CHAPTER 5

4 0 0
                                    

CHAPTER 5 - HELLO QUEZON PROVINCE

Oh my gosh! As in, oh my gosh! Pangalawang gabi ko pa lang ngayon dito sa Quezon kasama ang kaibigan ko at ito ako, may ka-date na agad na isang gwapo. Kinikilig ako! Sige lang self, libre namang mangarap, eh.

Dumating ako kahapon ng umaga nang hindi nagsasabi kay Cleah dahil plano ko siyang surpresahin at hindi ko akalaing ako pala ang masusurpresa dahil sa sobrang pagkahectic ng schedule niya.

Alam kong inis na inis siya pero alam ko rin namang mas mahal niya ako kaya wala na siyang nagawa. Isinama niya ako sa school na pinapasukan niya kung saan siya nagtuturo at nagkataong foundation week pala nila. Nagkataon pang may performance din siya sa awarding nila kaya kinailangan niya akong iwan sa mga katrabaho niya. Gladly, mababait naman sila kaya nakasundo ko rin agad.

Ngayon naman, kasama ko ang bago niyang kaibigan dito. Nakuwento na niya ito sa akin noon at hindi ko akalain na tama ang naimagine kong itsura nito base sa pagkakakuwento niya.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin. Lulan kami ng sasakyan niya na sobrang bango! Parang siya. Naitanong na niya ito kanina noong kasama pa namin si Cleah pero hindi ako nakasagot dahil biglang nagtext si Choy.

Ihinatid namin ang kaibigan ko sa school niya dahil may Gala night daw sila. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako dahil hindi ako puwedeng sumama.

Bahagyang napakunot ang noo ko. Anong alam ko sa lugar dito? Isa pa, saan ako pupunta? Edi uuwi na. Saan pa ba?

"I mean, wala ka kasing kasama sa bahay. Wala si Cleah at baka mamaya pa sila." paliwanag niya dahil sa hindi ko pag sagot. Oo nga ano? Naisip niya pa 'yon?

"Hmmmm." sabi ko na tila ba ay nag-iisip.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Sorry, kadarating mo nga lang pala kahapon." aniya. Infairness, sensitive siya. "Gusto mong kumain?" nakangiti niyang alok sa akin. Oh my! Why so gwapo? "Or coffee?" dugtong niya.

"Okay." tipid kong sagot. Mali, Seffie, mali. Baka isipin niyang ang sungit ko, pero anong magagawa ko? Kinikilig ako. Shocks!

"I know a place." sabi niya habang tutok na tutok ang paningin sa daan. "Tingin ko magugustuhan mo ro'n." saglit siyang sumulyap sa akin kaya napaiwas ako nang tingin. Nahuli niya kaya ako? Shocks!

Mukha nga siyang mabait. Simple lang siya at hindi mukhang mayabang, pero hindi ako sigurado. Ano bang malay ko kung front niya lang pala ito, pero hindi ko maitatangging panatag ang loob ko ngayong kasama siya. Isa pa, kilala ko si Cleah. Hindi 'yon basta-basta nagtitiwala sa iba so I guess, I'm safe with him.

Ilang sandali pa ay ipinarada na niya ang sasakyan sa isang Café. Dim light ang lugar at mukhang sosyal or should I say, it looks romantic. Shocks, date ba talaga ito?

"Wait lang." aniya at bumaba sa kotse. Saan naman kaya ang punta niya? Tinanguan ko lang siya at sinilip ang cellphone ko. Naisip kong i-text si Cleah para sabihing ide-date ata ako ng kaibigan niya. Hahahaha! Hala sige Joseffinah! Nilamon ka na ng pantasya.

Magtitipa na sana ako nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ko. Nagulat ako nang makita ang nakalahad na kamay ni Renz! Oh my gosh! Pakiramdam ko ay namula ako. Mabuti na lang at madalim dahil kung hindi, hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya.

Kinikilig kong tinanggap ang kamay niya pero bahagyang nawala ito nang maramdaman ko ang tigas at gaspang nito. Hindi malambot. Iba sa naimagine ko noon. Matapos akong alalayan sa pagbaba ay binitawan na niya ang kamay ko.

Sinalubong kami ng babaeng staff ng café. Hindi ito mukhang mamahalin tulad ng mga nasa Maynila pero may kung anong kakaiba sa lugar na siyang nagbigay espesyal dito.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now