CHAPTER 11

5 0 0
                                    

CHAPTER 11 - MORE THAN FRIENDS

Ngayon ang alis nila Cijz pabalik sa Norte. Dahil bakasyon nila ay sasamahan niya si Calixx Jer para ayusin ang problema nito sa mga magulang nila. Hindi ko alam kung ilang araw akong maiiwan dito pero naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila. Maswerte nga si Calixx dahil may kapatid siyang katulad ni Cleah na handang tulungan siya. Kung sabagay, nandyan din naman na si Choy.

Nandito ako ngayon sa labas at pinapanood sila Renz at Calixx na ilagay ang mga bagahe nila. Kanina pa ako pinipilit ni Cijz na sumama pero ayoko pang bumalik doon.

Hindi pa ako handa. Ayoko pang makita uli si papa at lalong ayokong hawakan ni isa sa kumpanya.

Ang sabi ko kay Cijz ay sabihin niyang busy ako kapag hinanap ako sa kanya ni mama.

"Busy saan ate Seffie? Sa love life? Hahaha." ito na naman si Jer Jer sa pang-aasar niya sa akin.

"May manliligaw ka na, Seffie? Sino? Sa staff ko ba?" tinapunan ko nang kunot na noo si Renz. Pake mo ba?

"Uy, curious." usal ni Cleah na akala mo ay tuwang-tuwa.

"Ligawan mo na kasi kuya. Ikaw rin, baka maunahan ka pa." wow ha? Sino namang uuna eh wala nga! Pero Jer Jer ka! Ang hilig mong magpapula ng mukha!

Tiningnan lang ako ng mokong na si Renz at inakbayan na si Calixx bago tinangay papuntang kotse at may binulong. Subukan niyang siraan ako. Lagot siya sa akin!

Pareho kaming tahimik ni Cijz sa byahe habang binabaybay ang daan na halos walang lamang sasakyan. Pinilit niya akong sumama sa paghahatid para naman daw hindi mag-isang babyahe pabalik si Renz. Wala na akong nagawa.

Napansin ata nito ang pananahimik namin kaya nagtanong na siya. Nagbiro pa siyang mukha raw kaming nalugi pero dahil pareho kaming walang kibo ng kaibigan ko, ang kapatid niyang si Calixx ang sumagot.

"Boys ata ang problema nila." ani ni Calixx na nasa front seat at aliw na aliw sa mga nakikita ng mata niya sa daan. Mabuti na lang at hindi siya pinatulan ni Renz sa pang-aasar niya.

Pero bakit nga kaya tahimik din si Cleah? Ano kayang problema nito? Kung sabagay, baka iniisip niya si Zack dahil malaki ang posibilidad na magkita uli sila.

Nang maihatid namin sila ay hindi na rin kami nagtagal. Nahihiya man ay nagpaalam na si Renz kila Tita Daphne at Tito Louie.

Buong akala ko ay uuwi na kami pero nagtaka ako dahil iba ang daan na tinatahak ng sasakyan namin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Sa inyo." nakangiti niyang sagot. Walang halong pang-aasar o kung anuman. Talagang natandaan niya pa ang bahay namin nang ituro kanina ni Cleah?

"Naku, huwag na. Please lang." pagmamakaawa ko. Baka datnan lang namin si papa sa bahay at mahirapan pa kaming makabalik sa Quezon.

"Kung iniisip mong baka matagalan tayo sa pag balik, ayos lang." natigilan ako. Anong ayos lang eh ang layo kaya ng byahe? May pasok pa nga kami bukas eh.

"Pero–"

"Gusto ko ring magpakilala sa parents mo. Para naman mapanatag sila na safe ka sa trabaho mo." shocks! Bakit feeling ko mamamanhikan siya? Waaaaaah! Anong mamamanhikan eh hindi ka nga nililigawan? Oo na! Ang sakit mo naman magpaalala, self! Tsk.

Wala na akong nagawa kung hindi ang magdasal na sana ay wala si papa sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ayokong magkita sila, basta ayoko lang.

"Seffie, darling ko!" bungad sa akin ni mama nang makababa ako sa sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Renz dahil kailangan kong masuri agad ang bahay.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now