheduled meeting ka mamaya sa mga chief officers."

"Thanks, Dianne." ganito lang kami magtawagan kapag nandito sa loob ng office. Walang miss o kaya naman ay ma'am.

"Blooming tayo, ah. Mukhang in love na?" panunukso niya.

Sa loob ng anim na buwang lumipas ay siya ang nagsilbi kong sandalan. Hindi ko naman siya ipinalit kay Cleah, sabihin na lang natin na naging malapit kami sa isa't-isa at naging bukas ako sa kanya tungkol sa personal kong buhay. Noong nalaman nga ni Cleah na kasama ko si Dianne ay natuwa siya.

"Siguro nga." sagot ko.

"So you mean, over na? Finally?" nakangiti niyang tanong. Alam niya ang tungkol kay Renz. Hindi ako nakalampas sa pag-uusisa niya dahil sa hindi ko malamang dahilan, alam niyang gusto ko ito noon.

"Finally." sagot ko.

Hindi ko rin alam kung kailan nag-umpisa. Naramdaman ko na lang na gusto ko na siya at tingin ko, handa na akong subukan. Iniisip ko na lang ngayon kung paano ko sasabihin sa kanya na sinasagot ko na siya.

"I'm happy for you. I just hope na napag-isipan mong mabuti iyan."

"What do you mean?"

"Wala naman. Naisip ko lang na unfair sa part niya kung hindi ka pa over talaga."

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Pinakiramdaman ko ang puso ko.

"Ano ka ba, Dianne. Sigurado na ako. Huwag mo nang ipilit ang bagay na tapos na."

"Okay. Sabi mo, eh." sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay bilang pagsuko.

Pagpatak ng ala singko ay saktong nasa lobby na siya. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa pisngi ko nang makita siyang abala sa cellphone niya. Ang gwapo niya sa suot niya navy blue polo.

"Busy?" tanong ko na agad nakakuha sa atensyon niya.

"Hi. Kanina ka pa?"

"Nope. Just now."

"I see. Let's go?" binigyan ko lang siya ng isang makahulugang ngiti. Bahala na kung anong isipin niya. I want him to guess.

"Why?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot kaya naglakad na kami papuntang parking lot.

"Gusto kong pumunta sa Enchanted Kingdom." mayamaya ay sagot ko. Alam kong nagulat siya dahil sa itsura niya pero agad din namang nakabawi at nakolekta ang sarili niya.

"Right now?" tanong niya, sinisikap itago ang pagtataka sa mukha niya.

"Yes." sinadya kong lambingan ang pagkakasabi ko nito at halos gusto kong matawa sa naging itsura niya. Alam kong sa puntong ito ay naguguluhan na siya sa ikinikilos ko. Little patience, sweetie.

"Okay. I'll tell your brother." sabi niya. Hinayaan ko siyang magtipa sa cellphone niya. Wala pang alam si Choy. Kahit kay Cleah ay hindi ko pa nasasabi ang plano kong sagutin ngayon si Kallum pero sigurado akong matutuwa ang mga iyon.

BEHIND HER WHYSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin