CHAPTER 10

3 0 0
                                    

CHAPTER 10 - CAN'T DENY IT ANYMORE

"Ayos ka lang?" halos maihagis ko ang mga hawak kong papel sa gulat kay Renz. "Sorry." sabi niya nang mapansing nagulat ako. "You look sick." aniya at hinipo ang noo pati ang leeg ko.

Para akong kinuryente sa ginawa niyang iyon pero wala akong lakas para pumalag.

"Wala ka namang lagnat." sabi pa niya. "Gusto mo bang magpahinga muna?" alok niya sa akin.

Ilang araw na rin simula noong nagswimming kami at may napapansin na talaga ako sa sarili ko. Kinakabahan ako dahil alam kong hindi na biro ito.

Tuwing nakikita ko si Renz ay literal na bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Parang nagsusumigaw ang puso ko at gustong kumawala sa katawan ko.

Kapag naririnig ko naman ang pangalan niya ay halos mawala ako sa konsentrasyon. Minsan nga, kahit hindi naman talaga siya ang may-ari ng pangalan at nagkataong kapareho o katunog lang ng sa kanya ay napapalingon ako.

Madalas din akong magulat tuwing darating siya, tuloy ay nagkakamali ako sa mga ginagawa ko katulad ngayon.

Hay. Ano bang ginawa mo sa akin, Renz?

"Puwede ba akong mag early out mamaya?" mayamaya ay paalam ko sa kanya.

Ang totoo ay wala naman talaga akong sakit. Sadyang hindi ko na lang maintindihan ang sarili ko. Kailangan ko ng oras para mag-isip at sa palagay ko, hindi ko iyon magagawa kapag kasama ko siya.

"Sure. Ihahatid na lang kita." aniya. Nalaman ko ring siya pala ang tinutukoy nila ni Cleah na boss ko at hindi ako makapaniwala! Kaya pala ang lakas niyang ipasok ako rito. Kaya pala sir ang tawag sa kanya nila Kaloy at halos wala akong ginagawa tuwing duty dahil siya ang may control sa shop na ito. Ang galing! Tss.

"Huwag na." mariin kong pagtanggi. Kaya nga ako uuwi nang maaga dahil ayaw muna kitang kasama, tapos ihahatid mo pa ako?

"Sige na, Seffie. Baka mapaano ka sa daan eh." hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya. Puno ito nang pag-aalala. Huwag ganiyan, Renz. Baka mas lalo akong mahulog sa 'yo niyan.

"Ayos lang ako." sabi ko at bahagyang ngumiti sa pagbabakasakaling makukumbinsi ko siya pero mali ako.

"No, Seffie. I insist." hinawakan niya ako sa magkabilang balikat na siyang nagdulot na naman sa aking sistema ng kakaibang sensasyon at inalalayan ako papunta sa couch tsaka pinaupo. "Ako ang nagpasok sa 'yo rito at bilang kaibigan ni Cleah, responsibilidad kita." oo nga naman. Si Cleah.

But how can I say no to him? Kung ganiyang nakikita kong nag-aalala siya sa akin? Pero gaano naman ako kasigurado na sa akin nga siya nag-aalala kung sinabi niya rin na responsibilidad niya ako dahil kay Cleah? Argh! Ayoko na munang mag-isip.

Tulad nga nang sinabi ni Renz ay ihinatid niya ako sa bahay. Dahil may pasok ang kaibigan ko ay si Calixx Jer lang ang sumalubong sa akin. Kapatid siya ni Cleah at nitong karaan ay ginulat niya kaming dalawa nang bigla siyang sumulpot.

Nalaman kong kaya siya naglayas ay dahil sa nadiskubre niya ang katotohanan na ampon siya. Tuloy ay hindi ko naiwasang maihalintulad ang sarili ko sa kanya na pinaglihiman ng mga magulang.

Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit nila pinipiling itago ang katotohanan sa amin? Kung bakit hindi na lang nila agad sabihin? Hindi ba nila naisip na masasaktan kami kapag nalaman namin? Na darating at darating ang panahon na malalaman namin ang totoo katulad ngayon.

"Oh, ate Seffie, kuya Renz?" bungad niya sa amin. Halatang nagulat sa itsura ko, lantang gulay pero maganda pa rin. Well.

Tinulungan niya si Renz na alalayan ako kahit diretso naman ang tayo ko. Nakakainis. Paano naman ako makakapag-isip nang matino nito kung kinikilig ako?

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now