CHAPTER 41

1 0 0
                                    

CHAPTER 41 - DIRTY MINDS

Himalang maaga akong nagising pero wala ng bago na mas nauna sa akin ang kapatid ko. Sobrang himbing at sarap ng tulog ko na hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakatulog pagkatapos kong linisin ang sarili ko kagabi.

"Good morning." bati ko sa kanya na abala na naman sa kusina. Nagtaka ako kung bakit tatlo ang mug. Dalawang kape at isang gatas. Tatlo rin ang mga plato at pares ng kubyertos. "Bakit tatlo?" tanong ko sa kanya na wala sa akin ang atensyon at nasa niluluto niya.

Biglang nasagot ang tanong ko nang iluwa si Dianne ng pintuan ng kwarto niya. "Oh my gosh!" mahinang sabi ko sa sarili ko. Doon siya natulog sa kwarto ni Choy? Magkasama sila? OMG!

Tulad ko ay halatang gulat na gulat siyang lumabas mula roon. Nagtama ang mga mata namin at alangan akong ngumiti sa kanya. Hindi maproseso nang tama ng utak ko ang nakita ko. Napansin ko ring iba na ang suot niyang damit. Shocks! Damit ni Choy iyon! Sigurado ako! OMG talaga. Napainom ako ng kape ng wala sa oras. Napaso pa ako dahil nakalimutan kong mainit pa pala ito.

"Gising ka na pala." mayamaya ay sabi ni Choy na pareho rin naming ikinagulat. Para kaming baliw na nag-uusap sa mata. Walang salitang namumutawi sa aming dalawa pero alam kong alam niya ang itinatakbo ng isip ko at ganoon rin ako sa kanya. "Ipinagtimpla kita ng gatas." sabi ni Choy sa kanya sa normal na paraan.

Wala talaga akong masabi. Hindi ko siya magawang tawagin at padulugin sa hapag dahil talagang nagulat ako. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi.

"Sa bahay na natin siya uuwi." wala na akong ibang matandaan.

"Baka lumamig 'to." sabi uli niya sa kaibigan kong hanggang ngayon ay tulalang nakatayo sa may sala. Sa wakas ay lumapit na rin siya pagkasabi ni Choy noon.

Umupo siya sa tabi ko kung saan nakahanda ang isa pang plato na para sa kanya at kinuha ang gatas. Tulad ko ay agad niya rin itong ininom at dahil nga mainit, napaso rin siya.

Biglang nataranta ang kapatid ko. "Ayos ka lang?" inabutan niya agad ito ng tissue at tubig. Maging ako ay natataranta sa isip ko. Anong nangyayari? May hindi na ba ako alam?

Tahimik ko silang pinapanood habang pilit kong ipinoproseso sa utak ko ang mga nakikita ko. Ipupusta ko ang lahat ng langgam, namumula si Dianne!

Natapos si Choy sa niluluto at ihinain ito sa harap namin pero pareho kaming tulala. Walang nagsasalita at kumukuha.

"What?" takang tanong niya. Napalunok ako. Sa dami ng iniisip ko ay aaminin kong hindi natraffic ang utak ko at talagang malayo na ang narating nito. Naisip ko kung magkakapamangkin na ba ako. OMG TALAGA!

Nang walang kumibo sa amin ay doon siya nagreact. "Oh, shit!" nasapo niya ang noo at tsaka nakatungong ginulo ang buhok. Mukhang napagtanto niya na ang nangyari kagabi.

Nang lingunin ko si Dianne ay parang namumutla na siya. Ang bilis naman? Kanina namumula ah?

"Okay." pagsisimula niya. Ito na. Shoots! Ito naaaaa! "I think I owe you an explanation." sabi niya na diretsong nakatingin kay Dianne.

Oo Choy. Please lang! Mag explain ka dahil sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip.

"Ihinatid ka namin ni Seff sa inyo." pag-uumpisa niya. "Kaya lang, pagdating namin doon, walang tao. Mag-isa ka lang ba sa tinutuluyan mo?" agad nalipat sa kanya ang paningin ko para sa sagot niya. Tipid siyang tumango. Ano na Dianne? Madaldal ka 'diba?

Nagpatuloy si Choy. "There. I got worried about leaving you alone while you're drunk... so I decided to bring you here with us." para siyang nabunutan ng tinik matapos niyang ipaliwanag iyon kay Dianne. Ayon naman pala. Nag-alala. Pero bakit? Hmmmmm?

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now