CHAPTER 30

4 0 0
                                    

CHAPTER 30 - PAINFUL REVELATION

"Kallum." tawag ko sa kanya. Hindi ko na talaga matiis. Hindi ko na kayang itago.

"You're not yet over him, right?" gulat ko siyang tiningnan. Paano? "I saw you." pagsisimula niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "I saw you that night, Seffie." agad pumasok sa isip ko iyong gabing nagkita kami ni Renz sa MOA. "I saw how you looked at him." nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa bintana. Nandoon siya?

"I'm sorry, Kallum." ramdam ko na ang pagkabasag ng boses ko. "Let's end this." hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"No, Seffie." muli siyang napatingin sa akin. Shocks! His eyes. "Don't do this." kalmado niyang sabi ngunit rinig ang pagmamakaawa niya. Kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan. Kung gaano ko siya nasasaktan. Pero kahit ganoon ay kalmado siyang nakikipag-usap sa akin na para bang ingat na ingat na masigawan ako. Para bang isa akong babasaging bagay na hindi maaaring mabagsak o malaglag.

"I'm really sorry, but I have to. Kallum, please." hinampas niya ang manibela ng sasakyan niya at tumungo rito habang ginugulo ang sarili niyang buhok. Ngayon ko kang siya nakitang ganito kaaburido at aaminin kong nasasaktan din ako.

Ilang minuto na kaming nandito sa parking lot ng condo ni Choy. Bago niya ako sunduin ay buo na ang desisyon kong sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko na kayang patagalin pa dahil alam ko hindi patas para sa kanya ang pagkalito ko sa nararamdaman ko. Tama si Dianne, mali na naman ako.

Bahagya kaming binalot ng katahimikan. Bukod sa mahinang tunog ng stereo niya ay tanging iyak ko na lang ang maririnig.

Pagkatapos noong nangyari sa hotel ay halos gabi-gabi na akong hindi makatulog. Paulit-ulit akong ginugulo ng mga narinig ko sa usapan nila ng kapatid ko at hindi na makaya ng konsensya kong lokohin pa siya.

Mula sa love song ay biglang napalitan ang kanta. Hindi ko alam kung talaga bang pinaglalaruan kami ng tadhana dahil para itong nananadya.

Magsinungaling ka please

Di ko matitiis ang mundong ito

Kung di kita kasama

Pwede bang maawa ka sakin

Wag mo naman diretsuhin

Patalim na alam kong parating

Wag mong aminin

Ang katotohanan

Hindi ko kakayanin at ayokong masaktan

Kung pag-ibig sakin

Ay mamamaalam

Wag mong aminin

Mas lalo akong napahagulgol sa iyak dahil kahit wala siyang sinasabi ay parang ang kantang ito na mismo ang nagsasalita para sa kanya.

"Kallum." muli ay pagtawag ko sa kanya. "I'm sorry."

Muli niyang iniangat ang ulong nakasandal sa manibela. "Mahal mo pa?" halos ibulong niya lang ito habang diretso ang tingin sa akin. Marahan akong tumango habang nakatingin sa kanya na hindi ko rin naman makita dahil puno ng luha ang mga mata ko.

"Shit!" mahina pero madiin niyang bulong. Hindi ko na kaya. Hinawakan ko ang handle ng pintuan at binuksan ito. Naninikip na ang dibdib ko at kung hindi pa ako lalabas dito ay baka himatayin ako.

Napapikit ako nang tawagin niya ako. "Seffie..." pero hindi ko na siya nilingon. Hindi ko kayang tingnan siya. Bukod sa hiya ay hindi ko kayang makita kung gaano ko siya nasasaktan ngayon. "Mahal na mahal kita." I know. But I don't deserve him. I don't deserve anybody. I'm such a mess. Sa pagkakataong ito ay binuksan ko na ang pinto. "Please..." para akong dinudurong pero hindi ko na siya pinansin at tuluyan nang lumabas at bumaba.

BEHIND HER WHYSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora