CHAPTER 22

2 0 0
                                    

CHAPTER 22 - GIVING IT A TRY

Hindi na uli pumunta rito si papa simula noong dumalaw siya. Iniisip ko kung anong napag-usapan nila ni Choy dahil wala siyang nabanggit.

"Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid?" tanong niya.

I answered him confidently. "Yes. Sure na sure." He just gave me a deep sigh kaya natawa ako. "Come on, Choy. Hindi na ako bata. I can handle myself."

"Hindi ka na bata pero babae ka, at nasa Maynila ka. You're not in the North nor in the South. You're in the Metro."

"Okay?" nakangiwing sabi ko habang binibigyan siya ng so-what-look.

"Tsk. You don't get it." I can see that he's losing his patience. "It's not the way you see life in provinces, Seffie. Unlike here, it's not always as safe there."

"Mag-iingat ako. Promise." I said. Giving him assurance that I will. "Baka ma-late na ako, Choy." dagdag ko dahil talagang mahuhuli ako kung hindi pa rin siya titigil lecture-an ako.

"Fine. Call me when you need me." pagsuko niya.

I gave him a smile and a goodbye hug. "Sure, I will."

May pasok siya ngayon pero nauna akong umalis dahil ngayon ang araw ng interview ko. Nag-apply ako sa isang kumpanya bilang Human Resource. Nakita kong hiring sila kaya sinubukan ko. I just wanna try something new.

"You need some sort of distraction."

Luk is right. I need a kind of distraction for me to be able to move forward. Hindi lang kay Renz kung hindi pati na rin sa mga pasakit sa akin ng personal kong buhay. Walang mangyayari sa akin kung magkukulong ako sa unit ni Choy.

"Hey." tawag sa akin nang pamilyar na boses.

He's in his metallic black car. I think it's a Toyota Vios Sedan kung tama ang natatandaan ko sa mga nalaman ko kila Renz at Kaloy noong nasa Enzo Auto pa ako.

"Where are you going?" tanong niya. Nandito ako sa tapat at nag-aabang ng taxi.

"Somewhere." ani ko at napatingin sa relo ko. Shocks! I only have 30 minutes left.

"Hatid na kita." alok niya. Hindi ko alam kung papayag ba ako pero nang silipin ko ang likuran ng sasakyan niya ay mukhang wala pa ring taxi na parating.

Nang makita niyang ihinakbang ko ang isang paa ko ay agad niyang binuksan ang front door nang hindi umaalis sa kinauupuan niya. Doon ay bigla ko na namang naalala kung gaano kagentleman si Renz.

Para kong nilunok ang sinabi ko sa kapatid ko nang makaupo ako. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ko siya nang tanggihan ko ang alok niyang ihatid ako pero ito ako ngayon at lulan ng sasakyan ng kaibigan niya.

"Saan ka?" tanong niya na abala sa pagmamaniobra sa manibela. Naalala ko namang ikabit ang seatbelt ko. Kung si Renz ang kasama ko, baka siya pa ang nagkabit nito.

"Sa SMI."

"Mag-aapply ka?" tanong niya uli. Hindi ako makafocus dahil iniisip ko ang interview ko na mukhang napaaga dahil sa pagtatanong niya. "Buti pinayagan ka ni Choy?"

Medyo mabigat ang daloy ng trapiko at sa puntong ito ay hindi na ako mapakali.

"Relax." aniya. "Hindi ka male-late."

"Gaano ka naman kasigurado eh halos hindi nga gumagalaw itong sasakyan mo?" pagmamaktol ko.

"May crossing diyan, kaya mabigat ang traffic. After niyan, mabilis na lang 'yan." oh. I see. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. "Takot ma-late, huh?" pagbibiro niya.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now