CHAPTER 24

3 1 0
                                    

CHAPTER 24 - HIS SOFT SIDES

Akala ko ay uuwi na kami pero nagtaka ako nang iliko niya ang sasakyan.

"Alam kong gutom ka na kaya kakain muna tayo." aniya na para bang nahulaan ang naiisip ko.

"Baka hanapin ako ni Choy."

"Nagsabi na ako sa kanya." wala na akong nagawa. Ngayon ko lang naisipang silipin ang cellphone ko. Nagulat pa ako nang makitang tadtad ito ng tawag at text galing kanila ni Choy at kay Cijz.

From: kokey

Don't be nervous face them like a pro

Hey dont forget to eat your lunch

Keep hydrated

Im on my way

Im here

Hindi ko naiwasang mapangiti. The way he reminds and updates me is crazy.

Binasa ko rin ang mga text ni Choy na pulos pangungumusta at paalala rin tulad ng kay Kallum. Agad ko siyang nireplyan at sinabing kasama ko na si Kallum at kakain lang kami.

Sunod kong binasa ang text ni Cleah. Ilang sandali pa ay naramdaman kong nakaparada na ang sasakyan.

"We're here." aniya na siyang nagpabalik ng atensyon ko sa kanya. "Stay still." dagdag pa niya na siyang ipinagtaka ko.

Bumaba siya at umikot sa gawi ko at tsaka ako pinagbuksan ng pintuan. Sa loob-loob ko ay nag-iisip ako kung nabasa niya ba ang naisip ko noong unang beses na hindi niya ako ipinagbukas ng pintuan.

"Careful." paalala niya sa akin habang bumababa.

"Good day, ma'am and sir." bati sa amin ng staff ng restaurant.

"Nasaan tayo?" tanong ko dahil talagang hindi ko na namalayan ang byahe dahil tutok ako sa pagse cellphone.

"Still in Makati." aniya habang ginagabayan ako papunta sa pwesto namin.

Nasa roofdeck ang restaurant at hindi tulad sa Quezon ay pulos gusali ang matatanaw sa paligid. Ibang-iba ito sa probinsya na sariwang hangin mula sa dagat at bundok ang sasalubong sa iyo.

Overlooking ang siyudad at dahil palubog na ang araw ay may mangilan-ngilan ng ilaw ang mga gusali na tanaw mula rito.

Mayamaya ay lumapit ang isang waitress at iniabot ang dalawang menu.

Hati ang isip ko kung kakain ako ng kanin o pasta pero mukhang pasta na lang dahil marami na akong nakain kanina. Nagpadespedida na rin kasi si Ma'am Alma.

"What's yours, Seffie?" ani Kallum na mukhang tapos na sa pagpili.

"Uhm. Aglio Olio Pesto and Margarita." hindi ko sinasadyang piliin iyong mga mahal pero iyon talaga ang gusto ko. Sorry Kallum. Hahaha.

Bumaling sa kanya ang babae na kumukuha ng order namin. "Not the cocktail." sabi niya sa akin na nagpalaglag sa panga ko. "Baka masapak ako ni Choyen kapag nalaman niyang pinayagan kita. May pasok ka pa bukas." dire-diretso niyang paliwanag.

"Hindi naman nakakalasing 'yon." maktol ko pero hindi niya pinansin. Sinimangutan ko siya. Gusto ko ng tequila dahil matagal na rin akong hindi nakakainom noon.

"Choose another." utos niya. Nakakainis!

Muli kong sinilip ang menu. Kung bawal ang margarita, malamang bawal din ang vodka o wine.

Labag sa loob ko nang sabihin ko ang bagong napili. "Café Mocha." sa pagkakataong ito ay sinadya ko nang piliin iyong pinakamahal.

"Alright." pagsang-ayon niya. Tsk. "Give me a Fettuccine Alfredo and Double Espresso." agad namang nakuha ng babae ang sinabi niya.

BEHIND HER WHYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon