CHAPTER 32

1 0 0
                                    

CHAPTER 32 - UNCONDITIONAL LOVE

"What? Saang ospital? Okay. I'll be there in a few minutes." rinig ko ang pagkataranta sa boses ni Choy.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Si dad." biglang kumabog ang dibdib ko. Mayamaya ay tumunog na rin ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay tumatawag si mama.

"Hello, ma?" pero imbis na salita ay iyak ang ibinungad niya sa akin na mas lalong nagpalakas sa tibok ng puso ko. Anong nangyari? Paulit-ulit na tanong ko sa isip ko.

Hindi ko alam kung saan ko itutuon ang utak ko. Kung kay Choy ba na natataranta sa pagkuha ng susi ng sasakyan niya o kay mama na walang tigil ang pag-iyak sa kabilang linya.

Naramdaman ko na lang ang sarili kong hinihila ni Choy palabas sa unit niya.

"Ma?" muli ay tawag ko sa kanya.

"Ang papa mo, anak." para akong dinudurog na ganito ko naririnig ang boses niya.

"Nag collapse daw si dad, Seffie." sa wakas ay may nagsabi rin sa akin sa nangyari. Nag collapse? Para akong nanigas.

"Seffie, let's go." tawag sa akin ni Choy dahil napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi niya.

"Ma, I'll call you back. Please calm down. We're on our way." sabi ko kahit ang totoo ay ako mismo ay hindi na kalmado.

Samu't-sari ang nararamdam ko ngayon. Pinaghalong kaba at pagsisisi na hindi kami nag-uusap ilang buwan na. Ramdam ko rin ang panic ni Choy na tutok ang paningin sa daan at halos businahan ang lahat ng humaharang sa daan.

"Choy." sinubukan ko siyang kalmahin sa pagtawag ko sa kanya.

"Seff, I'm fine. You're not." aniya. "You're shaking. Damn. Please relax." napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa cellphone ko at nakitang nanginginig ito.

"Sorry." iyon na lang ang nasabi ko. Ilang sandali pa ay narating na namin ang ospital.

"Miss, Joseph Salamanca." sabi ni Choy sa nurse na nasa reception.

"Nasa ICU pa po, sir. Pakihintay na lang po muna sa hallway."

"Shit." nasapo niya ang noo niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Muling tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko ito ay si mama uli ang tumatawag.

"Ma." sa pagkakataong ito ay alam kong anumang oras ay tutulo na rin ang luha ko.

"Anak, kumusta?" umiiyak pa rin siya.

"Nasa ICU pa po si papa." mas lalo siyang napahagulgol. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Tumulo na ang luha ko pero sinikap kong walang maging tunog ang pag-iyak ko.

"Pupunta ako dyan." walang anu-ano ay sabi niya.

"Ma?" lalo akong namroblema. "Wala po kayong kasama sa byahe." nasa Norte na uli siya ngayon at kami lang ang nandito sa Maynila. Hindi ako panatag na magbyahe siyang mag-isa sa ganitong sitwasyon. Baka mas lalo akong mabaliw kapag may hindi na naman magandang nangyari.

Laking pasasalamat kong napapayag ko siya na huwag na munang umalis. Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na rin si Tita Criselda.

"Choy, anak." agad siyang yumakap dito at pagkatapos ay sa akin. "Kumusta ang papa niyo?" tanong niya pero wala ni isa sa amin ang nakasagot. "Choyen?" muling pagtawag niya sa anak. "Kumusta si Joseph?" rinig sa boses niya pag-aalala.

"Wala pa po kaming balita, mom."

Hindi ko naiwasang isiping sila ang totoong pamilya ni papa. Alam kong mali. Alam kong wala sa lugar, pero hindi ko maintindihan kung bakit naglayag ang isip ko sa sitwasyong nasa harapan ko ngayon. Pakiramdam ko ay wala ako dapat dito. Pakiramdam ko ay sampid lang ako sa pamilyang ito. Na para bang gusto kong bawiin ang naging desisyon kong huwag munang papuntahin ang nanay ko rito. Bigla kong naramdamang kailangan ko siya ngayon. Na kailangan ko rin nang karamay at kakampi dahil pakiramdam ko ay mag-isa lang ako.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon